Pero ngumiti pa rin ako.
Ang mahalaga nandito siya.
"Paano na 'yan? Nakuha na ng tuluyan ng aso ang isaw mo. 'Wag mo nang kunin 'yon, madumi na 'yon."
"Oo nga, eh. Nakakainis. Sayang. Haha."
"Haha. Magpa-ihaw ka na lang ulit."
"Kaso gabi na, eh."
"Edi bukas na lang."
"Aalis na rin ako bukas, eh."
Nalungkot ako sa sinabi niya.
Aalis na pala ulit siya bukas.
Pero lagi naman siyang ganyan.
Uuwi lang siya dito sa lugar namin mga isang beses sa isang buwan.
Tapos aalis na ulit siya.
Ngayong buwan nga lang na 'to napadalas ang pagbisita niya, eh.
Hindi ko alam kung saan siya eksaktong pumupunta.
Sabi din ng kasi ni ate Nela, ng nanay niya, kahit sa kanya ay ayaw daw sabihin ni Nicole kung saan ito pumupunta.
"Edi paano na 'yan... uuwi ka na ngayon? Naku, delikado na dito sa labas. Ihatid na kita."
"Uh... hindi na, Jake."
"Nicole, alam mong maraming tambay dito sa lugar natin. Minsan ka nang nabastos dito. Sa ayaw mo man o sa gusto, ihahatid kita."
"Hindi na."
"Pero–"
"Mag-stay muna ako dito sa inyo."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Mag-stay muna daw siya dito sa 'min?
Ibig sabihin ba nito, sasamahan niya 'ko sa birthday ko?
Napangiti ako.
At kahit madilim, napansin ko na bahagya din siyang napangiti.
"Sigurado ka ba, Nicole?"
BINABASA MO ANG
Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!"
RomanceSidechick Series #1: "Yes, I'm His Bitch!" (Nicole Policarpio's story)