[SABRINA]
At malaki ang possibility na hiwalayan na ni Lilian si Kurt.
Hopefully!
So finally, I can get rid of that bitch.
Si Nicole na lang ang problema ko kung sakali.
But there's also a possibility na mas lalong dumikit na parang linta si Nicole kay Kurt kung wala na si Lilian.
And I need to stop that.
And in order to do that, kailangan ko lang ulit gumawa ng paraan para si Kurt na mismo ang magtaboy kay Nicole.
"Tama!" sabi ko nang biglang may maisip na plano.
"Anong tama?"
"Wala pa kaming tama, sis. Tequila lang 'to, 'no."
"Tama. Alam ko na ang next move ko," I said excitedly.
Nagkatinginan sina Mara at Clara at mukhang na-excite din sila.
"That sounds great, sis. What is it?"
Dahan-dahan na sumilay ang mala-demonyitang ngisi sa mga labi ko.
"Here comes your evil grin again, Sabrina! You're really good at doing that!"
"And that evil grin only means that you have another bright idea, sis. I'm excited!"
"Yes. Humanda sa atin ang Nicole na 'yan. Kakawawain natin siya lalo," I said.
Inabot ko ang baso ng tequila ko at uminom nang hindi pa rin nawawala ang ngisi ko.
Nakikini-kinita ko na ang mga pagdudusa na mararanasan ni Nicole—
"Hack!" pag-ubo ko dahil sa pait ng tequila!
Halos lumabas sa ilong ko ang ininom ko!
BINABASA MO ANG
Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!"
RomanceSidechick Series #1: "Yes, I'm His Bitch!" (Nicole Policarpio's story)