Chapter 2

1.9K 42 0
                                    

Chapter 2

Ariel's point of view

"Maris, wag kang aalis sa tabi ko ha? Wala akong kilala sa mga kaibigan ng kuya mo. Kaya wag mo kong iiwan."

"Of course! Kaya nga kita isinama dahil wala rin akong kilala sa tropa ng kuya ko."

"Okay lang ba talaga sa kuya mo?" tanung ko ulit kay Maris. I think this is the fifth time I'm asking the same question to her.

I just don't really find it okay. It's her brother's birthday party, I don't think I am invited. So I was just making sure that I am welcome to the party.

"Yes, of course. Well, kuya have no choice but to agree na isama kita duon 'no! Hindi pwedeng ma-out of place ako sa kanila. Hindi rin pwedeng hindi ako kasama dahil sabi ni Mom I should be there sa party and we will send a picture together once we're there sa bar. Hindi ko rin maintindihan kung anong meron sa isip ni Mom. Like, palagi namang nag babar si kuya Markus and it's kuya's birthday, bakit kailangan kasama pa ako dun, right?"

"Minsan talaga hindi natin makuha kung anong nasa isip ng mga magulang natin. But we will still need to follow because they know the best for us. Siguro she wants you to enjoy. Kaya ka niya gustong isama sa bar and since kasama naman ang kuya mo she knew you will be protected by your brother."

"Well, I don't think I will enjoy it. Buti na lang pumayag si Tita na sumama ka sa akin, now I think I'll enjoy it because you're with me."

"I'm just worried. What if magkita kami dun ni Calvin? Mahilig pa naman mag party yung lalaking 'yun baka dun pa kami magkita. Baka isipin niya ibang klaseng babae na ako, pag nakita niya ako sa ganung klase ng lugar."

"He knew you. He won't think about you like that. And his opinion about you doesn't matter anymore. Hindi na kayo. Wala nang kayo. Tapos na ang relasyon ninyong dalawa. It's over."

Napatigil si Maris sa pagsasalita nang mapansin niya ang hitsura ko sa kaniyang mga binitiwang salita. Mabilis niyang iniba ang usapan at siniguradong hindi magtatagpo ang landas naming dalawa ni Calvin sa birthday party ng kuya Markus niya.

"Don't worry, my dear friend, as far as I know, hindi tropa ni kuya Markus si Calvin so you're safe. Hindi mo makikita ang manloloko mong ex ngayong gabi at ang good news pa e makakapag party ka to finally get over with that jerk! Sounds great, right?"

I nodded, not being too excited like her right now. "Yes, that sounds great. I hope so."

"I know right? But I don't think your clothes are fit for the party. Let's change it. Let's go to my room and find you a good dress or skirt."

"Why dress? And skirt? Seriously, it's a party. Wala pa akong nakitang naka-dress sa party."

"It's not what you think. A different dress is what I'm talking about. Come on, you'll like it."

PINAHIRAM ako ni Maris ng susuotin ko. Yung suot ko raw kanina ay hindi babagay sa bar na pupuntahan namin.

"Ayan mas bagay sa 'yo 'yan." Sabi ni Maris habang nakatingin kaming dalawa sa whole body mirror sa kaniyang kwarto. Sinundo niya ako kanina sa bahay. Ayaw kasi ni mama na lumabas ako hangga't hindi ako sinusundo ni Maris dahil gabi na raw at delikado kung babyahe pa ako. May kundisyon din si Mama kay Maris kanina, kailangan din na may maghatid sa akin pauwi sa bahay. Pumayag naman agad si Maris, makasama lang ako ngayong gabi sa birthday party ng kuya niya sa isang exclusive bar.

"I don't think it's a good wearing, Maris. Magagalit si Calvin at sa tingin ko mapapagalitan ako ni Mama kapag nakita nilang nakasuot ako ng ganito."

"Girl, di mo na boyfriend si Calvin. Kahit ano pang suotin mo, pwede na, wala nang magbabawal sa yo. At saka hindi ka naman makikita ni Tita. And it's not too revealing compare to mine. Alam ko naman galing ka sa respetadong pamilya at alam ko rin na masyadong conservative si Tita kaya hindi kita pagsusuotin na hindi niya magugustuhan. I don't want to break her trust as well."

This is what I like about her. Palagi niyang kino-consider ang bawat tao sa paligid niya. She never invalidates someone's feelings. Swerte talaga ang magiging nobyo niya. Pero di ko pa talaga sure kung gusto niya nang mag settle.

She's very open and adventurous. I think she's not ready to settle down or to have a boyfriend yet.

"Bagay ba sa kin?" tanong ko sa kaniya as I look at myself in front of the whole body-size mirror in her room.

"Super bagay! Kaloka ka. Buti nakipaghiwalay ka kay Calvin. Look at yourself, bagay sa yo ang mga ganiyang damit na hindi mo masuot noon dahil sinosolo ka lang nung Calvin na babaero naman pala! Una pa lang wala na talaga akong tiwala sa lalaking yun e. Buti na lang nahimasmasan ka na sa kaniya. Thank God!"

"Thank God talaga?"

"Yes! Dahil kung hindi ka nakipaghiwalay dun malamang wala ka ngayon dito at hindi mo ako masasamahan sa birthday party ni kuya Markus dahil pagbabawalan ka niyang mag enjoy. That selfish jerk!"

"Ikaw talaga. Kaya hindi kayo magkasundo ni Calvin noon pa. Napakailap mo sa kaniya."

"I'm just being true to myself. I don't like him. So I'll act like I don't like him in front of him. Ayaw kong makipagplastikan sa kaniya no. At saka if he doesn't like me, I don't care, mas ayaw ko sa kaniya. He's a douche."

Noon pa man ay hindi na talaga magkasundo itong best friend kong si Maris at ang ex kong si Calvin. Palagi silang aso't pusa sa tuwing nagkikita. Ako ang taga awat nilang dalawa.

After namin mag ayos ay nagpahatid na kami sa kay kuyang Randall, personal driver ni Maris. Mayaman talaga tong kaibigan kong si Maris.

Biruin mo sa edad niyang bente dos tulad ko e meron na siyang sariling beauty product at meron siyang sasakyan na regalo sa kaniya ng mommy niya nung nag 18 siya at hanggang ngayon ay gamit pa rin niya.

Meron siyang personal driver na maghahatid sa amin ngayon sa bar kung saan gaganapin ang birthday party ng kuya Markus niya.

Masasabi kong pinanganak siyang mayaman pero may diskarte sa sarili dahil kumikita na rin siya sa sarili niyang sikap.

Meanwhile, I'm her reseller. Isa ako sa nagbebenta ng beauty product niya at okay naman ang kinikita ko sa pagbebenta ng beauty product niya lalo na sa school namin.

I can't start my business lalo pa't wala naman akong pansuporta sa sarili kong negosyo kung sakali. Sa akin din kasi nakaasa ang ibang gastusin sa bahay. Di naman kayang icover yun lahat ni mama. At naiintindihan ko naman yun.

"Alam ko na nasasaktan ka pa rin sa break up ninyo ni Calvin," sabi ni Maris. Nakatingin siya sa akin at halatang gusto niya akong ramayan sa sakit na naramdaman ko noong naghiwalay kami ni Calvin. "Tonight is your freedom, you can do whatever you want, drink whatever you want, flirt with whoever you want. Wala nang magbabawal sa yo, and I'm telling you, it's super nice to be single. Tonight is the time to forget about your shitty ex who did nothing but hurt you. It's about time to enjoy your teenage life, Ariel. I'm just here to support you. To watch over you tonight. We will enjoy this night."

"Thank you for always being there for me, Maris. I owe you a lot."

She just smiled at me.

"That's what best friends are for."

"Tama ka. Kakalimutan ko na siya fully tonight. Gago siya. Wala siyang kwentang lalaki. Di siya worthy ng mga iyak ko. I can still find someone who can reciprocate my feelings."

"Yes, girl! I like that. We're stronger than them. Papatunayan natin yan sa lahat ng lalaking walang ibang ginawa kundi ang saktan lang tayong mga babae."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon