Chapter 17

922 40 1
                                    

Chapter 17

"Bakit hindi mo sinabi sa min na naging boyfriend mo pala si Engr. Calvin?" tanong ni Mia.

She's teaching me how to submit the document using their tools. And then suddenly she opened the topic about me and Calvin, and then she asked me that question.

"Ah, for what? I think it's not necessary to let everyone know who's my exes. Kung may magtanong, of course, dun lang ako magsasabi."

"Sira. That's a trophy, siz. Maraming nangangarap sa kay Engr. Calvin, letting them know that he's your ex was a completely satisfaction. Ang suwerte mo nga, alam mo bang alam na ng lahat ang nangyari sa labas ng department? Niluhuran ka lang naman ng isang Engr. Calvin Rolierstone. Baka kumakalat na rin ang balitang ex mo siya. You should be proud, siz. I'm happy for you. Well, envy you at the same time. Sana ako na lang ang nasa sitwasyon mo. Di ka ba proud na naging boyfriend mo si Engr. Calvin?"

Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot ang tanong niya. Anong klaseng tanong ba yan? Ganun ganun na lang ba sa kanila ang pagkakaroon ng mayaman at gwapong boyfriend o ex? Hindi ko sila maintindihan. Anong satisfaction ang nakukuha nila roon? Like, what? Mia is something.

"Siya ba ang dahilan kung bakit nakapasok ka dito sa Rolierstone Legacy?" dagdag pang tanong ni Mia. Panibagong walang kwentang tanong.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa naging tanong niya sa akin. Para bang nainsulto ako sa tanong niyang yun. Bakit, mukha bang hindi ko kayang pumasok sa kumpanyang ito ng walang backer? Ganun ba kaliit ang tingin nila sa akin dito?

"Don't get me wrong, Ariel, ha, lahat kami dito sa department ay nagtaka nung nalaman namin na ikaw ang bagong intern sa accounting department. We checked your credentials and your CV, walang something special. Ni background mo di papasa sa company kaya lahat kami ay nagtaka na nakapasok ka dito sa kumpanya, ngayon parang nagkaroon na kami ng idea kung bakit kasama ka namin dito sa accounting department at isang intern." Mahabang paliwanag sa akin ni Mia.

"Because of Calvin?" I asked her.

She nodded. "Yes. Maraming koneksyon ang ex mo. To think na pamilya pa nila ang nag mamay-ari ng kumpanya posibleng pinakiusapan ni Engr. Calvin ang CEO o ang head ng accounting department para tanggapin ka dito bilang isang intern."

Naikuyom ko ang aking palad. Sinubukan kong habaan ang pasensya ko sa mga salitang naririnig ko mula kay Mia. Mas mabuti na rin ito kesa sa iba ko pa marinig. Masaya pa rin ako kahit papaano dahil hindi sila backstabber ni Jayda.

Talagang sinasabi nila sa akin kung ano ang nasa kanilang isip at hindi na pinapaalam pa sa ibang tao at duon ko pa malalaman, mas ayaw ko nun. Pinilit ko pa ring ngitian si Mia. I know, it's a fake smile. But what can I do? Ano ba ang magandang response mula sa mga sinasabi niya? Should I thank her? Or what? I don't know. I chose to have peace of mind so I kept on listening to her at hindi na lang kinontra pa kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

"Excuse me, mag restroom lang ako." I excused myself to Mia. Hindi ko na kaya ang mga lumalabas sa bibig niya. I want to breathe.

Kailangan ko munang lumayo sa kaniya hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Bakit kasi wala pa rin hanggang ngayon si Jared, e 'di sana wala akong maingay na nagtetrain sa akin ngayon na ang dami daming wala namang kwentang mga tanong.

Naiinis ako. Kasi kahit anong gawin kong pagpapabuti sa trabaho ay hindi pa rin nila makita na deserving ako sa slot ng internship na naibigay sa akin. Iniisip pa rin nila kung bakit ako naging intern dito. At ngayon nalaman nilang ex-boyfriend ko si Calvin ay iisipan nila ako na dahil kay Calvin kaya ako nakapasok sa kumpanyang ito.

Hindi ko naman akalain na ganun din kalakas ang impact ng mokong na yun dito sa kumpanya. I thought he was just a low-key intern here. Kaso nagkamali ako. Kilala rin pala siya ng lahat na anak ng may ari nitong Rolierstone Legacy. Kapatid ng CEO at isang magaling at mahusay na Engr.

Hindi ko napansin umiiyak na pala ako sa tapat ng salamin sa restroom. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha.

"It's okay, Ariel, you can do this. After your internship matatapos na rin ang lahat ng ito. Ang certificate lang mula sa kanila ang kailangan mo. Kaya mo 'to." Pagkuwan ay pagkausap ko sa aking sarili habang pinupunasan ang aking luha sa tapat ng salamin. Tinitingnan ko lang ang aking repleksyon habang nagpupunas ng luha.

Pilit kong pinapataas ang confidence ko at nag self-cheering pa sa harap ng malaking salamin.

Pangalang araw ko pa lang dito sa Rolierstone pero parang isang taon na akong nagtrabaho sa daming kaganapan. For two days e hindi man lang natahimik ang buhay ko nang dahil sa magkapatid na yan. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng katahimikan ang buhay ko.

Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa akin dito sa Rolierstone Legacy. Tila ba pinahihirapan at pinarurusahan ako ng kapalaran ko.

"Hello po ate,"

Napatingin ako sa tabi ko nang biglang may nagsalita doon. "Hello," pagbati ko rin sa kaniya. Siya ay isang babae na may malawak na ngiti sa labi. "May kailangan ka ba sa kin?" tanong ko pa.

"Wala naman po. Gusto ko lang sabihin sa yo na kayang kaya mo po yan, kung anuman ang problema mo malalampasan mo rin po yan. Ang ganda ganda mo po. Napaka natural ng beauty mo."

"Ikaw din naman, ang ganda ganda mo." Natuwa naman ako sa batang ito. I don't know if mas matanda siya sa akin o mas bata pero mukha kasi siyang bata kaya naman nasabi kong bata siya.

"Nako, isa lamang po yang mapanlinlang. Maraming pinagawa ang mom ko sa mukha ko para makapasok lang dito sa Rolierstone Legacy. Kung anuman po ang nakikita mo sa mukha ko ngayon, wala pong totoo dyan. Lahat e napalitan na." Nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Paano nagawa ng magulang niya iyon sa kaniya upang makapasok lamang dito sa kumpanya?

"Hanga po ako sa napakabuti niyo pong puso at sa natural niyong ganda. Wag po kayong panghinaan ng loob. Makukuha mo ang certificate of internship dito sa company at alam ko pong malayo pa ang mararating mo." Yun ang huling sinabi niya sa akin bago ako iwan dito sa loob ng restroom.

Kahit papaano ay napangiti niya ako sa ginawa niyang yun. Kung sino man siya, nagpapasalamat ako ng marami sa kaniya. She helped me a lot mentally. Salamat sa kaniya.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon