Chapter 18

898 46 1
                                    

Chapter 18

Nung nag lunchtime na ay halos lahat yata ng babae sa department namin e inaya akong sumama sa kanila mag lunch samantalang kahapon ay halos hindi nila ako pinapansin.

Wala akong sinamahan ni isa sa kanila kahit kina Jayda at Mia. Siguro magkakape na lang ulit ako sa pantry. Gusto ko yung kape na tinitimpla ko dun e bago siya sa panlasa ko kaya naman gustong gusto ko.

"Di ka nag lunch?" tanong sa akin ni Mia pagkabalik namin sa trabaho.

Umiling ako. "Busog pa naman ako. At saka mahal ang mga pagkain dito, nalimutan kong dalhin yung baon na ni-prepare sa akin ni Mama."

Si Coltier ang may kasalanan. Kung wala siya sa bahay kaninang umaga at hindi nambwisit sa akin e malamang madadala ko ang pabaon sa akin ni Mama na ulam at kanin. Nakakain sana ako kaninang lunch.

"Ano ka ba, Ariel? Hindi madali ang trabaho natin. Isip ang umaandar sa atin kaya sana kumain ka kahit kaunti. Meron pa akong pera ditong dala gusto mo pahiramin muna kita bayaran mo na lang sa sahod." Nag aalalang sabi sa akin ni Mia. "Kumain ka muna. Hihintayin na lang kita dito sa office table mo. Okay lang naman."

"Naku hindi na. Salamat na lang Mia, hindi pa naman ako nagugutom at saka marami akong nakain kaninang umaga." Pero sa totoo lang ay kumukulo na ang tiyan ko. Ayaw ko naman kasing mangutang pa ng pera sa kaniya at ibili ng pagkain.

Nakakapanghinayang lang din bumili ng pagkain dito sa company o kahit sa karinderya na sinasabi nila. Meron naman na pinabaon sa akin si Mama, kaso nga lang e naiwan ko sa bahay.

"Wag ka nang mahiya, kunin mo na ito at kumain ka. Mahirap mag trabaho ng walang lanan ang tiyan. Kanina ka pang umaga kumain, ilang oras na ang lumipas."

"Hindi na. Okay lang talaga ako. Salamat na lang." Nginitian ko siya upang makumbinsi na ayos lang ako kahit hindi kumain.

"Sigurado ka ha,"

"Oo. Okay lang ako Mia, salamat,"

I'm starting to feel nauseous. I don't know why. Wala naman akong kinain ngayong lunch at di naman ako ganun kagutom dahil marami naman akong kinain kaninang breakfast. Di ko na lang pinahalata kay Mia na nasusuka ako pero parang masama na talaga ang pakiramdam ko.

Mayamaya pa ay dumating si Jayda sa harap ng table ko. Napatigil tuloy sa pag explain sa akin si Mia at tinaasan ng isang kilay si Jayda.

"Bakla anong eksena 'yan? Nakita mo namang nagt-training pa kami nitong si Ariel,"

"Kailangan na kasi nito, siz, pahiram muna ako kay Ariel."

"Bakit ba?"

"Kailangan itong madala ngayon kay Sir Coltier."

"Oh? Di mo ba kayang dalhin kay Sir Rolierstone 'yan? Wala ka bang mga paa?" masungit na tanong ni Mia kay Jayda.

"Siz palaban na palaban ka ah, may nagawa ba akong mali sa yo para pagsungitan mo ko ng ganiyan? Hihingi lang naman ako ng favor kay Ariel."

"Bakla mapapagalitan ako ni Madam Kassandra. Last day na ng training ni Ariel bukas, parang wala pa yata siyang natututunan."

Napatingin ako kay Mia sa sinabi niya. Mukha bang wala pa akong nalalaman sa trabaho namin? Nakikinig lang naman ako sa kaniya. Kung makapag judge siya dyan, ayaw ko naman sabihin sa kaniya na alam ko na yung mga tinuturo niya sa akin at baka ma offend ko lang siya at sabihan pa ako na nagmamarunong.

"Ariel, okay lang ba kung ikaw ang magdala nito kay Sir Coltier? Alam mo gustong gusto ko tong dalhin sa kaniya ang kaso lang may meeting ako mamayang 2:30 pm. 5 minutes na lang ang natitirang minuto, di na aabutin kung ako pa ang mag aabot."

"Bakla sa iba na lang. Marami pa akong ituturo dito kay Ariel. Pasensya ka na." Pag awat ni Mia kay Jayda.

"Okay lang. Ako na ang magdadala sa CEO ng mga yan."

"Grabe ang bait mo talaga siz, buti ka pa hindi katulad ng iba diyan. Maiwan ko na to at baka magbago pa ang isip mo. Kukunin mo rin yan agad sa kaniya at ibabalik sa akin pagkatapos niyang basahin at pirmahan ang mga yan ha?" Pag instruct sa akin ni Jayda at pagkuwan ay umalis agad.

Hindi na nito pinakinggan ang buwelta ni Mia na ayaw akong payagan dahil magagahol kami sa oras.

"Gaga ka. Bakit ka pumayag kay Jayda?" naiinis na tanong sa akin ni Mia.

"Wala na kasing ibang gagawa nito. Saka may meeting sila ng 2:30 pm. Malilate na siya."

"Hindi mo ba alam kung gaano kahirap magpapirma ng mga papel kay Sir Coltier?" tanong niya pa sa akin.

Umiling ako sa kaniyang tanong. Hindi ko naman kasi talaga alam. Ano bang mahirap sa pag pirma ng mga dapat naman nilang pirmahan? Wala naman siguro.

"Siguradong late na yang mga document na yan. Baka kahapon pa dapat pinapirma yan at saka di basta basta pumipirma ng dokumento si Sir Coltier. Talagang binabasa nun kahit walang kwenta na ang nakasulat. Lahat yun important sa kaniya."

"Gusto mo ba na ibalik ko na lang kay Jayda?" tanong ko sa kaniya. Medyo kinabahan din ako sa pananalita niya.

"Huli na. Nasa meeting room na yun at inaasahan niyang dadalhin mo yan ngayon sa office ng CEO. Kahit ako na gustong gustong makita ang mukha ng CEO natin, hindi na bale na lang kung about din naman sa trabaho ang magiging dahilan. Siguradong masasabon lang ako nun, mas gugustuhin ko na lang lamunin ng lupa sa harap niya."

"Paano ang training natin?" tanong ko sa kaniya. "Baka abutin ako hanggang end of shift kung susuriin niya pa ang mga dokumentong ito."

"Hindi ka lang aabutan ng end of shift, baka mapa-overtime ka pa. At siguradong mapapagalitan din si Jayda dahil isa ka lang trainee. Pero kung mapapapirma mo yan ngayon at maipasa nila ay baka matuwa pa ang madam natin."

"Di ba mag fiance silang dalawa?" tanong ko kay Mia. "Bakit hindi na lang si Ma'am Kassandra ang magpapirma nito kay Sir Coltier?"

"Ewan ko ba dun! Nasstress na rin ako sa relasyon nilang dalawa. Para naman kasing nagsisinungaling si Madam. Ni hindi namin sila nagkikitang nagpapansinan o nagkakatinginan ng malagkit. It's always about business, pero ni maliit na favor from CEO walang makuha ang supervisor nating si Madam Kassandra."

"Baka ayaw lang nilang maging halata."

"Discreet ganern?"

I nodded. "Malay mo gusto ng CEO at ni Madam na lowkey relationship lang."

"Kahit pa. Dapat maamoy namin yun kaso hindi e. Anyway, dalhin mo na yan sa CEO, ako naman e pupunta na muna ng table ko tatapusin ko ang report ko. I'll send the training details sa email mo, if you have free time kindly read it na lang once you get home, all right?"

Sumang ayon na ako sa sinabi niya. Para wala na rin akong gawin mamaya kung sakaling mabilis lang itong mapirmahan ni Coltier. Biruin mo, kinakatakutan din naman pala ang lalaking yun bilang businessman o CEO ng kaniyang kumpanya. Akala ko puro papogi at pa-club club lang ang alam nun e.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon