Chapter 7
Ariel's point of view
Calvin Mckinley took me to a very expensive restaurant as expected. Noon pa man ay hilig niya na akong dalhin sa mga ganitong klase ng restaurant. Sa kaniya ako nasanay kumain sa mga ganito, sa kaniya ako natuto at sa kaniya ako nakaranas ng mga ganitong klase ng date.
Palibhasa ay mayaman ang pamilya kaya naman nakukuha at nabibili ang lahat ng gusto. Nadala niya na ako sa bahay nila siguro ilang beses na rin, sobrang laki ng house nila, that time alam ko nang hindi kami ang para sa isa't isa, kumbaga langit siya, lupa ako.
Hindi lang ako nagkaroon ng chance to meet his parents, masyado kasing negosyante ang pamilya niya at more on business talaga kaya naman sa ilang beses na pagpunta ko sa kanila ay never ko na meet ang parents niya.
I think yung kuya niya ang nakita ko once or twice, limot ko na pero alam ko nagkita kami sa house nila before pero walang conversation na nangyari, siguro tinginan lang or introduce yourself lang ang eksena noon, bukod doon ay wala na.
"Thank you sa pagpayag sa invite ko." Si Calvin na ang unang nag salita at sumira ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Inayos ko muna ang aking sarili bago nagsalita. "Matagal na din nung huli tayong nagkausap. I think it's unfair kung habang buhay kitang hindi papansinin."
I can't even look him straight in the eyes because of what happened between us. I never imagine na darating kami sa ganitong sitwasyon. He was my life. He was my everything. He used to be the man who makes me happy. But now I can only see him as my heartache. My heartbreak.
"I'm sorry, sa nagawa ko. Sana mapatawad mo pa ako. I'm not saying I'm guilty and totoo lahat ng bininintang mo sa akin. I just want this misunderstanding to end."
"Ayaw ko na lang pag usapan."
"Why?"
"Kasi tapos na. Nakapag desisyon na ako. Hindi na magbabago 'yon."
"Ariel... sa akin hindi pa tapos yung sa atin. Gusto pa rin kita. Hanggang ngayon mahal pa rin kita."
Umiling ako. "Hindi. Mahal mo lang ako dahil yun ang sinasabi ng isip mo. Dahil nakasanayan mo lang na sabihing mahal mo ako pero ang totoo ay hindi mo ako mahal. You just love the idea of loving me but you really don't."
"But Ariel,"
"Please, I don't want to talk about it anymore."
Lumukot ang mukha niya. He looked really sad right now. "Yes. I respect your decision. But it's been a while. We need to talk about it. I still want to fix us, Ariel. I want to make it up to you. I want our relationship back. I want us to get back together."
Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na gusto niyang maayos ang kung anong meron sa aming dalawa. Gusto niyang makabawi. Ngunit ilang beses pa ba kailangang maulit ang ganito? Ayaw ko nang mas masaktan pa. Kaya naman kahit gustuhin ko, kahit masarap pakinggan sa tenga ang mga sinasabi niya, mas pipiliin ko pa ring magkaroon ng peace of mind at tapusin na lang ang relasyong meron kaming dalawa.
Hindi siya nagsayang ng oras. Inopen niya agad yung topic between us. Ni hindi niya muna pinatapos na kumain kaming dalawa. Wala pa ngang food sa table gusto ko na siyang walk-outan.
Masasabi ko lang sa naging usapan namin ni Calvin, siguro maayos naman yung naging kinalabasan nun. I think mas nagkaroon kami ng pag unawa sa bawat thinking ng isa. Mas nagkaroon kami ng closure dun sa paghihiwalay naming dalawa. Which is best? Kaya di ko rin pinagsisihan na pumayag ako sa invite niya ngayong araw.
"SORRY TALAGA SIS!" hindi pa rin matapos sa pag hingi ng sorry sa akin itong si Maris. "I'll make it up to you, I promise. Isang gabi ko ngang hindi pinansin si Dad dahil hindi man lang niya kinonsider ang name mo kahit saang department duon sa company namin." Nakanguso niyang sabi sa akin.
"It's okay, Maris. Naiintindihan ko ang daddy mo. Hindi naman ako nasaktan sa nangyari. Di rin ako umasa dahil una palang nag set na ng proper expectations si Tito sa akin. No hard feelings."
"Promise?"
Tumango ako sa tanong niya sa akin. "Oo, promise. Besides, inaccept ng Rolierstone ang apply ko sa kanila. Intern na nila ako."
Nagulat si Maris sa sinabi ko. Muntikan ng mahulog ang panga niya sa pagkanganga niya dahil sa sinabi ko.
"Wow. Really?"
"Yes."
"Nag try lang naman ako. Hindi ko inasahang matatanggap ako sa qualification nila at makakapasa pa sa interview."
"I'm happy for you. Rolierstone Legacy is one of the biggest companies in the world."
NUNG MAKUMPLETO ko ang requirements sa Rolierstone Legacy ay wala rin akong sinayang na oras. Siguro halos isang araw ko lang nilakad ang lahat ng nasa list. After ko makumpleto pinasa ko na rin agad nang makapagsimula na ako sa OJT at matapos ko na rin agad iyon para pahinga na lang bago gumraduate since tapos na rin kami sa thesis last week lang.
Gusto pa nga isabay ng mga kaklase ko before ang thesis at ang OJT or internship. It will develop our skills daw at para ma-adopt agad namin ang work culture. Pero di naman pumayag ang iba dahil ayaw din nilang mahirapan. Mas pinili naming tapusin ang thesis bago kami mag intern. And now it's really happening. We are going to be an intern.
"Anthony!" sigaw ko sa kapatid ko. Nilagyan ba naman ako ng lipstick sa labi. "Di ba sinabi ko na sa yo? Hindi ako naglilipstick." Nakasimangot kong sabi sa kaniya.
Buti na lang may tissue ako sa bag kaya dali-dali kong kinuha at pinunas sa labi kong may lipstick. Pati yung lumampas sa labi ko ay pinunasan ko na.
"Ate, kailangan presentable ka don. Imagine, nakapasok ka sa isang kilala at number one company sa buong Pilipinas, hindi sa mapapahiya ang pamilya natin dahil sa hitsura mo, te, ah!" walang ka-preno prenong sinabi sa akin ng kapatid ko. "And please don't call me Anthony, ate, kung ayaw mo akong tawaging sis, Anne na lang, araw hanggang gabi. Call me Anne."
"Anne. Anne dami mong alam. Ikaw talaga. Akin na nga yang bag ko. Nagpi-feeling ka na naman dyan."
BINABASA MO ANG
An Affair With My Ex-Boyfriend's Brother
RomanceNagising si Ariel na walang maalala sa nangyari kagabi. Nagulat siya nang makita niyang hubo't hubad ang sarili at katabi si Colt, ang panganay na kapatid ng dating kasintahang si Calvin.