Chapter 15
"Pinagalitan ka?" si Jayda ang bumungad sa office table ko nang makabalik na ako.
"Anong ginagawa mo dyan sa table ko? Bawal yan di ba? You're invading my privacy."
"Uy grabe ka chinecheck ko lang yung mga paperwork mo baka kasi andito yung document na hinahanap natin. Wala naman pala kaya aalis na ako sa table mo at di ko na papakialaman ang mga papel mo. Sorry,"
Umalis siya sa table ko at pumunta sa harap ko. "So what happened sa office ni, Madam?"
"Confirmed. She claimed that she's the fiance of the CEO." I burst out. Sa inis ko rin kay Kassandra dahil sa sinabi niya sa akin kanina ay hindi ko na napigilan ang aking sariling ibulgar kung anuman ang usapan naming dalawa sa loob ng opisina nito.
"Omo. For real? Hindi na ito fake news o galing sa ibang tao. Talagang galing mismo sa kaniya? Sinabi niya sa yong siya ang fiance ni Sir Coltier ang CEO ng Rolierstone Legacy?"
"Shh. Wag kang maingay. Baka may makarinig sayong iba. Jayda, I want this to be a secret between us. Don't tell everyone about this, okay?"
She nodded. "Yes."
"Promise?"
"I promise," she swore. But I know hindi niya naman matitiis ikwento itong napagusapan namin sa iba pang empleyado dito sa kumpanya and knowing Jayda hindi siya papakabog sa mga impormasyong kumakalap sa opisina. Lalabas ang tsismis na galing sa kaniya at hindi sa akin.
Naupo na ako sa office table ko at inisa-isa kong ni-check ang mga papel. Ayaw kong masabihang hindi ko ginagawa ang trabaho ko at meron na namang isang empleyado ang malelate ng uwi nang dahil sa akin.
Si Mia ang dumating sa pwesto ko at may hawak na mga papel. Siya raw muna ang papalit kay Jared ngayong araw para ma-train ako.
"Nasaan si Jared?" tanong ko kay Mia. Wala naman akong problema sa kaniya, hindi lang ako sanay na iba ang mag tetraining sa kin.
"Nasa office ni Madam Kassandra. Sabon na sabon si Jared kanina pang umaga. Nalimutan kasing isubmit yung documents for the next month project, e start na yung bukas. Malamang delay yun at lagot silang lahat sa CEO."
"Kawawa naman si Jared."
"Maawa ka talaga girl, dahil sa yo kaya hindi naisubmit ni Jared kahapon yun. Naalala mo yung pinapasend sayong files sa kay Ma'am Yuri? Siya yung tumapos nun hanggang sa nakalimutan niya na yung inutos sa kaniya ni Madam Kassandra. Nakakapagtaka lang dahil bigla ring nawala yung mga papel at files nung document na yun. Parang sinadya, parang kumuha lang ng tiyempo para manakaw ang mga files na yun. At ang nakakatakot dun e sobrang laking pera ang nandun. It's a big project, Ariel. Hindi siya biro. Pwede siyang maging rason para ma-terminate si Jared."
Hindi ako mapakali sa table ko. Wala pa rin si Jared hanggang ngayon sa table niya. Ibig sabihin e nandun pa rin siya sa office ni Kassandra, at siguradong sinasabon siyang maigi.
"Mag first break kaya muna tayo? Mukhang wala ka pa sa huwisyo mag trabaho." Napansin ni Mia ang pagkabalisa ko. Nag-aalala kasi ako kay Jared.
"Maigi nga kung mag break muna tayo." Pag sang-ayon ko sa kaniya.
Nag break muna kami ni Mia. Pumunta ako ng pantry para tingnan kung merong biscuit. Mahal ang pagkain dito. Kaya hindi ako rito bumibili ng pagkain tuwing lunch. May nirecommend sina Jayda sa akin, sa may labas daw ay merong karinderya kung saan sila kumakain at mura lang daw doon.
"Jared," Nakita ko si Jared sa may pantry. Akala ko ba e nasa opisina siya ni Kassandra.
"Hey, good morning." Bati niya pa sa akin ng makita niya ako. Nginitian niya pa ako at parang wala lang nangyayaring hindi maganda sa kaniya ngayon.
"I heard about the lost document. How are you? Sabi nila nasa office ka raw ni Ma'am Kassandra, anong ginagawa mo rito sa pantry?"
"Narinig mo na pala ang tungkol doon." Napakamot pa siya sa ulo at awkward na nginitian ako. "Bibili lang ako ng kape. Nasira kasi ang coffee maker sa office."
"Here. Sa yo na tong kape ko. Bibili na lang ako ulit."
"Hindi na. Thank you na lang."
"Nabalitaan ko dahil sa akin kaya mo nakalimutan isubmit yung inutos sayo ni Ma'am Kassandra. Gusto ko lang humingi ng sorry. Kanina pa kita gustong puntahan, buti na lang nagkita tayo rito."
"Don't think about it. I can handle this. Ako nang bahala."
"Are you sure? Narinig ko ring malaking halaga ang mawawala kung sakali,"
"Totoo yon, wag kayong mag-alala, gagawan namin ng paraan ni Ma'am Kassandra ang kapalpakan kong to. Di lang naman ito ang unang pagkakataong mangyari ito sa department natin, just let the others know na di namin hahayaang ma-charge sa buong department natin itong perang mahohold dahil gagawan namin ng paraan." Yun ang huli niyang sinabi sa akin.
Ni-tap niya pa ako sa ulo bago ako iniwan mag isa dito sa pantry. Umalis na siya at babalik na yata sa opisina ni Ma'am Kassandra.
"Bakla ang tagal mo naman mag break. Overbreak ka na." Si Jayda ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng accounting department.
"Sorry. Ang haba kasi ng pila sa water dispenser."
"Ang daming water dispenser lahat yun mahaba ang pila?"
"Sa isa lang ako pumila."
"Yan tayo."
"Sorry na hehe."
"Bilisan mo kanina pa naghihintay sa yo si Mia."
Ang init naman ng ulo nitong si Jayda. Siguro marami na namang pinagawa sa kaniya si Kassandra kaya sa akin niya binubuntun ang init ng kaniyang ulo.
"Calvin? Anong ginagawa mo dito sa accounting department? Nasaan si Mia?"
"Binibisita ka. Ang dami mo palang papel sa table buti hindi ka nalulunod? Lahat ng to ginagawa mo? Intern ka pa lang right? Ba't pati itong regular pay e ikaw ang gumagawa? Wala pa kayong payroll team?"
"Calvin, anong alam mo dito sa accounting department? Akin na nga 'yan." kinuha ko sa kaniya yung folder na pinakialam niya sa table ko. "Baka hinahanap ka na sa engineering department. Busy ang team niyo para sa upcoming project di ba? Anong ginagawa mo rito?"
Napalingon ako sa paligid namin at halos lahat ng mata dito sa accounting department ay sa aming dalawa ni Calvin naka-focus. Sobra tuloy akong nahiya.
Dumating si Mia. "Nandyan ka na pala, Ariel. Kanina ka pa hinahanap nitong si Engr. Calvin."
"Calvin na lang," nahihiyang sabi ni Calvin kay Mia.
"Dun din po ang punta non sir. Sige maiwan ko muna kayo."
"Kanina ka pa dito?" tanong ko kay Calvin.
"Hindi. Kadarating ko lang din. Gusto lang kita makita. Aalis na rin ako."
"Go. Umalis ka na. Di mo naman kailangan puntahan pa ako rito. Ang daming matang nakakakita sa atin nakakahiya."
"Kinakahiya mo ko? Hon,"
"Wag mo kong tawaging hon. Hindi na kita boyfriend." Mabilis kong putol sa kanya.
"Sorry."
"Ano bang sadya mo rito bukod sa makita ako?"
"Ikaw."
"Bukod sa akin at sa makita ako, ano pa?"
"Wala na. Namiss lang talaga kita."
Bigla akong nakarinig ng tili sa may gilid. Halatang may nakikinig sa usapan naming dalawa nitong si Calvin. Halos mamula ang kabuuan ng aking mukha dahil sa kaisipang iyon.
Mabilis kong hinawakan sa kamay si Calvin at hinila siya palabas ng department namin. Hindi dito ang tamang lugar para mag usap kaming dalawa. Ano ba kasing pumasok sa isip nitong si Calvin para puntahan ako ngayon dito? Baliw talaga ang lalaking yun.
BINABASA MO ANG
An Affair With My Ex-Boyfriend's Brother
RomanceNagising si Ariel na walang maalala sa nangyari kagabi. Nagulat siya nang makita niyang hubo't hubad ang sarili at katabi si Colt, ang panganay na kapatid ng dating kasintahang si Calvin.