CHAPTER TWENTY-THREE
ARIEL
I found myself crying in front of the mirror. Tuloy lang ang daloy ng luha sa aking mga mata. Naiinis ako sa sarili ko, kahit anong pilit ko na wag umiyak e wala akong magawa.
Diretso lang ang labas ko kanina doon sa office ni Colt, hindi ko pinansin ang nakangising si Claire sa may small reception area. Wala akong oras para makipagbardagulan sa kaniya dahil sa ngayon ay ako ang talo.
Nakasalubong ko pa si Lance bago tuluyang makaalis doon. He greeted. I smiled a bit and continue walking to get into the elevator. For now, all I want is to get away from people.
Pakiramdam ko kasi ay tutulo na lang ng kusa ang luha sa mga mata ko. At hindi nga ako nagkamali, nang makapasok ako sa elevator at ako lang ang mag isa roon, nag uunahan nang tumulo ang luha ko kahit ayaw kong umiyak.
Ilang beses ko bang sinabi sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak dahil sa lalaki. Hindi na talaga ako natuto. Ito ang pangalawang beses na umiyak ako ng dahil sa lalaki. Nung una dahil kay Calvin. Ngayon naman ay dahil kay Colt. Ang magkapatid na yon. Walang ginawa kun'di paiyakin ako. They are not worthy of my tears I know but I can't help but cry. It hurts.
Akala ko interesado sa akin si Colt. He gave me mixed signals. He gave me very confusing attention. Kaya pala nitong mga nakaraang ay halos hindi niya na ako pinapansin o binibigyan ng attention. Ang buong akala ko ay dahil busy lang siya sa mid-year reports. Yun pala mali ako, busy siya sa ibang babae. Busy siya kay Mendusa!
I fixed and composed myself first before going back to the accounting department. Nilapag ko sa table ni Jayda ang mga papeles na pinapapirmahan niya sa akin kay Colt. Malawak ang ngiti nito noong makita niya ako akala niya siguro ay napapirmahan ko na ang lahat ng yun sa CEO.
"Signed lahat?"
Umiling ako. "Di pirmado lahat."
"What?" unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Anong nangyari? Bakit hindi pinirmahan ni Sir Rolierstone 'yan? Nalaman ba niya?"
"Wala."
"Anong wala? Ariel, sagutin mo ko ng matino nanggigigil ako sa yo bakla. Bakit hindi pinirmahan yan ng CEO? Lagot ako nito kay Ma'am Kassandra gaga ka." Bigla siyang nataranta nung nalaman niyang walang pirma ng CEO ang mga papeles.
"Hindi ako nakapagpapirma sa kaniya. May important meeting siya kay Mendusa. Ayaw ko nang bumalik dun at maghintay ulit, kung gusto mong mapirmahan niya yan ikaw na lang ang mag punta doon."
Nakita kong handa na siyang bumwelta sa sinabi ko sa kaniya pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Tumalikod na ako at naglakad pabalik doon sa office table ko. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang narinig ko mula doon sa office ni Colt.
"Ariel,"
Tinaas ko ang tingin ko para makita kung sino ang tumawag ng pangalan ko. Si Lance lang pala.
"Bakit nandito ka? Baka kailangan ka ng boss mo. Kung sa bagay, kung ganun lang yung ginagawa nila araw araw sa meeting, hindi ka niya kailangan, 'di ba?"
"Ariel, it is not what you're thinking." Mahinang sabi niya sa akin, halos pabulong na. Umupo siya sa gilid ng table ko. Upuan yun na hindi naalis ni Mia kanina, nagpunta siya sa akin kanina para makitsismis e.
"Hindi ko kailangan ng explanation galing sa yo. Kung ang amo mo nga e hindi magawang makapag dahilan para sa sarili niya, ni walang bayag harapin ako, sino ka para gawin yun in behalf of him? Nagtatrabaho tayo dito. Nothing personal, Lance. Don't do the extra mile for your boss."
Inasahan ko nang malalaman ni Colt ang pagpunta ko sa office niya nung makasalubong ko si Lance paglabas ko ng office. Kanang kamay niya yan, at saka madaldal si Lance, halata naman sa pag kuwento palang nito sa kaniyang asawa.
BINABASA MO ANG
An Affair With My Ex-Boyfriend's Brother
RomanceNagising si Ariel na walang maalala sa nangyari kagabi. Nagulat siya nang makita niyang hubo't hubad ang sarili at katabi si Colt, ang panganay na kapatid ng dating kasintahang si Calvin.