Chapter 13

1K 44 1
                                    

Chapter 13

"Nasaan ang bisita, ma?" wala kasi akong makitang ibang tao bukod sa aming dalawa ni Mama. Di ko makita ang bisitang sinasabe niya noong ginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay.

"Nag banyo. Kanina pa nga siya sa banyo, hindi yata alam kung paano buksan ang sira nating gripo." Kakamut-kamot ulong sabi ni Mama April.

Naglakad na ako tungo sa banyo nang magbukas iyon at ang lumabas ay si Colt. Nagsasarado pa ng kaniyang zipper at pawis na pawis.

He looks so... hot. Napailing ako sa aking iniisip at nilapitan agad siya.

"Kanina ka pa raw. Anong ginawa mo at pawis na pawis ka?"

Di pa siya nakakasagot pero napapunas na agad siya sa kaniyang pawis. "Ang init sa banyo niyo," reklamo niya.

"Ano ba kasing ginawa mo? Ang tagal mo raw sa loob."

"Di ko na napigilan. I poo." Nahihiyang sabi niya. Ni hindi makatingin sa akin ng diretso.

Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Don't laugh. As if you're not doing it once every day."

"Di lang isa, di lang dalawa, kun'di madaming beses pa." Sabi ko sa kaniya.

Hindi maipinta ang hitsura ni Colt nung marinig niya ang sagot ko sa paratang niya sa akin. What? I'm just telling him the truth. Di lang naman talaga isa o dalawang beses ako nagpu-poo.

"Minsan ka na nga lang bibisita dito sa bahay, nang iwan ka pa ng remembrance. Kanina ka pa kaya hinihintay ni Mama." Natatawa kong sabi sa kaniya at tinalikuran na siya para balikan si Mama sa kusina.

Maliit lang ang bahay namin. Mula doon sa banyo ay kita na agad ang kusina, ganun din sa kusina, kita agad ang banyo at ang sala. Ganun kaliit ang bahay namin. Wala naman kaso sa akin yun. Ewan ko na lang sa mayamang Colt na 'to.

Pagkatapos mag breakfast ay sumabay na ako kay Colt. Wala akong ibang choice kun'di ang sumakay sa kotse niya at sumabay sa kaniya sa pagpasok.

Nakita ko pa ang ilang mga mata ng mga kapitbahay naming marites. Ngayon lang ata nakakita ng mamahaling sasakyan ang mga yun dito sa lugar namin. Nagtataka siguro sila kung ba't may mamahaling sasakyang naka-park sa tapat namin.

"Paano mo nalaman exact address ko? Anong ginagawa mo sa bahay kanina? Nahihibang ka ba? Hindi yun ginagawa ng CEO."

"Paano 'yan? Nagawa ko na."

"At mukhang proud ka pa ha. Hindi pinupuntahan o sinusundo ng CEO ang empleyado niya."

"I told you you are not just my employee, Ariel."

"Shh. Okay." Hindi ko na siya pinatapos. Ayaw kong marinig na naman mula sa kaniya na future wife niya ako, nakakakilabot. "Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo wag mo kong idamay. Alam mong ex-girlfriend ako ng kapatid mo. What's in it for you kapag nilandi mo ako at jinowa? It will just make you less at baka ako pa ang dahilan ng maging away niyong magkapatid. Gusto ko nang makalimutan fully si Calvin kaya hangga't maari ay ayaw ko nang ma-involve pa sa pamilya niya. So kung anuman ang binabalak mo sa akin, pwede bang tigilan mo na?"

"Then why did you apply for an internship in our company?"

"Cause I don't have any other option. No one's accepting my application. Yung iba puno na ng intern. Sa inyo lang naman maraming bakante dahil mataas ang standard ng company ninyo. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasok doon..." Then I stopped talking when I realized maybe he was behind it, maybe he was the reason why I was accepted to their company.

"What?" he asked when he noticed my stares at him.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit ako natanggap sa kumpanya ninyo?"

"No." Mabilis niyang sagot sa tanong ko.

"Sigurado ka ba?"

"Oo. Nalaman ko na lang na dun ka mag internship sa amin noong magkuwento ang kapatid ko na nakita niya ang ex niya sa lobby. I assumed it was you he was talking about so I checked the names of all the interns."

Buti naman. Akala ko siya ang dahilan kaya ako natanggap sa kumpanya nila e.

"Paano mo nalaman ang name ko?"

"Nakita ko ang wallet mo sa club. Nakita ko ang id mo, I saw your name and your address."

"Oh, okay." Hindi na ako nagsalita pa. Katahimikan ang naghari sa byahe naming dalawa hanggang sa magtanong na siya tungkol sa message niya kagabi, na kailangan kong mag text sa kaniya kung nakauwi na ako.

"Hindi ka nag chat sa akin kagabi. Why?"

"Why not?"

"I was worried about you."

"Di mo naman kailangan mag alala. Malaki na ako. I can go home safely."

"Di ako nakatulog ng maayos kagabi."

"E bat di ka tumawag o nag text?"

"Because I'm waiting for your chat."

"Kahit na."

"Hinintay mo ba ang tawag ko?"

"Ha? Di ah! Of course not!"

"Really?" he said with a grin.

"Stop smiling." I rolled my eyes. "Hindi nakakadagdag ng kapogian mo."

Mabilis niyang inalis ang ngiti sa kaniyang labi. "How about now? Do I look pretty handsome to you?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at nag pokus na lamang sa daan. Hindi ko siya sinagot sa kaniyang tanong at baka lumaki pa ang ulo niya.

"So paano yan? Sino unang lalabas at papasok sa kumpanya? Maraming magtataka kapag sabay tayong pumasok. Alam mo namang forbidden ang ganitong set up ng relasyon sa trabaho." sabi ko sa kaniya nung makarating kami sa kumpanya at halos ayaw kong bumaba dahil maraming makakakita sa akin na kapwa empleyado.

"Lance will escort you out of the car. Let's wait for him. He's on his way." He said while checking on his phone. He's contacting Lance, maybe.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na rin si Lance sa wakas. I checked the time, maaga pa ako ng twenty minutes sa shift ko.

"Good morning, madam." Lance smiled. Maganda ang gising nitong secretary ni Colt. Maaliwalas ang ngiti e.

"Good morning, pero wag mo na kong tawaging madam. Pwede bang Ariel na lang?"

"Sure, Ma'am Ariel."

"Eh?"

"Bakit, Ma'am Ariel?"

"Wag mo na kong tawaging madam, ma'am, Ariel na lang."

"Okay, Ariel." Nakangiti pa rin siya. Nakadikit na yata ang kaniyang mga labi at hindi nawawala ang mga ngiti nito.

Halos sabay tumunog ang phone namin ni Lance. Sabay din namin ni check ang message na natanggap namin. Mula iyon kay Colt.

Colt: Don't smile at him.

"Lance, sinong nag message sa yo?"

"Ah, si Sir Colt."

"Pwedeng tingnan ang message niya sa 'yo?"

"Eh... pwede naman." Nilahad niya sa akin yung phone niya. "He can see us now, Ariel, Sir Colt will be furious as he's looking at us now."

"Bakit naman?"

"Kasi ipapakita ko sa yo yung message niya sa akin na tungkol sa yo."

Binasa ko ang message ni Colt kay Lance.

Colt: Don't smile at her, asshole.

Colt: The hell!?

Colt: Ariel, bring back his phone. Or I'll punish both of you.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon