CHAPTER 1

73 1 0
                                    

A/N - Hi sana pakinggan niyo po 'yung "What I think of" by Christian Andrian Yang. Ang ganda po nun kaya nababagay lang po rito sa story ko na 'to huhu. Ganda talaga. <3<3<3

_________

Lovers Series #2: Hindi Na Alam

  

CHAPTER 1

#HindiNaAlamTheFirstPart

"WOW, star section na 'yung crush mo, mais ko!"

Napalingon ako kay Reni pagkasabi n'ya niyan kung kaya't kaagad akong nagpunta sa puwesto niya upang sumingit para tignan kung totoo ba ang sinasabi niya.

Nahanap ko ang pangalan nina Sanjay at Cathy tapos pati na rin kay Vhlein. Tama nga, star section na siya. Nalulungkot na talaga ako nang tuluyan dahil hindi ko na siya kaklase unlike nung 2nd year college namin. Then now, 3rd year college na kami. Nakapaskil sa bulletin board ang lahat ng name namin tapos sections.

Hindi ko na nga kaklase sa totoo lang sina Reni maging sina Eliza kaya sobrang nalulungkot ako. Magkakaibang section na kami at ang saklap-saklap lang.

"Daya naman! Bakit wala man lang akong kaklase sa inyo? Kayo ni Kaizen magkaklase tapos 'yung magjowa naman magkaklase rin. Tapos si Joshua at Eliza magkaklase pa rin. Bakit gano'n, ako lang mag-isa?!"

Natawa naman si Reni. "Huwag kang mag-alala, hindi naman magbabago ang lahat. Sabay-sabay pa rin tayo kapag break time pero sa uwian nga lang hindi ako sure."

"May schedule by schedule na 'yun beh!"

"Ayos lang 'yon! Magkikita pa naman tayo, okay? Sulitin mo na lang maging mag-isa, mais ko, kaya mo 'yan!"

"Ano pa nga ba," napabuntong-hininga ako. "Nga pala, mais ko... nasaan na pala si Kai?"

"I'm here!"

Napatingin naman ako kay Kaizen na papalapit sa amin. Naka-shades pa nga, pormang-porma ah! Tinanggal pa nga niya ang shades niya kaya nakapagpaangas ito sa kaniya na feeling naman niya cool siya.

"Wow naman si idol! May pa-shades!"

"Idol? Bago 'yon ah!" natatawang sabi ni Kaizen na siyang napatingin sa akin. "Hindi ka raw namin kaklase, Xy, echapwera ka na sa 'min."

"Ang bad mo naman sa 'kin, Kai! Wala ka lang pag-asa kay Eliza noon eh," pang-asar ko sa kaniya.

"Wala namang personalan!"

"Nga pala, nakita ko sila kanina ni Sanjay. Umalis na kaagad eh, hindi niyo na naabutan," sabi bigla ni Reni na ikinanguso ko.

"Ay gano'n. Edi sila na ni Sanjay."

Naalala ko talaga sina Eliza at Sanjay. Grabe talaga pinagdaanan nung dalawang 'yon noon tapos grabe rin magpakilig! Kilig na kilig talaga ako sa kanila sa totoo lang at ngayon nililigawan na muli ni Sanjay si Eliza. Kuwento nga ni Eliza sa akin ay hindi pa rin siya handa na makipagbalikan kay Sanjay pero si Sanjay naman ay handa namang mag-antay raw.

Sana lahat na lang!

"Umamin ka na kasi kay Vhlein!" biglang hirit ni Kai.

"Ayoko, 'no! Lalo pa ngayon hindi ko na siya kaklase. My gosh! Nakakainis naman kasi bakit pati kayo nadamay pa? Wala man lang akong naging kaklase ni isa sa inyo."

"Ay kawawa ka naman pala, Xyreen."

Tinignan na rin namin 'yung sa ibang kakilala namin kung ano'ng section nila pati 'yung sa mga kaklase namin dati hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi. Ayoko pa namang umuwi kaagad sa bahay.

Hindi Na Alam (Lovers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon