RATED SPG - KARAHASAN
CHAPTER 3
NAGTATAKA lang ako sa nangyari nung isang araw kasi bigla na lang umalis si Vhlein matapos niya magsalita noon tapos si Matreo naman ay bumalik sa locker room. Wala na lang tuloy ako nagawa no'n kung hindi umuwi na lang.
Nakakapagtaka lang kasi, magkakilala ba sila or what? May namamagitan ba na kung ano sa kanilang dalawa? Nalaman ko nga lang na "Reo" pala ang tawag ni Vhlein kay Matreo.
So recess na nga at heto na ang pagkakataon ko na kausapin itong si Matreo. Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat.
"Matreo, saglit."
"Why?" walang gana niyang tanong.
"'Yung nangyari nung isang araw. Curious lang ako, magkakilala ba kayo ni Vhlein?"
"So what? It's none of your business, Xyreen."
Umalis lang siya sa harapan ko at naglakad na papalayo sa 'kin. I'm so curious! Iniiwasan pa nga niya 'ko tapos si Vhlein naman ay hindi ko makita rito sa buong university na 'to. Kinukumbinsi ko na lamang sa aking sarili na busy 'yon pero gustong-gusto ko siyang tanungin kung magkakilala ba sila ni Matreo kaso nga lang nahihiya ako.
"HUY, kanina ka pa tulala! Ano'ng problema mo?"
Napatingin ako kay Reni at tila nabalik ako sa wisyo. Ayan, hanggang dito sa canteen dito sa table namin magkakaibigan ay ayan ang naiisip ko.
"Wala naman, 'yung sa assignment ko lang bukas kasi, babasahin ko sa harapan," palusot ko na lang.
"Weh? Baka si Vhlein 'yan," sabi pa ni Eliza tapos may buyo pa na nung iba.
"Yieeeeee!"
"Kilig talaga 'yan!"
"Shut up na lang guys," natatawa kong sabi.
Para lang akong ewan dito at hindi ako nagsasalita halos habang nagkukwentuhan sila tungkol sa major subject namin. Magkakaiba man ng section pero pare-pareho pa rin ng subject, hindi ako makasabay kanina kasi may iniisip nga 'ko.
"Mamaya ah, sabay tayo uwi," sabi ni Kai sa 'kin bago kami magkahiwalay ng daan.
Habang nasa klase naman ay napapatingin ako kay Matreo. Nagtataka talaga ako sa kanila! Pero naisip ko na lang na makausap na lang si Joshua mamaya, pupuntahan ko na lang siya.
Tama, tatanungin ko na lang si Joshua mamaya.
Pinili ko na lamang ang mag-focus kahit hindi naman ako talaga nakakapag-focus kasi iniisip ko pa rin 'yung kina Vhlein at Matreo. Malay ko ba kung magkakilala pala 'yan tapos may issue? I think, ganoon.
Matapos nga ang class ay dumiretso kaagad ako sa classroom nina Joshua at nakita ko nga sa hallway si Sanjay na inaantay si Eliza yata for sure.
"Oy, Xy! Naparito ka," aniya.
"Uhm, wala. May kakausapin lang ako," sabi ko na lang kay Sanjay.
Hindi naman kami masyado close nito ni Sanjay kaya medyo naiilang ako sa kaniya. Nahihiya talaga ako rito lalo pa't naalala ko noong muntik na 'to maaksidente tapos todo comment ako roon sa viral video na pagsalo ni Eliza kay Sanjay. Ang ingay ko pa no'n, grabe! Daig ko pa si Cathy mag-ship ulit sa kanila noon.
"Sino naman?"
"'Yung kakilala ko," natatawa ko na lang na sabi na parang tanga.
Nung nagsalita na sa loob ng "class dismissed" na 'yung last professor nitong section nina Eliza ay saka na sila nagsilabasan. Nagulat pa nga si Eliza na nandito ako.
BINABASA MO ANG
Hindi Na Alam (Lovers Series #2)
RomanceLOVERS SERIES #2 Si Xyreen Fuentillian ay isang masayahin at mapagmahal pero deep inside ay may pinagdadaanan siyang matindi dahil sa kaniyang family problem. Isang araw ay nakita ni Xyreen si Vhlein dahil sa isang unexpected na pangyayari at nagsim...