CHAPTER 16

32 1 0
                                    

RATED SPG - TEMA, KARAHASAN

CHAPTER 16

XYREEN'S POV

GRABE hindi pa rin ako makapaniwala na pormal akong ipinakilala ni Vhlein sa Ate niya as his girlfriend... Sobra lang akong natutuwa talaga.

Na-guilty nga 'ko roon sa naipakita ko kay Vhlein no'ng akala ko may ginagawa sila ni Eliza pero nagkamali pala ako, nakakahiya, grabe! Napag-isipan ko pang nilalandi ni Eliza si Vhlein ko.

Ngayon nga ay sumabay si Eliza sa amin nina Reni at Kai sa break time namin sa canteen. Muli na naman siyang nakasabay sa amin dahil 'yung huli pa nga ay nung hindi sila okay ni Sanjay, mga second year pa kami no'n. Hindi nga 'ko makapagsalita ngayon dahil sa kami na lang ni Eliza rito sa table, sina Kai at Reni ay bibili ng mga pagkain namin.

"Xy," tawag ni Eliza.

Marahan akong lumingon. "Uhm, Eliza?"

"About pala sa nangyari nung isang araw, sorry. Sorry na niyakap ko si Vhlein ah," pagso-sorry niya, napangiti naman ako at tila nawala rin ang pagkahiya ko kay Eliza.

"Nakita mo pala ako?" pagbibiro ko kaya natawa kaming dalawa. "Ayos lang, nasabi na ni Vhlein sa akin 'yung totoo," sabi ko.

"Wala, nagso-sorry lang ako kasi baka mamaya nagselos ka sa akin."

"Hindi naman," natatawa kong sabi.

"Nag-walk out ka raw no'n eh, sabi ni Joshua sa akin."

"Ni Joshua?! So paano 'yon?"

"Wala, kuwento lang ni Vhlein kay Joshua 'yon tapos naikwento ni Joshua sa 'kin. Mag-bestfriends 'yon, you know!"

"I see," ngumiti na lang ako at tumango-tango.

"Pero don't worry, hindi ako nagkagusto kay Vhlein. Attractive siya, oo pero 'yung gusto? Wala eh, Sanjay pa rin."

"Ay si Sanjay talaga sa 'yo, ano! Akin si Vhlein," biro ko muli.

Nang makarating na nga sina Reni at Kai ay napatigil na kami ni Eliza na pag-usapan 'yan. Iba na lang ang napag-usapan namin habang kumakain kaming apat.

NAKWENTO ko nga 'yan kay Vhlein nung mag-uwian na nagkausap kami ni Eliza. Nandito na kami ngayon sa tricycle nung tapos ko nang ikuwento ang about sa kanina.

"Ang daldal talaga niyan ni Joshua! Sabi ko, huwag niyang ikuwento kay Eliza pero kinuwento pa rin talaga," naiinis na sabi ni Vhlein habang nakahawak sa noo.

"Hayaan mo na 'yon, at least aware si Eliza... Nagkausap na kami saka baka palagi ka yakapin no'n sige ka."

Napangiti na lang si Vhlein at ginulo ang buhok ko. "Nag-usap na kayo ni Ate?"

"Oo, Yavs, sa chat, sabi niya, sa lunes daw magkita kami," masaya kong sabi habang inaalala 'yung sinabi ni Ate Aileen sa akin na ililibot niya ako sa DMU.

"Ah ganoon ba, Yavs, good 'yan... At least, alam kong kasundo mo na Ate ko."

Kumapit ako sa braso ni Vhlein at sumandal ako sa balikat niya.

"Pero ang ganda ng Ate mo, ano? Sumasali rin kaya siya ng pageant?"

"Hindi nasali 'yun," aniya. "Ayaw niya nung ganoon."

"Eh ano lang siya?"

"About sa health naman siya, kaya ayon ang course no'n. Psychology hilig no'n, nambabasa ng isip 'yon eh. Joke."

Natawa naman ako sa biro ni Vhlein, nagbibiro na siya ngayon nang ganiyan ah!

"Curious lang ako... Bakit hindi siya sa SJU nag-aral?" tanong ko at hinarap ko si Vhlein.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Na Alam (Lovers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon