CHAPTER 13

40 1 0
                                    

CHAPTER 13

NAKILALA ko na si Rainier at napakilala ko na rin siya sa boyfriend ko tapos kay Cathy, nagkataon kasing kasama si Cathy nung nagpunta si Vhlein sa akin last time nung may practice kami ni Rainier na rito lang din naman namin ginagawa sa school na 'to, sa isang room kami.

Sa relasyon namin ni Vhlein ay okay naman. One week na nga namin eh kasi last monday ko siya sinagot no'n.

"Kumusta pala 'yung practice niyo ni Rainier, Yavs?" tanong ni Vhlein sa akin habang kumakain kaming dalawa sa Noodles Hanna, uwian na rin ngayon at nag-date lang kami saglit.

"Bukas, Yavs, maghahapit kami," sagot ko.

"Maghahapit?"

"Maghahapit means magpa-practice nang matagal."

"Ah, ganoon ba, Yavs. Good luck ulit ah! Support ako sa 'yo, sobra."

"Thank you, Yavs," nakangiti kong sabi kay Vhlein saka ako humigop ng noodles.

Matapos naming kumain ay magkatabi muli kaming naglalakad. Tinignan ko siya tapos may naisip akong sabihin sa kaniya.

"Bili tayo lollipop?"

Napangisi siya. "Tara!"

Natuwa naman kami pareho riyan kung kaya't nagsimula na kaming maglakad ni Vhlein sa tindahan. May tindahan malapit dito sa Noodles Hanna na iba pa sa tindahan na binibilhan ni Vhlein ng lollipop. Ako na ang nagbayad ng dalawang piso saka na kami naglakad muli habang may subo muli ng lollipop.

"Nakakahiligan mo na ang lollipop, Yavs ah."

"Oo naman! Gusto ba naman kasi ng Yavs ko 'to, malamang naman."

"Hatid na ulit kita sa bahay niyo?" tanong niya bigla sa 'kin.

"Puwede naman."

"Kahit palagi?"

"Puwede naman," tanging sagot ko ulit.

"Sure ka, Yavs?"

"Oo nga, Yavs. Puwede naman. Hindi naman tayo mahuhuli ni Mommy."

"Oh sige, kahit minsanan na lang, Yavs," nasabi na ni Vhlein kaya natawa ako.

"Puwede naman," natatawang sagot ko na lang ulit.

"Oy, Xyreen!"

Napatigil naman kami sa paglalakad ni Vhlein nang may tumawag sa akin. Si Rainier pala 'to, kasama ang dalawa niyang kaibigang lalaki.

"Hello, Rainier!" bati ko sa kaniya. "Bukas ha!" paalala ko.

"Oo naman, present ako riyan."

"Final na 'yon! Ayusin mo na paglagay ng kandila sa uluhan ko," asar ko sa kaniya kasi tuwing practice ba naman palagi pa rin niya nalalalaglag 'yung kandila sa uluhan ko.

"Ikaw nga nakakalaglag no'n! Hindi mo kinokontrol," pambawing asar pa nito sa akin.

"Hindi, 'no! Oh sige na! Bukas ha!"

Pagkaalis ni Rainier ay tinignan ko naman si Vhlein, tahimik lang. Kinalabit ko nga 'yung braso niya gamit ang braso ko.

"Tahimik ah! Nagseselos ka ba roon?" pang-asar kong tanong sa kaniya.

"Hindi naman, Xy. Nag-uusap kayo eh."

"Sus! Hindi raw nagseselos."

"Hindi naman nga, Xy," anito ulit.

"Weh?"

"Hindi naman."

"Ikaw naman ang bumabawi ah! Inuulit-ulit mo mga sinasabi mo."

Hindi Na Alam (Lovers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon