CHAPTER 14
XYREEN'S POV
NAKAHABOL naman ako kina Jessa at ngayon ay nandito na kami sa auditorium muli. Maraming nandirito bukod sa aming mga contestants kasi may pakain nga rito.
"Ang swerte naman namin, nakasama kami rito. Ang sasarap ng mga pagkain!" sabi 'yan ni Danilo. Nagkukuwentuhan silang tatlo.
"Kaya nga eh, gusto ko pagdating sa 4th year natin is makapagluto rin tayo ng ganito," ani Jessa.
"Mga gaga! Mga star section lang naggaganyan."
"So what, Rose. Puwede naman din tayong mga wala sa star section, duh!" pakikipagtalo pa ni Jessa.
Nakita ko nga 'yung mga ka-contestant ko't ako lang ang wala roon. Napagdesisyunan kong lumapit sa kanila. Sumunod din sina Jessa sa akin kasi kukuha rin sila muli ng mga pagkain.
"Xyreen! Congrats sa inyo ni Rainier!" bati ni Dahlia sa akin. "Ikaw talaga 'yung niru-root ko na manalo!"
"Thank you, Dahlia pero deserve mo rin naman ang pagkapanalo mo," pagpapasalamat ko.
"Thank you!"
"Oh, Xyreen, kinuhanan na kita ng pagkain."
Napatingin naman ako kay Rainier na may dalang dalawang pinggan na may pagkain. Fish fillet ito na may sauce tapos kanin maging sa kaniya rin. Tinanggap ko 'yon at nagpasalamat ako sa kaniya.
"Bagay kayo," napalingon kami kay Lexia. "Pero may boyfriend na yata si Ate Xyreen."
"Hindi na puwede i-ship 'yan, Lexia... Kayo ni Dylan puwede pa," asar naman ni Dahlia iyan.
"Ate Dahlia naman eh!" reaksyon ni Lexia tapos natawa lang sila.
"Nako kayo, kumain na lang tayo roon, sabay-sabay na tayo" natatawa kong sabi. "Tapos kayo Lexia at Dylan, tabi kayong dalawa." Sa sinabi ko ay nagkantyawan na ang mga 'to.
Nagpunta kami sa isang malaking table na inihanda rin nila rito sa stage lang. Nagkasya naman kaming lahat sa stage kasi malaki ito. Dito ang puwesto namin.
"Xyreen," tawag sa 'kin ni Rainier. "Pa'no ba 'yan, wala nang pageant. Batian na lang tayo kapag nagkita tayo," aniya.
"Aba'y oo naman!" natatawa kong sabi sa kaniya. "We are friends and also sila rin friends ko na rin. Am I right guys?" tanong ko sa kanila.
"Yes, Ate Xyreen! Friends tayong lahat dito," ani Lexia.
"Yes! Yes!" si Stephany.
Nagkatawanan at kuwentuhan pa nga kami rito ng kung ano-ano pero ang taya sa topic dito ay sina Lexia at Dylan, mukhang nagka-something na nga sila... Makalipas nga ng isa't kahalating oras ay okay na kami kung kaya't sumama na 'ko kina Jessa nung lumabas na kami ng auditorium na 'to.
Actually, sasabay lang ako sa kanila kasi pupunta ako sa canteen ngayon kasi nando'n daw sina Reni kasama si Vhlein, inaantay ako. Tumambay siguro sila roon. Ganoon naman mga 'yon, mga sagana kasi 'yan sa oras at gala.
"Sige, Xyreen. Una na kami. Congratulations ulit!" bati sa akin si Jessa tapos paalam niya.
"Salamat at salamat sa pag-aasikaso niyo sa akin, ingat kayong tatlo," pagpapaalam na sabi ko sa kanila.
"Alams na, Xy! Section G naman may celebration for sure."
"Sige go lang ako, Dan," sagot ko sa kaniya.
Pagkaalis nga nila ay roon ko na nilabas ang cellphone ko. Nag-text ako kay Mommy na mamaya pa ako makakauwi tapos nag-message rin ako kay Vhlein na papunta na 'ko maging sa group chat namin na teamsexy.
BINABASA MO ANG
Hindi Na Alam (Lovers Series #2)
RomanceLOVERS SERIES #2 Si Xyreen Fuentillian ay isang masayahin at mapagmahal pero deep inside ay may pinagdadaanan siyang matindi dahil sa kaniyang family problem. Isang araw ay nakita ni Xyreen si Vhlein dahil sa isang unexpected na pangyayari at nagsim...