CHAPTER 5

53 1 0
                                    

CHAPTER 5

NATURAL lang ba na iwasan si crush kasi nakakailang? O kausapin mo para maliwanawan ka since alam na naman niya na crush mo siya... yata?

Now, it's month of July... Ganoon pa rin ang ginagawa ni Mommy sa 'kin nung sumunod na Sabado, sinundo ako ni Kuya Harold sa school at hinatid na naman niya ako sa bahay. Nakakahiya na nga eh.

Nang mag-lunes naman ay may event sa school kasi para iyon sa selebrasyon ng isang buwan na sa school class, ayan ang isang pakulo rin ng SJU. Puwedeng hindi um-attend pero a-attend ako. Magpapaalam lang ako kay Mommy pero dapat nakabihis na ako para payagan.

"Mommy," tawag ko sa Mommy ko na nananahi.

"Oh, bakit ganiyan suot mo?"

"May event po kasi sa school, Mommy, bale bukas pa po regular class namin."

"Required ba 'yan??" maawtoridad na pagkakatanong ni Mommy sa akin.

"Hindi po pero nandoon po sina Reni at Kai."

"Bakit ka pa pupunta? Eh hindi naman pala required," galit na niyang sabi sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako roon. "Saglit lang naman po ako, Mommy. Hanggang 11 o'clock lang po ako. Uuwi kaagad po ako."

"Nako naman, Xyxy! Mas marami kang magagawa rito sa bahay, hindi kita papayagan diyan. Mabuti nga 'yan na wala kang pasok ngayon, matutulungan mo ako rito."

"Mommy, sige na po," pagpupumilit ko pa.

"Hindi naman required eh! Magtigil ka ah! Alam ko na 'yang technique mo kaya nagbihis ka ng damit! Sige na, bumalik ka na sa kuwarto mo at mamaya may ipapagawa ako sa 'yo."

Hindi na 'ko nakapagsalita pa roon bagkus ay nagpunta na lamang ako sa kuwarto ko pabalik. Hindi ko na alam kung bakit ganito, nakakalungkot naman na hindi ka payagan. Hays!

Binuksan ko na lang 'yung cellphone ko at nag-message sa group chat naming tatlo nina Reni at Kai.

TRIO POKIKO:

5:54 AM

XYREEN:
- Hindi ako pinayagan mga beh
- Enjoy na lang kayo jan, next time na ako mwamwamuwah

Maya-maya pa ay nag-reply na si Kai.

5:56 AM

KAIZEN:
- bat naman?

SERENITY:
- Oo nga! Sayang naman!

XYREEN:
- Hindi kasi required sabi ko kay Mommy, ayon wala na HAHAAHAHA

5:58 AM

KAIZEN:
- tama nga naman, hindi talaga required
- osige damayan kita xyxy di na rin ako pupunta

SERENITY:
- Sapakin kita jan Kai!
- Iiwan niyo kina Eliza eh mamaya nandon si Johann at Shaina

Napakunot-noo ako sa aking nabasa sa message ni Reni.

XYREEN:
- Anong meron?

SERENITY:
- Yawa mga beh!
- Pinagseselosan ako ni Shaina!
- Ang bata bata ni Johann aagawin ko pa ba yun?

KAIZEN:
- HAHAHAHAHHA PINAGSESELOSAN

SERENITY:
- Yare ka sakin mamaya

6:04 AM

XYREEN:
- Pinagseselosan naman pala... ganda mo kase mais ko

SERENITY:
- Tse!! Isa ka pa mais ko, yare ka sakin bukas

Hindi Na Alam (Lovers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon