CHAPTER 8

38 1 0
                                    


  

CHAPTER 8

"HINDI naman ako tinanong ng Mommy mo kahapon?" tanong ni Vhlein sa akin. Nandito kami ngayon sa kabilang canteen, napagdesisyunan naming magsolo muna namin ngayon sa mga friends namin.

"Hindi naman. Wala naman siyang tinanong tungkol sa 'yo," sagot ko.

"Gusto ko sana magpakilala sa Mommy mo," aniya. Nang na-shock ako sa sinabi niya ay kaagad siyang natawa. "Joke lang."

"Sorry," napayuko ako. "Hindi pa kasi ako handa. Saka ganito na lang muna tayo, okay?"

"Okay lang 'yon, Xyreen. Ako naman ang nanliligaw kaya susundin ko ang desisyon mo."

"Salamat."

Itinuloy na nga namin ang pag-kain. Subalit nung makalipas ang ilang sandali ay nagulat ako nang biglang may parang humampas nitong lamesa namin.

"Woy! Ano'ng meron sa inyo? Date?"

Napatingala naman ako sa lalaki na nagtanong niyan, si Reo lang pala ito. Oo nga pala, wala pa nga palang alam si Reo about sa amin ni Vhlein but I think may alam na siya kasi obvious naman kaming dalawa ni Vhlein.

"Reo," nasabi ko. "Ano palang ginagawa mo rito?"

"Kakain," pabalang niyang sagot tapos natawa. "Ano ba kayo, alam ko na namamagitan sa inyo. Halata naman eh!"

"Kalat na yata 'yung panliligaw mo sa akin, Vhlein," harot kong pabirong sabi kay Vhlein.

"Kalat na nga yata," natatawang aniya.

"Sana lahat na lang!" sabi 'yon ni Reo. "Sige, maiwan ko na kayo," tinapik-tapik naman niya ang balikat ni Vhlein. "Good luck, p're!"

"Salamat, p're," sabi naman ni Vhlein kay Reo 'yan saka sila nag-fist bump.

Nakipag-fist bump pa nga rin sa akin si Reo bilang paalam din sa akin bago siya umalis sa harapan namin. Napatingin naman ako kay Vhlein na nagpapatuloy nang kumain, may naisip nga ako na itatanong sa kaniya.

"Okay na kayo ni Reo talaga, ano?" tanong ko sa kaniya.

Nagpatuloy na nga rin ako sa pag-kain habang inaantay ang pagsagot niya.

"Okay na naman."

"Bakit parang hindi ko ramdam?" medyo natatawa kong tanong.

Rinig ko ang malalim niyang paghinga. "Honestly, parang wala akong tiwala," aniya na medyo ikina-shock ko. Ang seryoso kasi ng pagkakasabi niya but still nakinig na lang ako sa kaniya. "Hindi ko alam eh. Okay na naman, nagbago na nga siya pero ganoon pa rin parang nase-sense ko," nag-o-open up na nga siya sa 'kin.

"Okay lang 'yan, naiintindihan ko."

"Eh kasi 'di ba... Learn to forgive but never forget what they did to you. Siguro pinanghawakan ko lang 'yung ibig sabihin no'n."

Napaisip naman ako roon. Sabagay, tama nga siya. Ganoon naman talaga. Huwag pa rin nating kalimutan 'yung ginawang kasalanan ng ibang tao. Mahirap na talaga magtiwala lalo na sa minsan nang nanakit sa 'yo. Nginitian ko na lamang siya roon upang kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya.

Matapos na nga namin kumain ay lumabas na kami ng canteen na 'to tapos nagkahiwalay na kami ng daan. First floor kasi siya tapos ako naman second floor. Hanggang third floor kasi itong cook course ng third year college kasi may laboratory and storage. Pagkarating ko nga naman sa room ay nag-review na lamang ako ulit para sa quiz ng next subject.

  

"BALITA ko magkasama kayo ni Vhlein ah! Kayo ha, Xyreen! Hindi ka na nagkekwento sa amin!" sabi 'yon ni Jessa sa akin pagkalapit nilang tatlo nina Rose sa upuan ko.

Hindi Na Alam (Lovers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon