C H A P T E R: 13
CONSONANT P.O.VNAKITA ko ang natirang singsing. Malaki siya. Kas'ya yata sa hinlalaki sa paa ko e. Napakunot noo ako. Kanino ko naman ito ibibigay? Binudol pa yata ako nung Aleng Itsik na 'yon para 'di masuklian. Sama ng ugali!
Hinarap ko ang lima kong anak at kumibit balikat. "Hindi ko alam mga Anak. Hayaan niyo na muna. Itatago ko na lang muna siguro."
Kumunot ang noo ko ng agad nagbulungan ang lima. Kinuha ni Arkus ang singsing at tinago sa bulsa niya. Nakita ko ang pagbabago ng mga itsura nila sa hindi ko maintindihan na dahilan.
Napakibit balikat na lang ako. "Akin na nga 'yang mga kamay niyo para makita ko kung bagay sainyo." Sabay-sabay nilang inilahad ang kanilang mga kamay sa'kin. Kinikilig ako. Ang cute! Pinakita ko din ang singsing ko na nakalagay sa palasingsingan ko sa kaliwang kamay.
Naalala ko oong bata pa ako. Gusto ko ng maikasal sa murang edad dahil bukod sa malandi na ako e, alam ko na malungkot na walang pamilya. Sabi ko pa naman noon, "hindi man pinalad sa pamilya 'di gagawa ako ng sariling pamilya". Kaso hindi pinalad sa lalaki pero may anak naman kaya grateful pa rin ako sa kapalaran na binigay sa'kin. Kontento na ako at hindi na ako nag-iisa.
Agad akong napabuntong hininga. Nakatingin ako sa mga taong masaya na naglalakad sa paligid.
"Hmm, wala kay Mama nagbigay ng singsing. Kahit ang Papa niyo.... hindi ako mabibigyan ng singsing. Imposible na din na magpakasal pa si Mama, atsaka.... pake niyo ba? Kayo ba ang nagastos," nakita kong seryoso sila sa pakikinig sa'kin. Pero sinamaan pa rin nila ako sa pamimilosopo ko.
Ngayon ko lang nabanggit ang Papa nila. Hindi naman kasi nila nababanggit kahit itanong iyon sa'kin ay hindi lamang nila ako kinausap para r'on. Kaya ako na.... Ako na, nakakahiya e.
Malungkot ko silang nginitian. "Sana.... kayong like hindi matulad sa'kin. Dahil hopeless na ang Mama niyo sa love life, kitams at ako na lang ang nagbigay ng singsing sa sarili ko. Self love lang, hashtag puso puso. Pagdating ng tamang panahon... may mamahalin kayong babae, mamahalin niyo at ipagpapalit niyo ako para sa kanila." Nakita ko ang pag angal sa mga mukha nila. Natawa ako. Love talaga ako ng mga ito. 'Di lang halata.
"Totoo 'yan no!" Isa isa ko silang tinignan. "Mahirap lang ang Mama kaya wala akong maipapamana sa inyo. Pasensiya na. Ganoon lang ang kaya ng Mama. Pero sa oras na may ihaharap na kayo sa'kin na mamahalin niyo pang habangbuhay ay sana.... makita ko suot nila 'yan sa kanilang hinliliit. Iyan lang ang bagay na maipapamana ko." Pinakita ko pa ang maliit kong daliri na doon isuot ang singsing. May pag tataka sa kanila kung bakit yata sa hinliliit ilalagay.
"Kaya sa pinky finger kasi sign iyon ng promise. Pangako niyo sa'kin at sa kaniya---- sa taong iibigin niyo. Pag promise. Promise dapat. Hindi napapako."
"Pero Mama, 'diba ang promise... it meant to be broken ika nga." Natawa ako sa malungkot na mukha nila pagkasabi ni Odanuz noon. Ba't tunog bitter naman?
"Pinky swear.... alam niyo 'yun diba? Walang dapat titibag sa pinky swear mga anak. Mangako kayo. Kapag gumawa na kayo ng pangako gawin niyo ang lahat para magkatotoo. Kung kailangan niyo pang suungin ang Pacific Ocean para matupad ang pangako niyo. Huwag kayo dapat susuko. Ganoon iyon." Nakita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata nila.
"Kaya binilhan ko kayo niyan para magkakadugtong dugtong lang ang mga puso natin... sa ngayon. At darating ang araw, pangalawa na ako sa mga puso niyo." Dahil mga KJ sila siyempre. Nagsisi-tanong na ang mga pasaway. Trip ko magdrama pero mga panira ng moment.
"Anong kinalaman ng singsing sa samahan natin Mama?" Nangungunahan ang Ikarus. Nakakadalawa na 'to si Ikarus. Noong pasko pa siya.
"Nasaan ang puso?" Tanong ko. Na-ha-highblood na naman ako. Itunuro naman nila ang kaliwa nilang dibdib.
"Alam niyo ba kung saan linalagay ang singsing tuwing ikinakasal?" Tumango sila. Itinuro nila ang kaliwang kamay at ang ika-apat na daliri. Lagi kasi nila 'yan tanong sa'kin noong liniligawan nila ang mga bulaklak na apo ni Aleng Tebelbel. Hango sa mga bulaklak ang pangalan ng apo ng matanda. Mga baliw din mga anak ko e. Kinakalaban si Aleng Tebel. Hindi nako magtataka kung ipapatay kami ng mga katropang tambay ni Aleng Tebel sa mga pang-aasar nila sa matanda.
"Naniniwala ako---- at ayon din sa sabi-sabi..... ang ugat sa daliring ito." Itinuro ko ang palasingsingan.
"Ito lang ang daliring may isang special na ugat na konektado sa'ting heart. Kilig ano?" Nagtawanan kami. Ipinagpatuloy ko ulit ang aking sasabihin
"Sabi raw.... oras na sinuot ang singsing na bigay ng taong mahal mo sa 'yo sa mismong ikaapat na daliri.... nakatali kana sa kaniya. Ikinulong na ang ugat na nakakunektado sa puso mo. Ang galing ni Mama makasagap ng chismis ano?"
"Chismosa ka lang talaga Mama!" Ani ni Uranus.
Ngumuso ako. "Kiss niyo si Mama dali." Hinalikan nila ako sa checks. Napangiti ako ng malawak. Mga baby ko pa rin pala talaga sila.
Umayos kami ng upo.
"Mama.... ba't ang drama natin ngayon?" Tanong ng Arkus. Nakakunot ang noo nito. Napa-irap ako at ginaya naman nila.
Ginatungan naman ni Ezrus. "Kaya nga.... may pa-love love pa tayo."
"Malungkot ang author. Badtrip sa buhay. Wala siyang baong joke. Dinamay pa tayo, ano?" Nagsi-tanguan sila.
"Naku Ma. Ako may joke....pero siyempre Ma. Hipan mo muna 'to." Ipinakita ni Uranus ang nakasara niyang palad. Agad ko namang hinipan. Nagsihagikhik sila na siyang ikina-lukot ng mukha ko.
"Hipan mo ulit Ma...." Hihipan ko na sana ng may kadugtong pa pala ang sasabihin niya na nagpa-init ng ulo ko.
"Hipan mo at BUBUka.... hipan mo at BUBUka.... ng one million times."
"Lumapit kayo at hahampasin ko kayo! Dali!" Nag-iinit na naman bunbunan ko. Hindi talaga magsisitino ang mga 'to!
Mga pasaway.
Narinig ko ang masama nilang tawa. "Mama joke lang iyon! Sabi daw sa uto-uto ang joke na 'yon e!" Katwiran nila.
"Anong . . . uto-uto ako? Bubu ako?" Agad silang umiling.
"Utu-uto lang Ma." Itinumba ko ang mga upuan at hinagis ang mga nahawakan ko na nga paninda---- charot. Napailing ako at tumingala sa kalangitan. Nagsimula na ako magdasal. Kailangan ko na siguro gumapang para magkatotoo ang mga hiling ko.
Kaasar.

BINABASA MO ANG
Hiding Vowels (On-going)
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ This story isn't perfect like other best authors here in wattpad. Though, I ho...