C H A P T E R: 15
CONSONANT P.O.V
NAPADABOG ako. Pinasok ko na ang ulo ko sa loob ng bag para makita ang nawawalang wallet. Bobo din ako e. Kailangan ko yata ng flashlight. Ang dilim sa loob ng bag. Na amoy ko pa ang panyo kong ipinangpahid sa'king kilikili. Kabangis naman ng amoy. Kahilo e.
"I think you drop this . . ." napalunok ako. Ang lalim ng boses mga besh. Obvious naman na galing iyon sa lalaki. Sinilip ko siya sa nakaharang kong bag sa mukha. Pero sa ibaba lang ng dibdib ang nakita ko kaya nai-angat ko ang ulo. Gusto ko mahimatay sa nakita. Namamalikmata lang ba ako? Pumikit pikit pa ako baka kasi nagha-hallucination lang si ako.
"Hey?"
Pagkukuha ng atensyon nito sa'kin. Huminga kang malalim Consonant. Gusto ko ng idala ang sarili sa hospital at magpa-admit r'on.
Kapag minamalakas ka nga naman!
Pero infairness . . . guwapo pa rin siya hanggang ngayon.
Nakatingala ako kay D-dalter! Yes. Ang aking EX---ex keneme lang kasi 'di naging kami. Gusto ko maiyak! Ang unfair ng mundo. Gusto ko mag revenge! Sasampalin ko siya ng blue bill's na malulutong. Kaso sino ba linoloko ko? Wala akong pera! Ako ang may kasalanan sa'min dalawa pero trip ko mag-revenge. Pake ba? Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi niya naman ako kilala.
Napabuga naman ako ng hangin na may halo ng sama ng loob galing kay heart ko.
"A-akin nga 'to. S-salamat ha?" Gusto kong manampal ng paasa ngayon at pas*bugin ang headquarters ng tadhana. Hina-highblood ako e. Pinahinhin ko pa ang boses. Parang boses ni Moira . . . Moira Aunor. Gan'on. Para mysterious lang.
Agad kong kinuha sa kaniya ang wallet. Mabuti na lang talaga at walang mga pictures roon o kung anu-ano pa. Nakaharang pa rin sa'kin ang bag ni Dora. Papasalamatan ko si Dora mamaya. Aalayan ko ang mga anito niya. Mag-iiwan din ako ng mga itlog ng ahas para maraming good luck siya ngayong 2023.
"May sakit ka ba Miss?"
Umiling ako. Gusto ko magdabog! Ba't siya mukhang nag-glow up? Lumalim pa lalo ang boses niya. Signs of aging yata. May balbas at bigote pa siya pero ba't ang guwapo pa din?! Dahil nakatingala ako sa kaniya. Naka yuko siya sakin para kilatisin ang mukha ko. Tinodo ko pa ang pagtakip ng bag sa'king mukha. Hindi pa rin nagbabago ang titig niya. Cold pa rin at walang emosyon. Nakakatakot pa sa hanggang ngayon ang titig niya lalo na ang kulay abo niyang mga mata na namana pa ng mga anak ko. Pero paki ko ba sa mata niya? May third eye ko samantalang siya dalawa lang! Ako pa rin ang panalo!
Mahigpit kong hinawakan ang bag at naalala ang nakaraan.
F L A S H B A C K
12 YEARS AGO"DALTER-" malungkot kong binaba ang dala-dala kong pancit. Nakita ko kung paano niya halikan sa labi si Ate Diane. Iyung halik na parang kakainin niya ng buhay si Ate. Kadiri . . .
Gusto ko sana sa kaniya ipakain ang pancit na ginawa ko. Nabalitaan ko kasing nahulog siya sa second floor. Natakot ako na baka mamatay na siya ng maaga, akala ko nga din ay putok na ang bungo niya at magkahiwalay hiwalay na ang mga oragans niya sa katawan kaya linutuan ko siya ng pancit para humaba ang ano niya- ang buhay.
Crush na crush ko talaga siya---- si Dalter Gray. Sa edad niyang 21 malago na ang buhay niya na siyang kinahangaan ko. Nasa kaniya na kasi ang lahat e. Kaso may kulang pa.... Ako na lang ang kulang sa buhay niya. Uwu🤭.
Hinawakan ko ang rebanded kong buhok. Sabi niya.... liligawan niya raw ako kapag hindi ako kulot salot at maitim. Ayaw niya raw kasi sa babaeng hindi maputi. Bumili agad ako ng kojic at silka papaya para pumuti talaga ako at magustuhan niya. Diba ganoon naman talaga? Kailangan mong maging kaaya aya para mapansin ni Crush. Para magustuhan niya agad ako. Dahil sa pamamasko ko sa bahay nila no'ng disyembre kaya ako nakapag-ipon at nakapagpa-reband. Iyung balat ko na lang ang prino-problema ko. Bago ko pa lang kasi nagagamit ang mga sabon na 'yon kaya hindi pa effective. Anyways, nagbubulungan sila na may kasamang landian. Bumelat ako. Hindi naman masakit, ni hindi nga din ako nagseselos. Kaya kong ipapatay 'yang si Ate Diane sa mga katropa kong tambay para mapasakin si Dalter no.
Sa takot na makita nila ako ay agad akong nagtago malapit sa basurahan.
"Babe . . . mukhang hindi kaya binisita noong bata."
Ako pa yata ang pag-chi-chismisan nila. Luh? Na late lang kasi ako. Siyempre, pinag-igihan ko kasing sarapan ang pagluluto ng pancit kaya hindi ako maaga nakapunta ngayon.
"I don't care."
"I think babe, she likes you?"
"I already told you. I don't care, she's young and naive. Dapat sa mga ganoong edad ay nakatutok lang sa pag-aaral."
Napangiti ako. Nakatutok naman talaga ako sa pag aaral. 75, 77, 78 puro line of seven grades ko. Okay naman 'yon. Napag aralan ko nga kung paano maging karapat dapat na asawa sa'yo, napag-aralan ko na rin ang mga dapat kong gawin para mapasakin ka e. Hihi. Gusto ko sana isagot iyon sa kaniya ang kaso, baka masabihan akong chismosa.
"She really likes you Gray . . ." may halong lambing ang pag kakasabi noon ni Ate Diane. Narinig ko ang malalim na pagtawa ni Dalter. Tawang na aasar. Parang ayoko na yata makinig sa sasabihin nila----
"It's nothing Diane. She's a kid. Having a crush on me is fine. Yet, still annoying----"
"Fine. Fine. Pikon ka agad. Mag-date na lang tayo? You want?"
Hindi ko na napansin ang lakad nilang papalayo sa'king kinatataguan. Naiwan akong nakayuko at malalim na napabuntong hininga. Siguro . . . Kapag 17 na ako? Puwede na siguro kami?
Puwede kaya?
Sabagay . . . Ang bata ko pa para lumandi. Kaka-13 ko palang. Pero kasi naman! Gustong gusto ko siya e. Crush ko talaga siya . . .
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...