XLV

22 2 2
                                    

C H A P T E R: 45

2 WEEKS na ang nagdaan simula ng malaman ni Dalter ang tungkol sa anak namin.

Ilang araw na akong nakangiwi everytime na naalala ko na siya pala iyung lalaki n'ong birthday ng mga bata na lagiging nagbibigay ng ayuda samin--- char! Siya din ang sugar papa na nagbibigay ng 20,000 sa amin. Hindi ko naman tinanggap- dahil pinadagdagan ko pa kasi naghihikaos na kami sa kahirapan dulot ng kasamaan naming anim na mag-iina.

Marami ako natuklasan o nalaman sa kaniya.

Isa na doon sa mga na knows ko na nanunuluyan pala siya sa kulungan ng mga manok ni Ka Uhug na mas kilalang uhuging tikbalang--- kasundo niya pa ang mga Plorerang magpipinsan na shota ng mga geng-geng kong anak.

Grabe ang revelations!

Kasalukuyang nakasilip ako ngayon sa bintana na malapit sa hapag kainan. Wala talaga ako ginagawa rito kung hindi mag feeling maganda lang sa'king puwesto, nakatutok pa nga sa akin ang napalanunan ko sa raffle na electric fan; kunware hinahangin ang aking magandang buhok.

Feeling artista na naman ako. Siguro kung nag artista ako hindi sisikat si Kathryn Bernardo o kahit si Bea Alonzo. Baka nagkakandarapa pa sa'kin sina Lee Minho, Lee Jong Suk at Park Hyung Sik na magi nilang ka-love team.

Napaka maganda ko talaga! At dahil maganda ako at mabait, I need to magparaya kasi paano ang mga may pangarap mag artista! Hindi sila maglalakas loob na pumasok sa inustriya na iyan dahil mahihiya sila sa'kin. Mai-insicure! Makita lang nila buhok my gosh! Mahihimitay na sila.

Napa-fip hair ako. Napaka bait ko talagang human creature. Sabagay, ako pa ba? Pinaglihi ako sa mga Disney princess. Mahihiya talaga sila sa'kin.

Walang pasok ang limang bata dahil suspended. May ulan raw. Nakakahiya nga dahil oo nga maulan.

Ang tirik na tirik ng araw ngayon e.

Namamawis nga ang kilikili ko at iba na ang amoy pero suspended pa.

Shalala mga sis!

Tumitindi na ang aking putok sa kilikili. Isa ito sa mga flaws ng mga magaganda na katulad ko. Kailangan may baho din ako dahil masama naman kung almost perfect na ako.

Naningkit ang aking mga mata ng makita ang mga anak ko na naka-neon shades na naman. Mga naka-brief lang sila at t-shirt na kulay orange. Para silang mga napabayaan na ng mga magulang. O kung hindi naman ay preso sa bilibid.

Jusko, 202X na ganiyan pa rin ang mga buhay nila.

Mukhang aawayin na naman nila si Dalter na nanahimik na nakamasid lang sa kanilang kapasawayan.

Akala ko nasa akin ang spotlight, akala ko ako ang bida! Pero mukhang sinasapawan ako ng mga bata. Sila ang nag-iinarte at nag dadrama, akala mo naman sila ang bida sa storyang ito, e mga extra naman sila. Mga saling pusa!

Anyways, dito na pala siya natutulog ngayon- si Dalter. Yeah, makapal ang mukha ng lalaki dahil nanghingi siya ng tulong kay Kapitan Tabolboy. Napagsabihan kasi ang walanghiya ng makita ito ng kapitan sa kulungan ng mga manok.

Ewan ko bakit umabot si Kapitan sa bahay ni Ka Uhug- siguro may affair ang dalawa. BL siguro sila. Boy X Boy lover boy ang peg ng dalawang matanda. Habang si Aling Tebelbel ay ang hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon