LIX

10 1 0
                                    

CHAPTER#: 59

INIWAN muna namin ang tuta sa isang vetmed---isang cute na hospital na para sa mga hayop, nababagay nga roon si Dalter e'. Ang mga katulad niya ay kailangan ng check up sabay turok sa mata niya na laging nakatitig sa'kin. Napa irap ako sabay flip ng aking buhok. Alam ko na super yummy ko, pero? Ano ba! Like what the kaserolang itim na puwit?! Hindi siya pasok sa'king standards. Kahit nakapasok na siya sa'king bakuna 'di Maria perlas ng sinilangan. No pa rin ako sa hinayufakingteyp.

Pero heto nga. Nanaig na naman ang pagiging ignorante ko dahil ang galing lang dahil meron na pala na ganoon dito sa central. Isang hospital na para sa mga hanimals, in tagalog Dalter. Malungkot nga ang mga bata dahil hindi namin kasama ang aso.

Kaya ba nila pagalingin? Hindi nga sila makapaghimala sa buhay namin e. Saka sila maging sad boi kung marunong na sila gumamit ng mahika blanka!

Nag suggest nga ako na kung bet nila mag drama dahil sa cute na tuta, okay lang na magpaiwan sila. Sila na ang mag alaga! Tutal pinalaki ko silang mga OA. Agad nila ako inilingan at sinabihang: "Huwag kang desisyon Mama,"'di 'wag! Nagbibigay lang naman ng opinion, ma attitude talaga!

Hinayaan ko sila manahimik habang ako ay na aalibadbaran kay Dalter. Buwisit talaga ito. Nag iinit bunbunan ko sa pinagagagawa at pagpapansin ng animal. Makikita niya at jojombagin ko siya. Sabay kurot na din ng fototoy ng walang'ya.

Nakaka irita na kasi.

Kumunot ang noo ko ng mapansin at makitang huminto ang sasakyan sa isang hindi pamilyar na gate.

Asan kami? Plano niya na ba ako i-abduct kahit hindi ko naman knows ang ibig sabihi ng salitan iyan?

Ang alam ko ay kulay gold ang gate ng mga Floorman. Samantalang color black naman ang isang 'to.

Bigla na lang bumukas ang gate kahit walang guard. Namangha ako kasi bano ako, e'. Kapag nakakakita ako ng mga yayamanin na gamit parang gusto ko na lang itakbo papuntang pawnshop. Hayss, may sa magnanakaw talaga ata ang ninuno namin...madalas puro pagnanakaw ang mga naiisip ko. Not good for my health and brain.

Napanganga ako ng makita na lang bumukas bigla ang gate. Double gate pala 'to. Wow! High tech! Magkano kaya kapag ipina junk shop ko ang gate? Nakanganga pa ako habang nanlalaki ang mga mata kaya napasinghap ang mga anak kong OA.

"Mukha si Mamang aswang!" Saad ng walang'yang si Ikarus. Hindi ko siya pinansin baka magsabunutan lang kami kung papatulan ko pa. Eme!

Nakita ko hindi kalayuan sa gate ang paglapit namin sa isang simpleng two storey house.

"Dalter . . . 'asan tayo?" Lumingon ako sa kaniya at hinintay ang kaniyang sagot mula sa tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Home . . ."

Napakurap ako at sinulyapan ulit ang bahay. Ibang iba ito sa mansion ng pamilya niya. Ito ata ang tinatawag na modern house. Simple pero ang gara tignan. Nakaramdam ako ng panliliit sa sarili, o panliliit talaga, nasasapian na na naman ako ng kalungkutan. Iyong napapaisip na lang ako na kung what if diba? What if kinuha ko sa himlayan ng lolo nila sa kuko ang ginto nitong ipin---'di sana ang mga quintuplets ay nakumpleto ang turok para sa anti rabies, 'di hindi sana sila ngayon mga nagpapalaganap ng kasamaan sa mundo.

Apaka OA naman ng mundo!

Sinulyapan ko ulit ang bahay sabay pikit dahil naiinggit talaga ako. Kung ikukumpara kasi sa bahay namin sa Baranggay Bato-bato. Mas maganda talaga ito. Iyun kasi, bukod sa maliit lang, may mga butas pa ang bubong. May libreng tubig ulan na fresh pa galing sa up up in the sky. Mga ilang dekada na ang bahay na 'yon kaya minsan, feeling naming mag-iina merong nakamasid sa mga galaw namin e. May mga multo na nga roon na madalas ko kakwentuhan. Nakakamangha kasi may multo na kaming housemate. At mga dagang kulang na lang kasabay ko pa matulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon