XXXIII

19 1 0
                                    

C H A P T E R: 33

7: 05 PM
SA MANSION NI CONSONANT
- joke!

ALA siyete na ng gabi. Oo, ang bilis ng oras ano? Busy ako sa pag-aayos ng aming hapunan. Nagluto lang ako ng pancit at nagsaing din ng isang takalin na bigas dahil for sure na pancit lamang ang papansinin ng mga anak ko.

Dahil sa pagkakaumpog ko noong nakaraang araw, na realized ko na need ko palang kumain ng pancit para humaba pa ang aking life. At bukod doon, siyempre baka humaba din pasensiya ko sa mga anak ko.

Heto nga sila, mga nakatayo sa'ming maliit na sala at nagsasaulo ng tula habang naghahanda ako ng hapunan.

Kasalukuyan na naglalagay ako ng baso ng narinig ko ang nagkakapikunan kong mga anak. Mukhang mag susuntukan na ata ang mga ito.

Kanino kayo pupusta?

"Ayaw ko na sauluhin 'yan!" Naririnig kong reklamo ni Arkus, nagdabog pa ang bata at nahiga sa sahig para magpagulong gulong. Nangasim ang mukha ko drama niya. Baka sipunin siya dahil malamig ang sahig. Binato ko sa kaniya ang suot suot ko na tsinelas. Nagulat pa ako ng nasalo niya at binato niya din sa'kin pabalik.

Sapul sa ulo ko. Masakit!

"Kaya nga! Ang pangit! Super super sa pangit." Napangiwi ako sa sinabi ni Ikarus na naupo na sa maliit na mesa at sinasabunutan na ang sarili.

"Sige! Ayaw niyong dalawa? Simula ngayon magkalimutan na tayo! Huhuhu! Itatakwil na namin kayo!"

Napaubo ako. Nakita kung paano lagyan ni Erkus ang mukha niya ng pekeng balbas gamit ang marker at umaastang Señiorito ng isang hacienda na puro damo lang ang tanim.

Iba din talaga ang mga anak ko. Kailangan with props kapag nag-aaway. Iyung tipong nasa telenovela ang mga kupal na bata.

"Ha! Itakwil mo! Akala mo naman Erkus guwapo ka! Hindi mo alam pero may 2k na akong ipon! Nanalo si Guku sa sabong! Bleeee! Ikaw ilan ipon mo? Ha?"

"Mama! Mama oh si Arkus!"

Napakagat na lang ako ng labi ng makita si Odanuz na hiniram ang daster ko na kulay yellow at suot suot niya pa.

Ano naman siya ngayon?

Minnie-me Consonant ng taon? Gusto ko na lang matulog sa pinagagawa nila. Magmukmok at magdrama. Hindi ko naman sila linason no'ng baby pa sila e! Tapos kailangan pati ako kasali sa lahat ng mga kawalanghiyaan nila sa mundo. Huhuhu 🙈, naiiyak ako.

"Huwag ka ng umiyak Arkus. Papalayasin natin silang dalawa rito sa'ting pamamahay. Tayo pa rin ang mananalo kasi dalawa lang sila. Tayo tatlo." Pampalubag loob ni Odanuz sa nagwawala na kapatid. Ipinaamoy niya pa ang kilikili niya sa kapatid niya.

Ginagaya niya talaga ako.

Adik talaga.

"E ano naman kung kami dalawa lang! Kami mananalo dahil may Aleng Tabelbel kami!"

Nag-tambilng ang Ikarus. Akala mo si Spiderman . . . si Spiderman na gutom at na overdose sa vitamins. Naka- rock n' roll pa siya. 🤘🙂🤟

"Talo pa rin kayo Ikarus. Ako si Consonant! Talo kayo! Consonant yata ito!" Sabat naman ni Odanuz.

"Talo kayo ni Ka Uhug! Maitim singit n'on e. Mabaho pa bibig. Kamukha mo pa Ikarus ang alaga noong panot na manok. Talo ka! Talo kayo!" Sigaw ni Uranus.

"Kami talaga ang magwawagi! Kasi Si Mama yata ito. Immortal~ wahahaha." Si Erkus na nagwawala na ulit at binibida si Odanuz na ginagaya ako. Nakatitig sa'kin ang chikading at ginaya ang pagkukulangot ko ngayon. Napa-iling ako. Umiling din siya. Kumamot ako ng leeg, ginaya niya din.

Hiding Vowels (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon