Gabriel at Enrico: Isang gabi ng pag-ibig

282 6 0
                                    

"Beep! Beep!" kay masipag ata ng cellphone ni Enrico ng mga araw na iyon dahil sa napakadalas ng pagtunog nito. Pero sa dinami-dami ng nagtetext sa kanya, mangilan-ngilan lang ang nakapagpangiti sa kanya. Isa na dito ang galing sa kanyang Kuya Gabriel.

Si Gabriel, hindi man niya tunay na kapatid o kaya ay kadugo, subalit nag turing na niya dito ay isang butihing kuya. Ganuon din naman ang binata kay Enrico na kung ituring siya ay parang isang bunsong kapatid, palibasa ay sabik din sa kapatid na lalaki kaya naman kung pakitunguhan niya si Enrico ay ganun na lang.

Si Gabriel na minsan sa isang buwan lamang magparamdam at ang madalas laman ng text ay "kamusta" na kapag hindi mo sinagot ay magtatampo subalit pag si Enrico naman ang mauunang magtext ay hindi ito nagrereply.

Masaya si Enrico dahil makalipas ata ang isang buwan ay ngayon na lamang ulit nagparamdam ang kanyang Kuya Gabriel at siyempre ng most popular "kamusta" nito.

Gabriel: Kamusta?

Enrico (sumigla at excited na nagreply): Mabuti! Sa wakas, after loooooooooooooooooooooong time eh naisipan mo rin magtext. :D

Gabriel: Hanap mo naman ako ng babae!

Enrico (nabigla sa nabasa): Ano? Hindi ko ata macomprehend.

Gabriel: Sabi ko hanap mo ako ng babae.

Enrico: Wait, paano si Kuya Christian?

Gabriel: Sige na please! Hanap mo ako babae.

Enrico: Lagot ka! Sumbong kita.. Hahaha.. Joke lang..

Gabriel: Ui, secret lang natin to ah.

Enrico: Oo naman! Pero seryoso ka ba?

Gabriel: Kukulitin ba kita kung hindi ako seryoso?

Enrico: Teka, alam mo namang napakaliit ng mundo ko, saan naman kita ihahanap ng babae?

Gabriel: Kahit iyong girl for hire lang, basta safe at malinis.

Enrico (ngayon ay kumbinsido na seryoso talaga si Gabriel): Teka, bakit mo naman biglang naisipang humanap ng babae?

Gabriel: Basta! Here's the deal, after mo akong maihanap ng babae, ako naman ang bahala sa iyo. I will uncover you innocence.

Enrico (nabigla): Ano? Anung tingin mo sa akin? Kahit hindi mo na i-uncover ang innocence ko. Ihanap na lang kita ng babae.

Gabriel: Hindi! Basta ihanap mo ako ng babae ako na ang bahala sa iyo, kahit one night lang.

Enrico: Sige, I'll try my best. I will hunt for you, pero ano ba ang requirements mo?

Gabriel: Basta sexy at may itsura naman.

Enrico: Naku, mahirap makahanap ng ganyan sa mundo ko. Hahaha.. Bakit hindi ikaw ang magkusa?

Gabriel: Gusto ko lang makipag-deal sa iyo.

Enrico: Ano daw? Ewan ko sa iyo, basta hindi ko sigurado kung kaya kong makahanap ah. Alam mo naman ako, tulog lang ang pahinga.

Gabriel: Thanks! :D

At dito naputol ang usapan ng dalawa.

Si Enrico - kahit walang balak pumatol sa kasunduang ginawa ni Gabriel ay nakaramdam ng sobra at kakaibang kaba sa mga posibleng mangyari sa kanila ng kanyang kuya-kuyahan. Higit pa lalo dito ay ang challenge na makahanap ng isang babaeng ang deskripsyon ay malayo sa mundong iniikutan niya - bilang pinakabata sa lahat ng magpipinsan at sa trabahong siya na ang bunso at baby kasama ang dalawang nasa early 30s na at ang iba ay naglalaro sa edad 50 pataas.

Silang mga "B" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon