Story A
Bukas
Nagtagal sa ganuong kundisyon ang pobreng si Enrico. Habang tumatagal, nakikitang patuloy ding lumalala ang sitwasyon nito. Madalas din na maabutan itong lumuluha subalit walang ingay na ginagawa.
"Tita, kamusta nap o?" bati ni Neil sa tiyahin, na ina naman ni Enrico.
"Ayos lang ako," sagot nito. "Ang dapat mong kamustahin ay ang pinsan mong si Enrico."
"Sigurado po ba kayong ayos lang kayo? Mukha pong hindi at napapabayaan nap o ninyo ang sarili ninyo," pansin ni Neil.
"Sure, ayos lang ako," giit ng ginang.
"Dumaan na po ba dito si Tito?" usisa pa ng binata.
"Oo, kagagaling lang niya bago ka dumating," nalungkot na sagot nito.
"Kamusta naman po kayo?" si Neil.
"Dumadalas ang pagbisita niya, at tulad ko hindi niya maiwan si Enrico," ang ginang. "Naiinis nga ako, kasi ngayon nya lang pinakitang tatay pala si ni Enrico kung kailan hindi na magawa ng anak kong sabihin na mahal niya ito," saka napaluha ang matanda.
"Tita, ayos lang po iyan, ang mahalaga kahit minsan sa buhay ni Enrico, nangyari na iyong bagay na matagal niyang gusto," dugtong pa nito.
"At ang mas nakakainis, hindi pa siya maintindihan ng mama niya! Hindi siya maintindihan ng asawa niya. Hindi nila maintindihan na kailangan ni Enrico ng mga magulang ngayon, ng isang tatay," dagdag ng ginang.
"Tita, tama nap o iyan," si Neil. "Hindi ata magandang lagi na alng kayo umiiyak," si Neil.
"Tao po!" saka may kumatok sa pinto.
"Akon a po tita!" paalam ni Neil..
"Wag mong pagbuksan!" madiing awat nito sa binata.
"Bakit po?" tanong ni Neil.
"Sabi ko, wag mong pagbuksan," madiin at may galit nitong utos.
"Sige po," natakot at nagtatakang sagot ni Neil.
"Tao po!" mas lumakas ang pagtawag at katok nito sa pinto.
"Sino po ba iyon?" tanong ni Neil subalit walang sagot na nakuha.
"Tao po!" mas naging malakas ang pagtawag nito.
"Hijo! Anung ginagawa mo dito sa labas?" isa pang lalaki na papasok saka binuksan ang pinto. "Tumuloy ka!" anyaya pa nito.
"Lumabas ka!" napatayong wika ng ginang saka tinulak ang lalaking kanina pa kumakatok.
"Sandali lang! Bisita ko ang lalaking ito! Bakit mo pinapaalis?" awat ng lalaki.
"Gabriel," tanging nasabi ni Neil.
"Kilala mob a iyang lalaking iyan?" ang ina ni Enrico.
"Oo! Kaya nga inimbita ko siya dito!" sagot ng lalaki.
"Alam mo bang siya ang dahilan at naging ganayn ang anak mo?" nanay ni Enrico.
"Hindi niya kasalanan iyon! Hindi niya ginusto iyon! Wala siyang kasalanan," giit ng ama ni Enrico.
"Palibhasa kasi wala ka sa tabi ng anak mo kaya hindi mo ako maintindhiahn! Hindi mo ako maintindihan kung gaano kasakit ang sinapit ni Enrico," ang nanay nito.
"Mali ka!" kontra ng lalaki. "Dahil doble ang sakit na nararamdaman ko! Dahil ngayon ko lang naipaparamdam ang pagiging ama ko, sa ganyang kalagayan pa niya. Doble ang sakit na nararamdaman ko, dahil nung may pagkakataon pa hindi ko nagawang gawin ang ganito."
BINABASA MO ANG
Silang mga "B" (boyxboy)
General FictionAng Silang mga B ay isang kwento na sumasalamin sa makulay na mundo ng mga beki, kung paano sila magmahal at magpahalaga sa kanilang kaibigan, kapwa, at taong minamahal. Ito ay kwento ng sampung mga beki na may kanya kanyang kwento at pananaw sa buh...