Nathaniel at Marco: Money-making-love

118 0 0
                                    

"Straight tripper here. PM me if interested." itong status na ito ang dahilan kung bakit naging exciting ang gabi ng pakikipag-chat ni Marco sa kanyang social networking site para sa mga lesbians, gays, bis, and transgenders.

Marco: Friend, kindly check this profile – Nathaniel Aldama. (dali-dali niyang chat sa kanyang online bestfriend na si Neil)

Neil: Ano na naman yan huh?

Marco: Basta check his profile then comment.

Neil: Manlalalaki ka na naman noh!

Marco: Sort of, kaya bilis I need your advise.

Neil: Sabing tigilan mo na yang panlalalaki mo at ayusin mo na iyang buhay mo. Ilang taon ka na ba, huh? 37 ka na boy! Magseryoso ka na at baka magsisi ka sa bandang huli.

Marco: Nagsalita ang matanda. Alam mo, hindi bagay sa edad mong 22 ang magpakamature at sermunan na lang ako lagi.

Neil: Naku, ikaw lang naman inaalala namin.

Marco: Nagsalita ang expert. Eh hindi pa naman nagkakajowa.

Neil: Naku, papaano kaya ako magkakajowa nito eh sa pagbabantay pa lang sa iyo eh tumatanda na ako. Di ba nga't dapat ako ang binabantayan mo, kasi ako ang bata.

Marco: Huwag ng magdrama, c'mon check his profile.

Ilang sandali pa at –

Neil: Straight tripper? Ang sakit sa bangs!

Marco: Bakit na naman?

Neil: Alam mo beks, este friend pala ang hilig mo sa straight tripper.

Marco: Siyempre para exciting.

Neil: Naku, kung ako sa iyo iiwasan ko iyang mga beki in denial na yan.

Marco: At bakit naman aber? Straight nga siya di ba?

Neil: Walang straight na papatol sa isang beki, o sa kapwa niya lalaki. Walang straight na gagawa nun. He maybe a tripper but not straight.

Marco: Aba, at may nalalaman ka ng ganun nga ngayon.

Neil: Siyempre, ako pa. Kahit sabihing libog ang dahilan ng pagpatol niya sa beki, hindi pa rin siya straight. Ang levelling lang ba natin ng straight eh ang concept nang mainlove? Di ba dapat kasama na sa definition nun iyong same sex intercourse? Kahit walang love, kayang makipagsex ng kahit sino sa kung sino. At kung tripper siya, kahit gaano kagaling mag-bj ang beki, hindi siya hahanap ng beki dahil babae ang gusto niya. Pero, sabi nga ni Marx, may exemption.

Marco: Ano iyon aber?

Neil: Malay ba natin if he is doing it for money? Malay mo may ibang intensiyon siya na maggagain siya ng malaki?

Marco: Nangaral na naman. Ayan ka na naman sa mga assumptions mo.

Neil: Remember, ang straight, isipin pa lang niya ang dalawang lalaking nagsesex eh masusuka at maduduwal na iyan. Kahit sabihing open minded siya, hindi niya makikita ang sarili niya sa ganuong sitwasyon.

Marco: Daming satsat, magcocomment ka ba o hindi.

Neil: Siyempre oo! Ang gwapo niya, ang ganda ng katawan, lalaking-lalaki. Moreno at chinito. Jackpot ka friend.

Marco: Yes I know! Kita mo malandi ka rin.

Neil: Hoy Mr. Marco Christian Salvacion! Hiningan mo ako ng comment di b a? Ayan ang comment ko.

Marco: Pero pwede na ba?

Neil: Pero friend, baka mamaya manloloko at manggagamit lang yan.

Marco: Gaya ng hinala mo? Hindi naman siguro.

Silang mga "B" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon