Buhay na mga Grapiko

28 0 0
                                    

Ayos na! Nabigyan ko nan g hustisya ang magandang katapusan ng mga beki. Pwede na akong magpahinga ng matagal-tagal para sa susunod kong isusulat. At parang awa ko na sa sarili ko, ito na ang huling gay-themed story ko.

Ang likod ko, masakit at nangangawit. Ang mga mata ko, napapapikit. Ang mga daliri ko, mahapdi-hapdi na rin dahil sa hirap. Ang utak ko, natuyot!

"Sandali!" saka biglang bumulaga ang isang lalaki sa aking harap.

Hala, sino na naman ito? Kanina mga boses lang, ngayon ay may itsura na.

"Bago ka matulog, may sasabihin lang kami," sabi ng isa pa mula sa kawalan ay nagpakita din.

Hindi kaya mga kaluluwa ito ng mga beking multo na naaabala ko gabi-gabi? Oh no! Hindi pwede to.

"Magtigil ka! Hindi kami multo," sabi ng isa pang mula ulit sa kawalan ay lumabas.

What the? Entrance from nothing? Ano to creatio et nihilo?

"Hindi kami galing sa nothing," wika ng isa pang biglang sulpot.

Mushrooms! Mushrooms!

"Kami ay galing sa iyo," halos koro nilang sabi.

Maingay, nakakabaliw, masakit sa ulo, masakit sa utak. Ang inagy, ang ingay!

"Ikaw ang lumikha sa amin. Ikaw ang dahilang kung bakit kami andito. Kami ay mga obra mo. Kami ay produkto ng karanansa mo. Kami ay ang pinaghati-hating ikaw." sabi nila.

Taheeeeeeeemeeeeeeeeeeeeek. Away ko ng maingay, ayaw ko ng madaldal, ayaw ko ng makulit, ayaw ko sa inyo!

"Pero hindi mo kami maiaalis sa katauhan mo," sabi nung pangalawang lumabas.

"Dahil kami ay bahagi mo na," sabi nung pangatlo.

"At hindi naman kami mabubuo kung hindi dahil sa iyo," sabi ung pang-apat.

"Dahil kami ay iyong nilikha," sabi ng pangalawa.

"Aries," sabi ng isa.

"Matthew," sabi ng isa.

"Marco," anag isa pa.

"Enrico," iyong isa pa.

Ano? Kayo ang mga karakter na binuo ko?

"Oo! At kulang pa kami!" sabi pa ulit ng panibagong apat na lalaking biglang lumitaw.

"Nasaan na ang dalawa para makumpleto ang sampu?" koro, ngunit hindi sabay-sabay nilang wika.

Sa gulat, hindi ko na nagawang makapagsalita pa. hinayaan ko na lang ang mga grapikong mula sa aking imahinasyon ay mabuhay at pangaralan ako, na sa kanila ay lumikha.

Aries: Hindi mo kami nilikha, nilikha kami ng mundo mo.

Enrico: Pero ikaw ang bumuo at kumonsepto sa amin.

Matthew: Kinonsepto mula base sa pananaw mo sa daigdig.

Aries: Sa nakikita mo.

Enrico: Kami ang interpretasyon mo.

Marcoi: Kami ang pinapaniwalaan mo.

Matthew: Na isinulat at binuhay sa mga karakter at grapikong kung sino kami ngayon.

Gabriel: Pero ma kulang.

Natheniel: Nasaan na ang kulang?

Oliver: Nasaan na ang huling bubuo sa sampu?

Michael: Nasaan na ang kukumplto sa pagkukulang naming walo?

Aries: Hindi mo sila pwedeng itago.

Silang mga "B" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon