Nakaluhod – lumalakad ng nakaluhod ang abang si Marco sa dambana ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran. Pagkatapos nito, isusunod niyang puntahan ang Dakilang bahay ng Mahal na Poong Nazareno sa Quiapo. May mga luha sa mga mata, idinadaing ang pagsubok na dumating sa kanayng buhya, humihiling ng ibayong kalakasan upang malagpasan ang mga ito.
"Mahal na Ina ng Laging Sakloo, andito po ang inyong abang tagapaglingkod, nagkakasala, at patuloy na nakakagawa ng kamalian at kasalanan sa mundo. Humihiling po ako ng kapatawaran upang muli ay maging karapat-dapat sa banal na kalinga ng Amang nasa langit," sinsero at buong pusong pagdarasal ni Marco.
Walang trabaho, walang kotse, walang bahay, walang ari-arian, tinakwil ng pamilya dahil sa kasarian, niloko ng taong minahal, at tanging apat na kaibigan ang naiwan sa kanyang tabi.
"Tulungan po ninyo akong malagpasan koi tong mga pagsubok na ipinagkaloob sa akin ng ama, tulungan po ninyo akong manatiling buhay at makagawa ng mga bagay na kalugod-lugod sa inyo," si Marco.
Hindi nagpaabala si Marco, sa ginagawang taimtim na panalangin, at matapos ang halos tatlong oras –
"103 messages received," sabi ng cellphone nito. Binasa at sinuma ang iisang laman ng mga ito, isang balitang gumibal sa kanya.
"Mamita, we need you here. Wala na si Enrico," si Aries.
"Mamita, kagagaling ko lang ng hospital confirm nap o," si Matthew.
Hindi kasama ng grupo si Neil, dahil busy ito sa kanyang trabaho at sariling problema. Ayaw na nilang bigyan pa ito ng sakit ng ulo kaya naman nilihim na lang nila ang pagkawala ni Enrico.
Humahangos, hindi makapaniwalang pinuntahan ni Marco ang hospital na sinabi sa kaniya.
"Enrico," pigil ang pag-iyak na simula ni Marco bago buksan ang taong nakatakip ng kumot at biglang bumuhos ang saganang luha sa mata nito.
Agad naman siyang niyakap nina Aries at Matthew.
"Mamita," si Aries na bagamat kagagaling lang din sa hiwalayan ay panibagong problema na naman ang dumating sa kanya.
"Paano natin sasabihin to kay Neil?" tanong pa ni Marco.
"Enrico, bakit ba biglaan ka namang nawala," si Aries.
Hinintay nina Marco, Aries at Matthew ang pagdating ng mga magulang ni Enrico. Naduon sila sa isang sulok, buong pait na humihikbi. Sa may di kalayuan, napansin din nila ang isang lalaking hindi natitinag sa pagkakaupo nito. Palihim din itong umiiyak, kagay nila.
"Ah Sir," lakas loob ng simula ni Aries. "Kaibigan po ba kayo ni Enrico?" tanong pa nito.
Tumingin lang sa kanya ang lalaki, ang mapanglaw nitong mata ang pinansagot niya sa katanungan ng binata.
"Si Gabriel yan," si Matthew na sumunod kay Aries. "Siya iyong naging dahilan kung bakit sabi ninyong masaya si Enrico nung nakaraan."
Sa narining, sinuklian lang ni Gabriel ng matipid na ngiti ang dalawa saka muling palihim na umiyak. Naalala niya si Enrico, at ang mga snadaling kasama niya ito.
Dumating ang mga magulang ni Enrico, inuwi ang bangkay saka ibinurol sa kanilang bahay. Tahimik, payapa, at malungkot na inihatid ng tatlong magkakaibigan si Enrico sa kanilang huling hantungan. Sakto sa pagdating ni Neil –
Nakangiti ang binatang bumati sa tatlo pagdating sa kanilang munting opisina –
"O, bakit parang pinagsukluban kayo ng langit at lupa?" si Neil.
"Si Enrico!" biglang hagulgol na sinabi ni Marco.
Kinabahan ang binta, hindi siya handa sa mga pwede niyang marinig o sa kung ano ang kanyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Silang mga "B" (boyxboy)
General FictionAng Silang mga B ay isang kwento na sumasalamin sa makulay na mundo ng mga beki, kung paano sila magmahal at magpahalaga sa kanilang kaibigan, kapwa, at taong minamahal. Ito ay kwento ng sampung mga beki na may kanya kanyang kwento at pananaw sa buh...