One Brain: Two symbols

24 0 0
                                    

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinawalan saka dahan-dahan inihersisyo ang aking mga daliri sa kamay.

Sa wakas, nabigyan ko nan g katapusan ang apat na kwento. Nasulit ko na rin ang pangangalay ng kaliwang kamay kakasulat ng drafts samantalang ang mga daliri kong malapit nang mapudpod ay mapapahinga na rin ng mataga-tagal.

Ito na ang bunga ng pangangawit ng aking buong katawan, pagod na mga mata, at masakit na kasu-kasuan. Nakagawa na ulit ako ng isang kathang matagal nang naglalaro sa aking isipan. Ngayon, heto at naisatitik na rin sa loob ng mahabang panahon.

"Hoy! Bago ka matulog basahin mo nga ulit iyang ginawa mo!" utos ng isang tinig.

"You need to rest at masyado ka ng napagod," angal ng isa pa.

Napabalikwas, hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ang dalawang tinig na ito ay bahagi ng aking katauhan.

"Tama! Ikaw at ako ay iisa! Ako at ikaw ay magkasama," wika ng mahiwagang tinig na itago natin sa kodang 1.

"Kung siya 1, malamang ako 2? Echosera ka! Ayokong maging number 2 lang. I demand my right to be first!" kontra ng isa pang itatago ko na lang sa kodang A, para walang gulo.

Multiple personality disorder ba ang tawag nila dito? Mala-San Sui ba ang drama ko? O baka naman ay Schizophrenic na ako?

"Nope! Hindi iyan personality disorder dahil natural na sa isang tao ang magkaruon ng madaming katauhan," sabi ni 1.

"At ikaw ay maswerteng lagi mong nasasanay ang sarili mo para sa mga kasalungatan. Maswerte ka dahil sa kabila ng madalas naming pagbisita ay hindi ka pa rin nababaliw at nawwala sa katinuan," si A.

"Nangangahulugan lang yan na magaling tayong tatlo!" si 1.

Kung ako at sila ay iisa, at sila ay bahagi ko na, sino sila? Hindi ko maintindihan, pero masakit sila sa ulo!

"Tama! Masakit talaga kami sa ulo dahil nasa utak mo kami. Nagtatago kami sa tinatawag nilang cerebrum," si 1.

"And let me explain it to you briefly, the cerebrum is a large rounded structure that closely functions with thoughts, reasons, emotions, and memory. It occupies most of the cranial cavity and is divided into two hemispheres that are joined at the bottom by the corpus callosum. The two hemispheres are mirror images of each other and control opposite sides of the body. The left cerebral hemisphere controls speech and academic and analytical processes; the right cerebral hemisphere deals with more artistic and imaginative activities, and also controls facial perception and music," si A.

Ano? Ang sakit naman sa ulo. Lalo nilang pinasakit ang ulo ko!

"Pati ang puso mo pasasakitin naming dahil nabuo kami dahil nakakaramdam ka," si 1.

"Pero normal lang na magkaruon tayo ng ganito dahil sabi nga sa pinag-aralan mo na laging may contradiction, at ito ang isang bagay na hindi kayang maialis at nasa nature nan g lahat ng bagay," si A.

"Habang si A ay todo explain sa iyo hayaan mo na lang ako magpakilala," si 1. "Ako ang parte mo na least appreciated or ako ang laging hindi mo napapakinggan. Madalas mo lang akong magamit o minsan nga eh pampaganda lang kay A sa tuwing may kokontrahin ka kahit labag sa loob mo. Ako si Left."

"Ako naman ang bahagi mo na siyang madalas mong gamitin. Laging aktibo, at lagi mong pinapatakbo. Ako si Right," si A.

Bakit naman sa ganitong oras kayo nagpakita sa akin? Wala naman akong matandaang tinawagan ko kayo? Ano kayo, nagrarally na rin? Nagrerebelde na kaya hindi na kayo nagpapakontrol? May mali ba akong nagawa?

"Oo! Malaki ang pagkakamali mo!" si Left.

"Wala! Gusto ka lang guluhin ni Left kaya ako nagpakita!" si Right.

Silang mga "B" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon