"I was her she was me We were one we were free And if there's somebody calling me on She's the one If there's somebody calling me on She's the one We were young we were wrong We were fine all along If there's somebody calling me on She's the one When you get to where you want to go And you know the things you want to know You're smiling When you said what you want to say And you know the way you want to play, yeah You'll be so high you'll be flying," maaagang panggising ng cellphone ni Aries sa kanya.
"Hello?" agad niyang sagot sa kabialng linya.
"Saan na ba kayo?" si Mamita.
"Naku Mamita, I'm on Camarines Norte. Alam mo namang pinatapon ako dito para imonitor iyong project ng deparment eh," si Aries.
"Sorry, oo nga pala. Nakalimutan ko. Nawawala kasi ako, hindi ko mahagilap si Neil at hindi rin sinasagot ang tawag ko," paliwanag nito.
"Ay sows na malapot," si Aries. "Nasaan ka na ba?" si Aries.
"Dito sa Quezon Ave," si Mamita.
"Ang layo kaya niyan saMakati?" sabi ni Aries. "Sino ba kaso ang nasa isip mong pupuntahan? Sina Neil ba o si Nathaniel?" habol pa nito.
"Ui, si Neil talaga ang pupuntahan ko. Wala ngang paramdam iyong papa ko eh," sagot pa nito.
"Oh siya, byahe ka na pabalik ng Makati," si Aries. "Makati hindi Quezon City," may diing pa nitong habol.
"Sorry!" sagot ni Mamita saka end call.
"Kay aga aga!" sabi ni Aries saka biglang nagulat pagtingin ng oras. "Shit! Six thirty na pala, baka ma-award naman ako kay Ms. Ginginvitis nito."
"Kagigising mo lang?" bati ng driver nila kay Aries pagkalabas nito ng banyo.
"Kasi naman Kuya Kim bakit hindi mo po ako ginsing," may tampo pa sa binata.
"Ang himbing kaya ng tulog mo," sagot nito.
"Kahit na, alam mo naman pong ako ang peyborit ni Ms. Gaoiran eh ma-aaward na naman ako ng sermon nun," paliwanag ni Aries.
"Huwag mo na masyadong iniisip iyon, ganun talaga apg tumandang dalaga," biro ng driver nila.
"Kasi naman Kuya Kim, bakit ba hindi mo pinatulan eh," ganti ni Aries na nagging sanhi para mapatawa silang dalawa.
Mahabang tawanan na naputol na lamang ng may kumatok sa kanilang pintuan.
"Kim, Aries! Kita na lang tayo sa Mess Hall, ready na ang breakfast natin," si Ms. Gaoiran.
"Opo!" sagot ni Aries saka pumasok sa banyo at dali-daling naligo.
"Kita mo na!" habol na komento ni Kim.
Sa Mess Hall ng hotel na tinutuluyan nila -
"Late na naman kayong bumaba?" pambabatikos ni Ms. Gaoiran kay Aries.
"Sorry Ms. Gaoiran, natagalan kasi ako sa banyo, kumulo tyan ko," pag-ako ni Kuya Kim sa sana'y parusa ni Aries.
"Akala ko si Aries," pa-cute nitong sagot. "Sige, upon a kayo then pili na kayo ng gusto ninyong breakfast.
"Saan po tayo ngayon araw?" si Kuya Kim.
"Since first day natin dito sa Camarines Norte, gaya ng protocol kailangan nating mag-courtesy call sa Provincial Office dito," paliwanag ni Ms. Gaoiran. "Duon din natin susunduin iyong magiging tour guide natin na si Ms. Marie."
"Isang hotel lang po ba tayo mag-stay sa Camarines Norte?" usisa ni Aries.
"We will have two hotels in CamNor like what we have here in Quezon. Siyempre our last night, iyong mas malapit na sa Manila para mabawasan ang travel time natin pag-uwi," si Ms. Gaoiran. "Any more question Mr. Gatchalian?" mataray na namang tanong nit okay Aries.
BINABASA MO ANG
Silang mga "B" (boyxboy)
General FictionAng Silang mga B ay isang kwento na sumasalamin sa makulay na mundo ng mga beki, kung paano sila magmahal at magpahalaga sa kanilang kaibigan, kapwa, at taong minamahal. Ito ay kwento ng sampung mga beki na may kanya kanyang kwento at pananaw sa buh...