"Hey Neil, kamusta ka na?" si Tristan.
"Ayo slang naman ako," sagot ni Neil. "Anung ginagawa mo dito?" may pagtataka pa nitong tanong.
"Remember my message yesterday?" tanong nito na tinango naman ni Neil. "You didn't reply to it. I just want to know your answer."
"Well, siguro next time na natin pag-usapan," nakangiting mungkahi ng binata.
"I need your answer now!" saka parang batang nagpapagyak ito.
"Wait Tristan," awat ni Neil.
"What's the problem here?" singit ng isang lalaki na naagaw ang pansin sa pagwawala ni Tristan.
"Wala naman Edward," sabi ni Neil. "Ito kasing si Tristan medyo makulit." Nakangiti pang idinagdag ng binata.
"Ano babe? Tara na! Masyado na tayong late," si Edward saka inakbayan si Neil.
Laking gulat ni Neil sa sinabing iyon ni Edward, hindi niya inaasahan pero higit pa niyang ikinabigla ang ginawang akbay nito sa kanya. Oo, sanay siyang inaakbayan ni Edward pero iba ang pakiramdam niya sa akbay na iyon.
"Edward?" puno ng pagttakang saad ni Neil. Hindi naman niya magawang bangasan ang kaibigan dahil sigurado siyang may dahilan ito kung bakit iyon gumawa ng ganuong kapangahasan.
"Tara na babe!" si Edward saka hinalikan sa noo ang binata.
Mas nakakagulat, mas nakakabigla. Nais na sanang matunaw ni Neil, subalit alam niyang ang ginagawa ni Edward ay hindi gaya ng nasa isip niya.
"Neil!" galit at nagngingitngit na tinitigan ni Tristan si Neil.
"Saka mo na kausapin si special Tristan," si Edward saka hinila palayo si Neil na hanggang sa mga oras na iyon ay tila tuod na hindi maka-get-over.
Sa di kalayuan -
"Ayos ka lang ba?" si Edward saka niyugyog si Neil.
"Teka," si Neil. "Ano iyon?" tanong pa niya.
"Ang alin?" si Edward.
"Iyong kanina?" si Neil.
"Akala mo hindi ko alam iyong mga text sa iyo ni Tristan," si Edward.
"Ano?" si Neil. "Teka, ano ba yang sinasabi mo?"
"Wala kang maililihim sa akin Neil!" si Edward. "Wala kang maililihim sa bestfriend mo." Saka ang isang matamis na ngiti.
"Anung sinasabi mo?" kinakabahan sa tila stalker na dating ng kanyang kaibigan.
"Akin na iyang cellphone mo!" si Edward saka kinuha sa bulsa ni Neil sang cellphone nito. Tinaype ang password at saka ipinakita sa kaibigan ang sinasabing text. "Akala mo hindi ko alam lahat, no!" dugtong pa nito.
"Oh, pakialam ka talaga! Daig mo pa ang stalker," biro ng binata.
"Kung may stalker man dito, si Tristan iyon at hindi ako," si Edward. "Tama ba namang sabihan kang, Neil akin ka na lang?"
"Friendly lang talaga si Tristan," depensa ni Neil.
"Friendly? Sabihin mo may sira talaga sa tuktok iyon," lait ni Edward. "Ano ka, isang bagay na pwedeng hingin? Na pwedeng ariin?" komento pa nito. "Ikaw Neil, hindi ka ganuong klase na para bang pwedeng ariin ng kahit na sino," malamang pahayag ni Edward.
Ayaw sanang isipin ni Neil na may kung anung pinapahiwatig ang pahayag na iyon ng kaibigan dahil una ang alam niya ay lalaking-lalaki ito at pangalawa ay hindi nito alam na isa siyang silahis kahit na lagi niyang kadikit si Marco, ang kanyang Mamita. Pero kahit anung pagwawaksi ay sa ganuong konklusyon siya ibinabagsak, na may lihim din itong pagtingin sa kanya, gaya ng matagal na niyang kinukubli.
BINABASA MO ANG
Silang mga "B" (boyxboy)
General FictionAng Silang mga B ay isang kwento na sumasalamin sa makulay na mundo ng mga beki, kung paano sila magmahal at magpahalaga sa kanilang kaibigan, kapwa, at taong minamahal. Ito ay kwento ng sampung mga beki na may kanya kanyang kwento at pananaw sa buh...