[SYXLUNA BOOK TWO]
AHLUNA'S P.O.V
________________"𝖬𝖺𝗁𝖺𝗅." Sabi ko kay Syxto na nasa loob ng kwarto. Nakapagluto na kasi ako ng breakfast at natutulog pa din siya.
Pumasok ako at napangiti ng bahagya sa hitsura niya.
Ilang buwan na din simula nang maaksidente kaming dalawa galing sa simbahan kung saan kami kinasal.
At simula din ng makalimutan nito ang pagmamahalan namin.
Ang pangalan ko. Ang pamilya ko. Ang lahat lahat na tungkol saakin at kung ano ako sa buhay niya.
Nakita ko ang pagbukas nang mata niya at tiningnan ako nito pero sandali lang.
Si Syxto nalang ang meron ako ngayon dahil nawala ang baby namin, hindi pa namin masabi kay Syxto dahil alam kong mahihirapan tong intindihin, nalilito pa siya.
Hindi niya ako sinukuan noon kaya hindi ko din siya susukuan ngayon. This is all I can do for him.
Nilapitan ko siya at hahalikan ko sana ito sakaniyang noo ngunit agad itong tumayo sa pagkakahiga kaya napayuko ako at napapikit nalang.
"Sa baba nalang ako kakain." seryosong sabi nito habang nakapamewang kaya tumango ako.
"Sige mahal, hintayin nalang kita sa baba." sabi ko at iniwan na siya sa kwarto.
Pagbaba ko ay kinuha ni Manang Sonia ang dala kong tray, ito na ang nagasikaso sa amin dahil kilala na nito si Syxto mula pagkabata at baka mahirapan si Syxto kung magsasama kami na dalawa lang.
"Aayusin ko nalang ang dining." sabi nito at tumango ako.
"Salamat po." sabi ko dito at nakita ko naman ang pagbaba ni Syxto kaya agad ko siyang nilapitan.
Habang kumakain ay panaka-naka ko siyang tinitingnan.
"Mahal." tawag ko dito at tiningnan naman niya ako pero sandali lang.
"Saan mo gustong pumunta? Parang magandang mamasiya---"
"Sorry. Wala ako sa mood lumabas." sabi nito at natigilan ako ng ilang sandali saka dahan-dahang tumango.
"Sige, okay lang." sabi ko dito saka ngumiti ng tipid. After naming kumain ay tinulungan ko na muna si Manang Sonia sa paga-ayos.
Habang pinupunasan ko ang mga platong hinugasan ni Manang ay lumapit siya sa akin.
"Ayos ka lang ba iha?" tanong nito kaya mabilis akong tumango.
"Hindi ko alam kung gaano kasakit para sa iyo ang nangyayareng ito pero sana wag mong sukuan ang alaga ko ha." mahina nitong sabi at tumango ako.
"Wag po kayong mag-alala, wala akong balak na sukuan si Syxto." nakangiti kong sabi kaya hinaplos nito ang buhok ko.
KINABUKASAN ay dumalaw sina Mama dito sa amin at may pasalubong na kung ano-ano.
"Kamusta kayo ni Razzel dito ha?" nakangiti niyang tanong habang inilalabas namin sa mga paper bag ang dala niya, hindi ako nakakibo.
"He still not remembering anything about you? My god." sabi ni Mama na kinangiti ko nalang.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito saka hinawakan ang isang kamay ko.
"Oo naman po." Sagot ko saka ngumiti ng pilit.
"Alam kong dala mo pa din sa iyo ang sakit ng pagkawala ng first baby niyo pero nananatili kang matatag for my son, and I'm so very grateful with that.." sabi nito.
Bernadette's P.O.V (Syxto's mother)
Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Ahluna na nagpi-prepare for our lunch, biglaan din kasi ang pag-dalaw namin at hindi nakapag-sabi agad sa kaniya. My son is really blessed to have Ahluna in his life at sana maalala niya 'yon.
YOU ARE READING
MONTEVERDE SERIES: THE FORGOTTEN LOVE - COMPLETED [SYXLUNA BOOK TWO]
RomanceBOOK TWO