Agad niya akong niyakap nang mahigpit. "Y-You remembered everything?" tanong nito at tumango ako.
"Yes, mahal, so wag ka ng umiyak." sabi ko sa kaniya at tumango ito at nilayo ito saka hinawakan ang pisngi niya at ngumiti.
"A-Akala ko kanina may ibig sabihin yung pakikipagkita mo kay Scarlet, sorry napakaparanoid ko." sabi nito.
"Ayos lang, ngayong naalala ko na ang lahat mas natutuwa akong ganiyan ka." sabi ko at natawa naman ito ng mahina.
"I'm so lucky to have you, mahal, babawi ako sa ilang buwan kong pagpapahirap sa'yo, and I'm sorry sa nawala nating baby, alam kong napakahirap sayo pero mas pinili mong samahan ako at intindihin." sabi ko sa kaniya
"At para mapanatag ang kalooban mo, hinding-hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa ibang babae." sabi ko pa at tumango ito.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan yon saka tumingin sa mata niya at ngumiti.
"I love you." mahinang bulong ko dito at hinila siya para isandal sa akin at nagstay sa sala.
"Bumalik na si Migo." sabi ko at napaangat ang tingin niya.
"At kilala niya si Scarlet." sabi ko.
"Pakana niya to?" tanong nito at ngumiti ako saka umiling.
"He wants pero iniisip din niya ang mararamdaman mo kung ipaglalayo niya tayo, Scarlet plan this on her own, at kaya bumalik dito si Migo to stop her." sabi ko at tumango siya.
"Kamusta pala yung investor mo? Nagalit ba sila? Siguro iniisip nila napaka warfreak kong asawa mo?" sunod-sunod nitong tanong kaya natawa ako ng mahina.
"Okay naman naginvest pa din naman sila, pero wala naman akong pakialam sa sasabihin nila sayo." sabi ko at naupo ito ng ayos.
"Pero kahit na, makakasama sa image mo yun, paano kung kumalat yun at sabihin nilang pumapayag kalang sa ginagawa ko." sabi nito at hinawakan ko ang kamay niya.
"Like I said, wala akong pakialam, at saka naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yon, at saka sisiguraduhin kong hindi na mauulit yung pagseselos mong yun, dahil para sa akin ang asawa ko lang ang mahal ko." nakangiti nitong sabi at natawa naman ako ng mahina ng bigla ako nitong irapan at itago sakin ang pamumula nito.
"Bahala ka nga." sabi nito at tumayo na siya at agad ko itong hinila at saktong napaupo ito sa lap ko.
"Mahal." nakangiti kong sabi.
"Hay nako Mr Syxto, mukhang bumalik na nga alaala mo, manyak ka nanaman eh!" mahina nitong sabi na kinatawa ko at agad siyang binuhat papunta sa kwarto namin.
[ Skip muna tayo sa Yugyugan scene. 😅Magpapaka-behave muna si Author niyo sa Book 2 😂]
MIGO'S POV
Nakarating nga ako sa bahay nila Scarlet at pinagbuksan naman ako ni Francis at agad nakipag-kamay sa akin.
"Nasaan si Scarlet?" tanong ko dito.
"Tinali ko muna dahil gusto talagang umalis." natatawang sabi nito at tinapik ko naman siya at pumasok na.
Pagpasok ko ay nakita ko si Tita Reina na nagbabasa ng Magazine. "Hello po." bati ko saka nagmano. "Akyatin ko lang si Scarlet, Tita." sabi ko at tumango ito.
Magkasunod naman kaming umakyat ni Francis at binuksan ang nakalock na kwarto ni Scarlet, pagpasok ko ay kita ko ang nakaupo na si Scarlet habang nakatali ang mga kamay at may tape ang bibig kaya tiningnan ko si Francis.
"Tol, ang sabi ko lang itali mo, bakit nakabusal pa." sabi ko.
"Rinig na rinig sa labas ang sigaw nito kanina, paano kung may magreklamo?" tanong nito at huminga ako ng malalim saka naupo sa tabi niya at inalis ang tape sa bibig nito.
YOU ARE READING
MONTEVERDE SERIES: THE FORGOTTEN LOVE - COMPLETED [SYXLUNA BOOK TWO]
RomanceBOOK TWO