CHAPTER FIVE

560 8 0
                                    

AHLUNA'S P.O.V

"I think kailangan mo ng bumalik sa opisina ni, sir." sabi ni Reena sa akin habang nakatingin sa likuran ko kaya tiningnan ko din ang tinitingnan niya at nakita kong lumabas na si Ms Pistioso na nakasimangot at kasunod naman non ay si Syxto.

Nagbusy-busyhan na nga muna ako kasama si Reena pero tinawag ako nito kaya wala na akong nagawa saka humarap sa kaniya at ngumiti.

"Yes, sir." sabi ko at natawa naman siya.

"I want coffee." sabi nito at nagnod ako saka inunahan na siya sa loob at nagtimpla ako ng kape.

"Akala ko ba hindi ka selosang babae?" natatawa nitong tanong na kinatigil ko at hinarap siya at parang hindi din niya inaasahan ang lalabas sa bibig niya.

"Naalala mo yung sinabi ko noon?" tanong ko saka lumapit sa kaniya.

Ngumiti siya. "Not everything, pero pag may pagkakataon na nagagawa tayo o nasasabi sa isa't-isa ay minsan may mga alaalang pumapasok sa isip ko." sabi nito at napangiti ako saka niyakap siya.

"Kung ganon, gawin lahat natin yung mga dati nating ginagawa." sabi ko.

"Everything?" tanong nito at tumango ako kaya naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin.

"Are you sure?" tanong nito at natawa ako.

"Wag nalang pala, mukhang yung ano lang ang gusto mong gawin natin e." sabi ko saka bitaw sa kaniya at napailing nalang ito at binalikan ko nga ang tinitimpla kong kape.

Pagkatapos ng office hours ay nagpaalam na sila na uuwi na kaya nagpasya na din si Syxto na maaga kaming umuwi. "Let's go." sabi nito at kinuha ko na nga ang bag ko at hinawakan ang kamay niya.

Pagkasakay namin sa kotse ay minessage ko na si Manang Sonia na maaga kaming uuwi para makakain si Syxto paguwi.

"What are you doing?" tanong nito at tiningnan ko siya.

"Sinasabihan ko lang si Manang na maaga tayong uuwi." sabi ko.

"No need, sa labas nalang tayo kumain. Nagugutom na ako." sabi nito habang nagri-riverse ito.

"Huh?" sabi ko saka tiningnan muli ang phone ko at nasabi ko na pero agad ko din siyang sinabihan na wag na palang magluto ng madami.

"Why are you smiling? Sigurado ka ba talagang si Manang Sonia ang kausap mo at hindi iba." sabi nito at natawa nalang ako at saka sinend kay Manang uli ang message ko at binalik ang phone sa bag ko.

Pero naalala ko si Nanay dahil nagrerequest to na makita din si Syxto dahil matagal na din ang huli nilang kita.

"Mahal, pwedeng kina Nanay nalang tayo magdinner? Gusto ka din kasi niyang makita eh." sabi ko at natigilan naman siya.

"Kina Nanay?" tanong nito at parang kinabahan siya pero tumango pa din siya kaya bumili nalang muna kami ng mapapasalubong bago pumunta kina Nanay.

Pagdating namin sa bahay ay si Tiya Isang ang sumalubong sa amin kaya agad kaming nagmano ni Syxto, wag kayo kay Tiya, bumabait na yan at siya na ang pumalit kay Nanay sa pagtitinda sa palengke dahil si Nanay naman dito sa bahay.

"Good evening po, kamusta po?" tanong nito kay Tiya .

"Ayos lang naman, oh ano sa labas lang ba kayo ha?" tanong nito at natawa ako dahil ang pagiging masungit lang talaga nito ang hindi mawala-wala.

Pagpasok namin ay isang lalaki ang tumawag sa akin. "Ahluna!" sigaw nito at agad ko naman siyang tiningnan at natawa ako ng makitang si Maximo yon, mabilis siyang tumakbo at niyakap ako. "Ang tagal mong di nagpakita." sabi nito at tiningnan ko naman si Syxto na masama na ang awra kaya nilayo ko na si Maximo dahil baka kainin na siya ng buhay nito.

MONTEVERDE SERIES: THE FORGOTTEN LOVE - COMPLETED [SYXLUNA BOOK TWO]Where stories live. Discover now