____________
Pagkatapos naming magtalo kagabi ni Syxto ay umalis ito at hindi ko alam kung saan siya nagpunta, umuwi naman ito pero magmamadaling-araw na at hindi na ako nagtanong dahil wala na akong lakas para makipagtalo o ano.Ngunit pagbaba ko ay nagulat ako ng makitang nakapang office attire siya dahil after naming maaksidente ay hindi pa kami bumabalik sa opisina at hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako o magi-stay nalang ako dito, depende kay Papa Locco, ang Daddy ni Syxto.
"Hindi ka pa ba babalik ng opisina?" tanong nito sa akin at umiling lamang ako at nagtimpla ng kape.
Pagkatapos nga nitong mag-almusal ay ibinaba ko na ang mga dadalhin nito, kahit masama ang loob ko sakaniya ay kailangan ko pa din siyang asikasuhin. Inabot ko na nga sakaniya yon at agad na tumalikod na dito, umalis nga ito ng walang sinasabi na kahit ano.
SYX'S P.O.V
Pagdating ko sa kumpaniya ay sinalubong agad ako ni Dad at Kieffer, I go on his house last night after the fight with Ahluna.
[FLASHBACK WITH KIEFFER]
"Oh bro, bumalik ka? May naiwan ka ba, sana sinabi mo nalang para matago ko." sabi nito at naupo ako sa sala nito.
"Nag-talo kami ni Ahluna." sabi ko at natigilan siya.
"Inaway mo si Ahluna?" tanong nito at parang siguradong-sigurado siyang ako ang nagsimula ng pagtatalo naming 'yon.
"Hindi ko pa sinasabi sa'yo kung anong pinagtalunan namin pero alam mo na agad kung anong dahilan." sabi ko at napakibit balikat ito.
"Well, kilala ko naman kasi si Ahluna." sabi nito.
"She will never do that, I mean, napakabait ng asawa mo." sabi pa niya.
"Pero hindi ko siya matandaan." sabi ko dito.
"Then alalahanin mo siya--"
"I tried!" Sabi ko.
"Then try harder, bro." sabi nito.
"At kung hindi mo talaga siya maalala, then kilalanin mo uli siya." sabi nito saka niya ako kinindatan na kinairap ko.
"But I can't feel in my heart na mahal ko siya." nalilitong sabi ko.
"That's impossible bro, mahal na mahal mo si Ahluna, you are willing to do everything for her." sabi nito.
Napasabunot ako sa sarili ko.
"Don't do anything stup*d to hurt your wife, Syx. You will lose her at kapag nangyare yon at maalala mo na siya, sobra kang magsisisi." Paalala nito.
"I don't know, Kieff. I feel sorry to her when she said our baby died in that day, hindi nila nasabi sa akin yon." sabi ko saka napahilamos sa mukha ko gamit ang palad ko.
"Dahil iniisip ka ni Ahluna, ayaw niyang makaapekto sa iyo kung sasabihin niya ang tungkol sa baby niyong nawala and she suffer too much pero mas pinili niyang samahan ka sa pinakadarkness sa buhay mo kaya kung ako sa iyo uuwi na ako at gagawa ng paraan para magkaayos kayo." Sabi nito.
"I don't know how to faced her, I hurt her with my words." sabi ko at napalingon siya sakin.
"Bakit, ano bang sinabi mo?" tanong nito.
"Nasabi ko sa kaniya na hindi ko maramdaman na mahal ko siya, na nagdududa ako kung mag-asawa ba talaga kami." sabi ko at agad ako nitong binato ng unan na nasa tabi niya.
"Alam mo talaga---hay nako bahala ka talaga, pag nawala sa'yo si Ahluna wag na wag mong sasabihing hindi kita pinayuhan." sabi nito at napatango ako.
"Salamat." sabi ko dito at nagpalipas muna ako ng isang oras bago naisipang magpaalam na kay Kieffer.
______"I'm so happy, you're back." biglang sabi ni Dad na nagpabalik sa huwisyo ko at tinapik naman nito ng mahina ang balikat ko, ngumiti ako at nilingon si Kieffer. He's gonna be my personal assistant dahil wala din akong maalala dito sa opisina kahit sinabi nilang nagtrabaho na ako dito with Ahluna.
Pagkalagay ko ng bag ko sa lamesa ay napatigil ako nang makita ko ang isang picture frame sa lamesa ko. It's me and Ahluna. Agad kong kinuha yon at pinagmasdan ang nasa litrato na nakayakap ako sa kaniya habang nakangiti.
Napapikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko at parang may mga alaala akong nakikita pero sobrang labo, agad kong pinilig ang ulo ko saka huminga ng malalim.
Napaangat naman ako ng tingin ng bumukas ang pinto at bumungad don ang isang babae.
"Hello sir, good morning." bati nito at tumango lang ako.
"What is your name?" tanong ko at tila natigilan naman siya.
"Oum. My name is Lorraine Torralba, you're temporary secretary sir." sabi nito at napatango naman ako pero biglang...
[What is your name]
[Ahluna sir.]
[What a unique name you have]
Napapikit ako ng mariin.
"Sir ayos lang po kayo?" tanong nito at tiningnan ko siya at agad akong tumango.
"You can leave my office now, I will call you if I need anything." sabi ko at agad na siyang nagpaalam.
Huminga ako ng sobrang lalim at inalala ang mga biglang nagpa-pop out sa utak ko na boses simula kanina. Are they my memories with her?
"Syx!" tawag ni Kieffer na nasa harapan ko na pala.
"Ayos ka lang ba bro?" tanong nito at tumango ako.
"Yeah, I'm fine." sabi ko at nagsimula na kaming ayusin ang mga dapat asikasuhin.
Nakatingin ako sa screen ng Laptop ko habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko.
"Bro, coffee oh." biglang alok ni Kief at natigilan ako ng may marinig ako sa utak ko na. [Sir gusto niyo po ba ng kape?]
Napailing na ako ng paulit-ulit. "Argh this memories!" nakapikit kong sabi.
"Ayos kalang ba talaga bro? Kanina kapa balisa diyan ah." sabi nito.
"May bigla-bigla nalang kasing sumusulpot na boses o ala-ala sa utak ko na ewan." sabi ko.
"Baka si Ahluna yan." sabi nito at napatingin ako sakaniya.
"Well itong opisina kasing ito ang naging saksi ng pagmamahalan ninyo at kaharutan sa isa't-isa." natatawang sabi nito at napaayos ako ng upo.
"I'm not a flirty guy, Kieffer." sabi ko.
"Well not anymore, since makilala mo si Ahluna wala kayong ginawa kapag free time niyo kundi ang magyakapan o maghalikan." sabi nito at napairap ako.
"Well, that's a goodnews." sabi nito sa akin at huminga ako ng malalim.
KINABUKASAN nga ay nagulat ako ng makitang si Ahluna na ang Secretary ko dahil ibinalik na siya ni Dad, ang sabi kasi nito ay si Ahluna daw talaga ang naging Secretary ko since magtrabaho ako dito.
"Sir Monteverde, you have a meeting in 2:00 pm with Mr Pistioso in Conference room and 4:00 pm with Mrs Vizagar but unfortunately she wants to resched her meeting with you next week because of her personal reason." mahabang sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin.
"How about my other schedule?" tanong ko.
"Oum, I think that's all for today and para sa bukas naman po ay aayusin ko nalang." formal niyang sabi at ibinalik na ang hawak niyang folder sa desk niya at naupo na.
Napapikit ako. [STOP IGNORING ME, WOMAN!] What is this, memories again?
[I waited you--- *some blured memories* ]
[This is how you treat me huh?]
Tumayo ako saka lumapit sakaniya at tumingin naman siya sakin pero sandali lang... "Iniiwasan mo ba ako noon?" tanong ko dahil diko alam kung kay Ahluna ba ang memorya kung yon.
Tiningnan niya ako. "Bakit mo tinatanong?" tanong nito.
"Just answer, Ahluna." sabi ko.
"May mababago ba pag sinagot ko yan?" mahinang tanong nito at tumayo na saka ako iniwan na kinabuntong hininga ko nalang.
YOU ARE READING
MONTEVERDE SERIES: THE FORGOTTEN LOVE - COMPLETED [SYXLUNA BOOK TWO]
RomanceBOOK TWO