Ginising ko na nga si Ahluna nang makarating kami sa parking lot ng condo na tinutuluyan namin, agad kong inalis ang pagkakabit ng seatbelt ko at tiningnan siya na nagtatanggal na din ng seatbelt nito at bababa na sana siya ng pigilan ko ang braso nito.
Nilingon naman niya ako at hawak ko pa din ang braso nito, ibinaba ko ang kamay ko papunta sa kamay niya at napaayos ito ng upo at humarap sa akin. "May problema ba mahal?" tanong nito at umiling ako.
"Can we talk here?" tanong ko at tumango naman siya kaya huminga muna ako ng matagal saka tumingin sa kaniya.
"I just want to say sorry, Ahluna, for all the words na nasabi ko sa'yo this past few months, hindi ko lang talaga alam ang ire-react ko, naalala ko sila pero bakit sarili kong asawa at pagbubuntis mo hindi ko alam." sabi ko at napayuko ito kaya pinisil-pisil ko ang kamay nito.
"At first akala ko pinagtitripan lang nila ako or baka isa ito sa mga pakulo ni Mommy dahil mahilig siyang magpakilala sa akin noon ng babae na gusto kong pakasalanan, I thought isa ka don, na isa ito sa mga plano niyo pero pag nakikita ko ang mga litrato na tin together mas lalo akong nalilito." sabi ko at tinaas na nito ang tingin niya sa akin.
"I'm sorry kung nasaktan kita ng sobra, I really tried to remember everything pero---." Sabi ko saka natigilan at huminga ng malalim at naramdaman ko naman ang kamay nito sa pisngi ko.
"Syx, hindi mo kailangan madaliin ang lahat...hindi naman ako nagmamadali---basta wag mo lang akong iwasan." sabi nito kaya yumuko ako para halikan ang kamay nito saka tumango, napangiti naman siya sa akin.
"Let's start again even I don't remember you, subukan natin ang mga palagi nating ginagawa noon." sabi ko na kinatawa nito ng mahina.
"Anong nakakatawa?" nakangiti kong tanong kaya napakamot ito sa gilid ng ilong niya saka umiling habang natatawa pa din ng mahina kaya lalo akong napapangiti at tinitigan siya.
"Bakit ano bang palagi na ting ginagawa noon?" Tanong ko at umiling siya na parang inosente ito.
Sumilay naman lalo ang ngiti sa labi ko saka ako lumapit sa kaniya para idampi ang labi ko sa kaniya. "Ganto ba tayo palagi dati?" tanong ko nang mahiwalay ko na ang labi ko sa kaniya at ng tumango siya ay muli kong siniil ang labi niya, I gently grabbed her face while my thumb is rubbing on her... [only your kiss that I want to taste, forever]
Napangiti ako ng biglang pumasok sa utak ko ang alaalang yon, mukhang ito ang dapat kong gawin, ang mas palapitin ko ang sarili ko sa kaniya ng maalala ko na siya..ang sa amin.
"Syx." mahina nitong sabi at tiningnan ko siya at umiiyak na ito. "S-Sobra kong namiss ang halik mo.." mahinang sabi nito at niyakap niya ako ng mahigpit..
AHLUNA'S P.O.V
KINABUKASAN masaya akong pumasok dahil sabay kami ni Syxto, napansin ko naman ang mga tinginan nila sa amin pero sanay na ako dun.
Pagpasok namin sa opisina nito ay agad namang pumalakpak si Kieffer sa amin.
"Ito na ba ang simula ng Office lover?" pangaasar nito at sinuntok ko naman kunwari ang braso nito at nakita kong natatawa nalang si Syxto sa pangaasar niya.
"Mahal." tawag ko dito at tumingin naman siya sa akin at pinakita ko ang schedule niya sa kaniya ngayon.
Napasinghap naman si Kieffer at napahawak pa sa bibig niya na parang gulat na gulat pa sa nakikita.
"Lumabas ka nalang kung ayaw mong maging third wheel dito.' sabi ko at tinaas nito ang dalawang kamay niya na parang surrender na siya sa nakikita niya at lumabas na nga, kumibit balikat lang ako kay Syxto.
"What is this bakit may isa pang investor na Pistioso?" tanong nito at lumapit ako saka tiningnan yon.
"That is the mother of Mr. Pistioso and she also wants to invest here and I think gusto daw sana ngayon ka niya makausap dahil busy pa daw siya sa mga susunod na araw." sabi ko at tumango ito.
"Gusto mo ng coffee?" tanong ko at tumingin siya sakin.
"Yes, please." nakangiti nitong sabi kaya nagtimpla na nga ako ng dalawang kape dahil lumabas na si Kieffer.
_____
Ang usapan namin ni Mrs Pistioso ay 3:00 pm daw ng hapon pero wala pa ito kahit 3:10 pm na.
"Mahal, did she cancel the meeting?" tanong nito at napangiti ako sa pagtawag nito ng mahal at lumapit sa kaniya saka umiling.
"Pag wala pa kamo ito ng 3:30 ay i-cancel mo na yan---"
"Pero mahal, sayang din yan kung ika-cancel mo." sabi ko.
"Kung hindi ito on time hindi kami magkakasundo." sabi nito at napailing nalang ako at dahil minsan umiiral padin ang pagkamainipin nito.
"4:00 pm mahal!" sabi ko.
"3:30 pm, and that's a final." sabi nito saka ako kinindatan, argh!
Nakarinig naman ako ng mga tunog ng takong na mabilis na naglalakad.
"I'm sorry if I'm late, it's so traffic outside, hello everyone." nakangiting sabi nito na kinakunot ko.
"Sino po kayo, Ma'am?" tanong ko.
"I'm Scarlet Pistioso, daughter of Mrs Renia Pistioso." sabi nito at kumunot naman ang noo ko.
"But Ma'am, ang nakausap ko po ay si Mrs Pistioso kaya siya po ang kailangan makausap ni Mr Monteverde." sabi ko .
"Oh, c'mon, I am also a part of her company at siya na din ang nagsabi na ako na muna ang pumunta dahil she can't make it now because of some emergency---"
"Then cancel it." sabi ni Syxto na kinalaki ng mata ko, dahil baka pag kinansela nito ang meeting nila ay mag back out pa sila.
"Mr Monteverde---"
"What, do you want me to talk to her?" tanong nito sa mahina niyang tono at napatingin naman ako sa babae mula ulo hanggang paa at parang di ko nanaisin makasama ni Syxto ito sa loob ng opisina nito pero ayokong maging immature.
Tumango ako. "Ayos lang, wala ka namang ibang gagawin di ba na ikakabahala ko?" mahinang tanong ko din at natawa ito ng mahina sa akin saka seryosong tiningnan ang babae.
"Let's start." sabi nito at itinuro ko nga kay Ms Scarlet ang daan papuntang opisina ni Syxto.
SYX P.O.V
Habang nasa loob kami at nagmi-meeting ay nakatingin lang ako sa contract na binigay sa akin ni Ms Pistioso pero napansin ko ang pagcross nito sa hita niya at tumaas ang maiksi nitong skirt kaya agad kong tiningnan si Ahluna and she's clenching her fist at natatawang napailing ako saka tinuon ang tingin ko sa contract na hawak ko ng biglang lumapit si Ahluna at sinabing magba-banyo lang muna ito pero bago yun ay tinapunan muna niya ng masamang tingin ang kaharap ko.
Pagkalabas ni Ahluna ay napansin kong inalis nito ang leather nitong Jacket at agad kong tinaas ang kamay ko sa harap niya to stop her at napangiwi naman siya.
"So, why are you interested to invest in my company?" tanong ko habang nakatingin lang sa kontrata.
"Isn't obvious? I want to know you---"
"I have a wife." sabi ko at tiningnan siya, nawala naman ang ngiti sa labi niya.
"It's okay, we can be friends.." sabi nito at hindi ko siya pinansin.
"For now." sabi nito kaya tiningnan ko siya ng deretso at nilapag ang kontrata nila sa harap niya.
"Get out." sabi ko at natulala naman siya.
"C'mon, I'm just kidding." sabi ko.
"We're not close enough but your acting like that infront of my wife earlier paano pag nagtagal ka dito? So, get out." sabi nito at napaawang ang labi niya saka huminga ng malalim.
"Okay, I'm sorry. I won't do that again, my mom will gonna get mad to me kapag nalaman nitong tinanggihan mo ang offer namin." seryoso niyang sabi.
"Okay fine, but next time si Mrs Pistioso na ang ipapaharap mo sa akin dahil siya naman talaga ang nakausap ni Ahluna at hindi ko tatanggapin yan pag ikaw pa din ang susunod na makita kong ka-meeting ko." sabi ko dito at huminga siya ng malalim saka binalik sa akin ang kontrata at pinirmahan yon.
At tumayo na nga kaming pareho at nakipag kamay sa kaniya. "It's so nice to meet you, Mr. Monteverde." sabi nito at bago pa siya umalis ay kinindatan pa niya ako na kinailing ko nalang saka lumabas na para hanapin si Ahluna but she's busy talking to Ms Reena na kinairap ko nalang.
YOU ARE READING
MONTEVERDE SERIES: THE FORGOTTEN LOVE - COMPLETED [SYXLUNA BOOK TWO]
RomanceBOOK TWO