CHAPTER THREE

554 11 0
                                    

AHLUNA'S P.O.V
_______________

Lumabas nga muna ako para pumunta sa stock room para makapagpa-xerox ng mga gagamitin nila sa meeting ni Syx.

Paglabas ko ay nakasalubong ko si Kieffer na nakikipagharutan nanaman din sa mga Accounting dito.

Napataas naman ang isang kamay niya para mag Hi sa akin at natatawang umiling-iling ako.

"Bakit mo nanaman ba ako pinagtatawanan ha?" natatawa nitong tanong.

"Akala ko ba nanliligaw kana kay Alexa ha?" tanong ko at napakamot naman siya sa gilid ng tainga niya.

"Ano ka ba naman, saan mo naman nakuha ang tsismis na yan." Nahihiyang sabi nito kaya hinarap ko siya.

"So hindi ka nanliligaw sa kaniya?" tanong ko at umiling siya at pinaningkitan ko siya ng mata ko.

"E di sino yung sinasabi sa akin ng Mommy ni Alexa na umaaligid daw sa kaniya at nagpapadala ng mga kung ano-ano, hindi ikaw yon?" mapangasar kong tanong at napakunot ang noo niya.

"May umaaligid sakaniya?" gulat nitong sabi na kina tss ko nalang dahil halata namang may gusto siya kay Alexa e ayaw pang umamin.

"Ewan ko pero alam mo, kung ako diyan sa iba magmamadali na akong ligawan siya dahil baka maunahan pa ito." sabi ko na ang tinutukoy ay siya pero napailing-iling lang ito kaya natawa nalang ako. Sinamahan naman niya ako sa pagxerox .

"Kamusta naman pala kayo ni Syx?" Biglang tanong nito.

"Ewan ko nga eh ." sabi ko.

"I know he's remembering something, wag kang mawalan ng pag-asa..baka nalilito lang siya dahil hindi ka niya maalala.." sabi nito.

"Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, sumama lang talaga ang loob ko ng sabihin nitong hindi niya maramdamang mahal niya ako..." sabi ko at huminga ito ng malalim.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ako lang ang hindi niya maalala." sabi ko pa at tinapik nito ang balikat ko .

"Don't lose hope, okay." sabi nito at tumango ako.

__________

Habang nasa meeting kami ay tahimik lang ako na inaabot sa mga kausap nito ang mga copy ng sales last year then biglang ngumiti sa akin ang lalaking feeling ko ay kaedaran lang namin ni Syxto kaya medyo nailang ako dahil kanina pa din siya tinitingnan ni Syx at masama na ang awra nito.

"Are you new here beautiful lady?" tanong nito, palagay ko ay bagong investor to dahil mukha hindi nito alam na asawa ako ni Syxto,

"Not at all, Sir." sabi ko nalang at tatalikod na sana ako ng biglang hawakan nito ang kamay ko at sinabing.."Let's talk later." saad nito at hahalikan sana nito ang kamay ko ng...

"Hands off of your hand on my wife, Mr. Pistioso and Let's start the meeting." seryoso nitong sabi na may diin sa mga salita nito kaya naman agad kaming napalingon sakaniya at ng makita niya ang seryosong mukha nito ay agad na nitong tinaas ang dalawang kamay niya at agad humingi ng sorry.

"Call Kieffer and leave this room." sabi nito at aangal sana ako pero hindi nalang ako makikipagtalo dahil alam kong iba itong mainis.

Paglabas ko nga ay sinabi ko agad kay Kieffer na pinapatawag siya, huminga ako ng malalim at magtitimpla sana ako ng kape kaso wala na palang laman ang coffee machine ni Syx kaya kina Reena nalang muna ako kukuha at kapeng-kape na talaga ako.

"Hello po, Ma'am Ahluna." napalingon naman ako sa nagsalita at nakitang si Reena yon kaya napangiti ako at niyakap siya, ilang buwan din kaming hindi nagkita ng babaing to at masasabi kong nakakamiss din pala talaga ang pagkatsismosa at daldal nito.

MONTEVERDE SERIES: THE FORGOTTEN LOVE - COMPLETED [SYXLUNA BOOK TWO]Where stories live. Discover now