Two months passed ay naghahanda kami sa birthday ni Daddy Locco na gaganapin sa bahay mismo ng Monteverde family.
Actually ang daming bisita nito lalo na ang mga Amigo at business partner nila noon pa man.
Dumating din sina Kieffer at Alexa, at may masaya silang ibinalita sa amin ni Syx.
"We're engaged!" masaya niyang sabi na kinakunot ng noo namin. "Engaged? Kayong dalawa? Ni hindi niyo pa nga sinasabi na kayo na tas Engaged na agad kayo, baka bukas pagkita natin kasal na kayo." biro ko pa na kinatawa lang nila.
"Basta ha, dapat andon ka." sabi nito at tumango ako.
"Ikaw pa, kung hindi dahil sayo hindi ko makikilala si Syx." sabi ko pa at niyakap niya ako.
Bigla namang dumating si Migo with, Francis and Scarlet dahil part din naman kasi talaga sila sa company nina Dad.
"Good evening." bati nila sa amin, at nakipagkamay kay Syxto at agad bumeso si Francis sa amin ni Alexa na kinaningkit agad ni Syx pero kinindatan ko nalang siya.
Nakita ko naman si Scarlet na seryoso lang na nakafold ang mga braso, mukha siyang napilit lang na sumama dito.
"Where's Dad?" tanong ni Migo kay Syx at tinuro naman nito kung saan busy ito sa pakikipagusap.
"Stay here, don't do anything silly things, okay." mahinang sabi ni Migo kay Scarlet at umirap lang to at napangiti nalang ako, nagpaalam na nga sa amin sina Sir Francis and Migo. Aalis na sana ito ng lapitan ko siya. "What?" seryosong tanong niya at ngumiti ako.
"Gusto ko lang sanang mag-sorry." sabi ko dito.
"Sorry for what? Sorry dahil sinampal mo ako o sorry nalang for me dahil never mapapasaakin si Syxto." mahina niyang sabi.
"Hmm. Can I say, both?" nakangiti kong sabi at napairap lang ito.
"Masyado kang mabait kaya nakakainis, wala akong laban sa'yo, kung siguro ibang babae ka lang na malademonyo kung magisip katulad ko baka kahit magalit sa akin si Miguel ay tinuloy ko na ang plano ko." sabi nito at natawa ako ng mahina.
"Mabait ako?" tanong ko.
"Bingi ka ba? o sadyang gusto mo lang marinig na pinupuri ka." inis niyang sabi saka ako tinalikuran.
"Sandali lang, saan ka pupunta?" tanong ko.
"Sa h*ll, sasama ka ba?" tanong nito at lumapit ako sa kaniya at hinila siya sa bakanteng table at kumuha ng wine at binigay sa kaniya yon.
"Can we friends?" tanong ko.
"Sorry, hindi ako nakikipagfriends sa kaaway ko, at saka madami na akong friends, kaaway ang gusto ko." sabi nito at natawa ako.
"Sayang naman." sabi ko pa at ininom na nga nito ang wine na binigay ko.
"Bakit hindi ka umiinom?" tanong nito at umiling lang ako.
"Maybe you put something on my drinks, right?" mataray nitong sabi at umiling ako.
"Bawal sa akin, buntis kasi ako." sabi ko at natahimik naman siya at tumango.
"That's explained it." sabi lang nito.
Huminga ako ng malalim at nilahad ang kamay ko. "I'm Ahluna, nice meeting you." sabi ko at kinuha naman niya yon. "I'm Scarlet Pistioso, and I'm not glad to meet you." sabi nito at natawa lang ako.
"Nakakabaliw ba ang pagiging buntis ha? My god." sabi nito at umirap pa.
"So, paano pala kayo nagkakilala ni Migo?" tanong ko.
"And why are you interested ha? Do you have any feelings for him?" tanong nito at umiling ako.
"No, magkaibigan lang kasi kami noon, alam ko kasi hindi ito nagsasama sa mga spoild brat eh." nakangiti kong sabi na kinaawang ng labi nito at natawa nalang ako ng duduruin sana niya ako.
"Nagbibiro lang, ngayon alam mo na feeling ng nasasabihan ng masama, kaya maging nice ka nalang." sabi ko.
"Whatever, akala ko pa naman may feelings ka pa kay Migo para yun sana ang gagamitin ko para makuha si Syx." sabi nito at napailing nalang ako.
"Ilang taon ka na ba?" tanong ko dito.
"Better you won't ask." sabi nito saka iniwan ako at natawa nalang ako at lumapit naman si Syx sa akin at hinawakan ang bewang ko.
"What happened?" tanong nito.
"Wala, kinausap ko lang si Scarlet at nakakatuwa siyang kausap." sabi ko pa at napailing nalang si Syx sa akin sa mga pinag-gagawa ko.
CONTINUED
Maya-maya naman ay biglang dumating ang cake na ibo-blow nito.
"Wish, wish, wish!" sigaw ng mga bisita nito at natawa naman siya at itinaas ang isang kamay at pumikit saka hinipan ang cake.
"Wooooh! Happy birthday, Mr. Monterverde!" bati ni Kieffer na parang sira, lumapit naman kami para yakapin siya at para ibigay ang mga regalo namin.
"Happy birthday, Father!" sabi ni Migo saka ito hinalikan at inabot ang isang box na pahaba at agad nitong binuksan yon at isang neck tie yon, dahil hilig talaga nito ang mangolekta ng neck tie.
"Thanks, son." sabi nito at ngumiti lang si Migo saka tumingin kay Syx at kinindatan ito. Mukhang may paligsahan na magaganap ah.
Inabot naman namin ni Syxto ang regalo namin at kahit si Syxto ay hindi nito alam ang nilagay ko dun.
Binuksan na nga niya ang box at nilabas ang isang bonet na pangbaby habang may letter na nakadikit.
'Happy birthday, Lolo Locco! ♥︎ ' basa nito at agad lumingon si Dad sa akin at para naman itong maiiyak. "Magkaka-apo na uli ako?" tanong ko at tumango ako.
"May gift pa po dyan sa loob." sabi ko at umiling to.
"Hindi, ayos na sa akin to, everyone! Magkaka-apo na ako!" sigaw nito at tinaas pa ang wine nito at agad naman silang nagpalakpakan.
Niyakap naman ako ni Dad pati na din si Mom. "I'm so happy for you, sweetheart." sabi nito at tumango ako saka tiningnan si Syx.
"Hindi mo pinaalam sa kin yan ha." nakangiti nitong sabi.
"E hindi naman ikaw ang may birthday eh." sabi ko pa at niyakap din niya ako ng mahigpit.
"I love you, My wife!" sabi nito.
"Congrats bro, kahit ang daya non!" natatawang sabi ni Migo.
"May paligsahan bang nagagahanap ha?" tanong ko.
"Malamang." sabi naman ni Mommy kaya natawa nalang kaming lahat at tiningnan ko si Syxto.
I love you!
And, I love you more..
___________
The End ✨
BOOK 3 Abangan!
TITLE: Perfect match
Migo Monteverde!!!
YOU ARE READING
MONTEVERDE SERIES: THE FORGOTTEN LOVE - COMPLETED [SYXLUNA BOOK TWO]
RomanceBOOK TWO