Chapter 21: Mysterious Woman

30 5 0
                                    

21: Mysterious Woman

"PAKITAWAG NGA sila Azazel," utos ko sa secretary ko. Mabilis naman siyang sumunod dahil lumabas agad dito sa office. May iuutos lang ako sa tatlong fallen angels na 'yon. Alam ko ang ability nila in investing at alam ko ring hindi nila kayang i-resist ang extra money dahil marami silang longing magawa dito sa Earth. Sa planetang kasing ito, hindi ka makakakilos nang wala kang pera. 

Nakatatak pa rin kasi sa 'kin ang nangyari sa church nila Pastor Rey kahapon. Iniisip ko pa rin kung sino 'yong Lily Rose. She's a mysterious woman. Hindi mawala-wala ang curiosity ko in my mind. Kitang-kita ko kasi sa reaction niya na parang nadulas lang siya sa word na "again" tila hindi iyon ang unang pagkikita namin. Hindi naman kasi ako human para makalimot ng mga nangyayari. Bawat detalye ng mga naganap ay nasa utak ko-- kaya kong i-recite ang exact words na sinabi sa 'kin ng sinuman maging ang tono sa pananalita. Familiar ang mga Perez dahil isa sila sa mayayaman na malapit dito pero alam kong never pa 'ko naka-meet ng isang Perez.

"Busy pa kami, Lucifer. Hindi pa kami tapos maglinis," reklamo ni Azazel pagpasok niya dito sa office ko. Nagdikit-dikit agad sila na tila hindi mapaghihiwalay.

"Kaya nga. Tapos tatapak na naman ang mga mortal do'n sa kakalampaso ko!" naiinis na sambit ni Tamiel.

"I agree!" pagsuporta sa kanila ni Sariel.

Tumayo ako at napahawak sa dalawang corner ng table ko. "O-Okay," sabi ko na lang sa kanila at medyo natatawa sa mga reklamo nila. Tinuro ko ang pintuan. "Sige, balik na kayo sa mga trabaho n'yo. Pasensiya na sa abala. I guess, ayaw niyo ng extra budget na--"

"W-Wait," pagputol sa 'kin ni Azazel. Mukhang nakuha ko ang attention nila sa budget na word. "Magkaka-bonus kami? Makakatanggap kami ng pera maliban pa sa s'weldo namin?" excited niyang tanong.

I'm right.

"Ayaw n'yo naman, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Ang dami n'yong reklamo nang pinatawag ko kayo."

"Forget that, Lucifer. Game na kami," sambit ni Tamiel. Tinignan niya sila Azazel at Sariel na um-agree na sa kanya. "Ano ba ang papagawa mo sa 'min?" Sinabi ko na gagawin nila kaya tamang hintay na lang ako dito sa office para sa ibabalita nila sa 'kin. Agad silang lumabas sa office pagkasabi ko.

Habang hinihintay ko sila, iniisip ko pa rin talaga 'yong babae. Napa-dekwatro na 'ko sa kakaisip. "Kailan pa naging overthinker ang devil?" natatawa kong sambit sa sarili. Piniga ko na talaga ang utak ko pero wala talagang Lily Rose na information. Maybe, something is wrong with my powers. Baka talagang nagkamali lang siya sa paggamit ng salita. Iniisip ko na lang 'to para matigil na 'ko sa kakaisip tungkol sa kanya.

Nagbasa-basa muna ako ng mga binili kong libro dito sa office while waiting for them. Binabagalan ko ang pagbabasa para hindi ko agad maubos ang libo-libong libro na nandito. Nakatutuwa rin pala magbasa-basa ng novels dahil naiisip ko na napakalawak ng imagination ng humans. Ang gagaling ng authors sa likod ng mga nabasa ko. Mas binagalan kong magbasa sa novels kaysa sa informative books. Through their writings, parang naranasan kong ma-in love. Grabe lang kasi ang description ng pag-ibig na romantically sa novel na nabasa ko. "Ganoon pala ang feeling ng ma-in love. Hindi siya puro saya. I can't imagine myself falling for someone like that." Pagkatapos kong sabihin iyon, biglang nag-flash sa isip ko si Lucy. "No, I am not lying. I am incapable of loving romantically." Para akong ewan na kausap ang sarili. 

Kasama naman siguro sa curse ko ang hindi makapagsinungaling sa sarili, right? Right. 

Habang wala pa 'yong tatlo, nagpatuloy lang akong nagbasa. Kahit nandito lang ako sa kinauupuan ko, pakiramdam ko naka-travel na 'ko sa iba't ibang mundo dahil ang gagaling maglaro ng salita ang authors ng mga libro na binasa ko. Tunay ngang maraming natututunan sa pagbabasa.

The Tale of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon