Chapter 38: In the Garden

15 4 0
                                    

38: In the Garden

NANDITO NA AKO sa garden ni Warren. Ang lamig ng simoy ng hangin dito. Medyo sumasayaw ang mga puno at maging ang mga dahon ng halaman dito. Dumadampi ang lamig sa 'king pisngi. Dito sa bansang kasi 'to, every December ay talagang lumalamig na. Tumingin ako sa relo na suot ko, mag-a-alasyete na ng gabi. Tumingala ako-- ang sarap titigan ng mga bituin at buwan. Ang peaceful ng vibes dito sa garden, kaso knowing what will happen-- nah, hindi pala peaceful dito.

Nag-cellphone ako saglit para i-text si Lily kung kumusta siya. Isa rin siya sa mga inaalala ko. Napaupo na lang muna ako sa mahabang upuan at pinagmasdan sila Warren pagkatapos kong kumustahin si Lily.

Nag-se-setup na si Warren ng campfire; nagtatayo ng tent si Pastor Ethan; naghahanda ng plato at kutsara si Nathan. Kaya ang ginawa ko, umalis ako at pumasok sa bahay ni Warren para pupunta kunwari sa bag ko, pero ang gagawin ko ay mag-fo-form ng pagkain sa kamay-- isang medyo malaking lalagyanan na may laman na pansit. 

Dala-dala ko 'yon pabalik sa kanila. Nilapag ko 'yon sa mesa na nandito sa garden. Nakita kong may dala-dala rin si Pastor Ethan na pagkain-- iba't-ibang klase iyon ng puto na nasa bilao. "Kain na tayo niyan maya-maya," sambit sa 'min ni Pastor Ethan habang tinatanggal ang supot ng puto at inayos din niya ang pansit na dala-dala ko.

"Ang bango naman ng pansit," komento niya habang binubuksan ang lalagyanan. Naamoy niya kasi ito habang hinahanda. "Luto mo 'to, Lu?" tanong niya sabay turo sa pansit. Lu nga pala ang tawag niya dahil uncomfortable siya sa pangalan ko.

Akala mo naman, mamamatay siya kapag binanggit niya ang pangalan ko.

"I made that," sagot ko na lang sa kanya dahil 'di ko naman luto, kundi ginawa lang ng powers ko to create everything na naiisip ko.

"Oh," reaction niya. "I can't wait to taste this." Inilapit niya pa 'to sa mukha niya tila sabik na sabik matikman. "Ang galing mo naman magluto." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

Pinagmamasdan ko ang paligid pagkatapos ng usapan sa pansit; 'di talaga aakalain na may ahas sa garden na 'to. Naalala ko tuloy bigla ang garden of eden, iniisip nila na isa akong ahas habang inaalok ang prutas na 'yon. Masama ang tingin nila sa ahas at ginagawa iyong masamang symbolism. Hindi naman masama ang intention ko, pero iyon ang nangyari-- sufferings. Gusto ko lang naman kasi malaman ng humans ang katotohanan sa likod ng lahat, pero ikakapahamak pala nila. Sinungaling kasi si ama; sinabi ba naman niya na mamamatay sila kapag kinain 'yon.

Hmp. Stop thinking about that, Lucifer. Past is past.

"Ang lalim ng iniisip mo, Lu." Napatingin ako kay Pastor Ethan na abala pa rin sa ginagawa niya. "Huwag mo muna isipin ang mga problema. Mag-enjoy ka muna ngayon. Bukas mo na isipin 'yan. I-surrender mo lang ang lahat sa Diyos at siya ang bahala sa 'yo," sambit niya sabay tingin sa taas at ngumiti sa 'kin.

"I don't think so. He hates me," mahina kong sabi.

"M-May sinabi ka ba?" tanong niya sa 'kin tila narinig niya ang boses ko.

"Oh, don't worry about--"

"Ano'ng don't worry?" kunwaring naiinis na sambit niya. Binaba niya ang tools na ginagamit niya to set up 'yong malaking silungan namin kung sakaling umulan. Tapos na siya sa tent na magiging tulugan. Nilapitan niya ako pagkatapos no'n. "Believer ka ba?" tanong niya sa 'kin sabay akbay niya.

"I know there's God," sagot ko sa kanya.

Tinignan niya ako sa mga mata. "Surrender to him," sambit niya sa 'kin sabay ngiti ulit. "Huwag mong labanan ang boses niya."

I will not surrender to him. Higit sa lahat, since the moment I know there's hell and about the imperfection in the creation of humans, I am rebellious.

The Tale of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon