Chapter 23: Mission

15 4 0
                                    

23: Mission

Lilith

NAKAUPO LANG ako ngayon dito sa loob ng office ni Lily Rose. Nagbabasa-basa ako ng files niya rito upang mas maintindihan ang buhay ng katawan na ginagamit ko. Ang hirap-hirap kaya magpanggap bilang ibang tao, kaya need ko ng maraming information tungkol sa kanya. Isang pagkakamali lang, mahahalata na 'ko. This was suggested by Angel Uriel-- magbasa ako nang magbasa. I know how to read because of Lucifer. Tinuruan niya ako noon na magbasa dahil na-curious ako kung paano magbasa-- may nakita kasi akong soul na basa nang basa ng mga libro kahit nasa hell siya. Mabuti na lang at nagagamit ko ngayon ang pagiging curious ko noon.

Gagawin ko ang lahat, makasama ka lang, my Lord Lucifer.

"Babae!" May nagtawag sa 'kin kaya napasara ako bigla ng files dahil sa gulat. Lumingon ako sa kaliwang side ko at napahawak na lang ako sa dibdib. May mga nahulog na papel sa pagdating niya.

"Raphael naman!" naiinis kong sigaw sa kanya. Tinignan ko siya nang masama habang nagpupulot ng mga nahulog niya. "Gusto mo bang mamatay ako sa gulat? Ilang beses mo na akong ginaganito. Nabasa ko pa man din na may inatake sa puso dahil sa gulat!" Inayos ko lang saglit ang mga papel. Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko sa pagkairita ko sa kanya. Utang na loob ko sa kanya na nakakatungtong ako dito sa Earth, pero hindi niya dapat ako tratuhin nang ganito.

"Huwag kang mag-inarte diyan. Baka nakalilimutan mong angel of healing ang kasama mo!" Tinuro niya nang madiin ang sarili. "Huwag ka kasing sobrang mag-alala. Parang wala kang tiwala sa 'min dahil diyan sa inaasta mo."

"Hindi sa ganoon. Sana, huwag mo 'kong ginugulat."

"Wala akong pasensiya, babae. Gawin mo na 'yon as soon as possible. Hindi dapat nahahalo ang divine things sa humanity. Sadyang rebelde ang fallen na 'yon at nakikihalubilo siya sa humans." Ang haba ng sinabi niya at napakusilap ako.

"Bakit ba kasi sa 'kin n'yo pa 'to pinapagawa? Kung tutuusin, kayang-kaya n'yo namang kunin ang bracelet na 'yon sa kanya. Kahit noon pang pagtungtong niya sa Earth--"

Natawa siya nang malakas sa sinabi ko. "Naririnig mo ba ang iyong sinabi, babae? Hindi mo makakasama ang fallen na 'yon kung hindi ikaw ang kukuha!" Tinuro niya ang bintana tila nandoon si Lucifer. "Bobo ba talaga kayong mga babae, ha?" Ako naman ngayon ang tinuro niya.

"Misogynist ba talagang kayong mga angel, 'no? Well, except for Lucifer..." Siya naman ang dinuro ko ngayon dahil sa inis. "Sa bagay, mana lang naman kayo sa ama ninyong lumikha ng lahat," mahina kong sambit pero nakita kong nag-iba ang expression ng mukha ni Raphael dahil narinig niya.

"Don't you dare disrespect my father, babae. Sino ka sa akala mo, ha?" Tumaas ang boses niya at dama ko ang galit niya sa sinabi ko. Matindi niya akong dinuro at tinignan mula taas pababa. "Sa bagay, humans love to disobey him kahit wala naman siyang ibang ginawa kundi mahalin kayo!"

"M-Mahalin?" natatawa kong sambit sa kanya. Ang tono ng boses ko ay hindi makapaniwalang minahal niya ang humans, lalo na ang mga babae. Hindi lang ako nagpasakop kay Adam, pinatapon na niya ako sa hell. Higit sa lahat, nabanggit sa 'kin ni Lucifer ang pagiging misogynist ng holy book na associated sa kanilang ama. "Seryoso ka riyan, Raphael?"

"How dare you to question his love--"

"How dare your father, too!" matapang kong sabi sa kanya sabay turo sa taas. Nagulat siya dahil ang lakas ng loob kong putulin ang pagsasalita niya. "Alam na nga niya ang mangyayari-- na mag-su-suffer kami dito sa ginawa niyang planeta, pero nilikha niya pa rin kami!"

Nakakunot ang noo niya. "Kasalanan 'yon ng fallen naming kapatid-- hindi ng ama kung bakit kayo naghihirap! Pinapasok niya ang kasalanan dito sa mundo n'yo," depensa niya sa 'kin.

The Tale of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon