Chapter 26: Gathering

16 5 0
                                    

26: Gathering

Lucy

NAKAUPO AKO ngayon dito sa loob ng office ni Lucifer-- Sir Morningstar. Kailangan kong sanayin ng with sir ang pag-address sa kanya dahil boss ko na siya. I need to train myself calling him like that for manners and respect for him. He deserves to be respected because he earned it since not everyone deserves respect. Ayon sa k'wento ni Lyka, he treats his employees well. Favorite man niya ang Lucifer character sa bible, pero he's not evil at all. He's good and like an angel in the bible. Sabagay, Lucifer was the angel of light sa belief nila. By that, if their God belief is real, Lucifer is not as bad as other people thinking about him since he was an angel.

Why am I wasting time thinking about him? Gising, self!

Tinapik ko ang pisngi ko para ibalik ako sa reality. Nakaupo ako at kaharap ngayon ang computer na ginagamit ko for work. Ni-sta-start ko pa lang ito. Sumindi na at hinihingi ng computer ang password. Napatayo na lang ako sa kinauupuan dahil alam na alam ko ang code kahapon, pero nakalimutan ko kaya umalis ako sa harapan ng computer at naglakad para hanapin si Lyka, 'yong secretary ni sir dahil ang bilin sa 'kin, kapag may tanong ako about sa computer, sa kanya ako lalapit. "Kukuha na nga ako ng sticky note at doon ilalagay ang password," naiinis kong sabi sa sarili. May nakita akong sticky notes sa desk kaya kinuha ko na pati ballpen. Nakapagtapos si Lyka sa kursong IT, pero mas malaki raw kasi ang pasahod ni Sir Morningstar kaysa sa dati niyang work kaya nagbakasakali siyang mag-apply dito dahil kulang daw for her ang sahod niya dati since she's supporting her family, and unexpectedly, natanggap siya.

Marami na kaming napagk'wentuhan, pero hindi ko binabanggit ang about sa atheism dahil nakaka-trauma na ang mga nangyari sa past-- pinangdidirihan ako at sinasabihan ng masasakit na salita dahil sa stand ko. Ayo'ko ng masira ang relationship ko sa paligid nang dahil lang do'n. I am really vocal about it, pero siguro, mas peaceful nga talaga kapag hindi na ibi-bring up pa dahil nasa religious country ako and nakakadala na ang mga nangyari sa 'kin. Hindi ko kinakahiya at hindi sa 'di ko na ma-i-stand ang atheism, pero kailangan kong ilugar iyon dahil walang lugar sa bansang ito ang pagiging atheist.

Basta wala kang God sa buhay mo, cancelled ka.

Demonyo or masama na agad kami sa paningin ng religious people without considering how we live. Wala kaming inaapakang tao. Ang daming religious diyan, pero, ayo'ko na lang magsalita about sa pag-uugali nila. May mga tao pa nga na ginagamit ang fictional character na God para magmukhang righteous. Mabuti pa nga sila, p'wede i-broadcast ang beliefs nila kung kani-kanino... kapag ang atheist ang gumawa no'n, hate speech ang kalalabasan dahil we've offended their beliefs. Life isn't fair.

Ang akin lang, hindi ang religion ang basehan ng kabutihan, kundi ang actions mismo ng isang tao.

Ang daming nag-message sa 'kin sa Facebook na mga pag-curse sa 'kin or pagbabanta, like 'yong go to hell dahil lang sa kinuk'westyon ko ang Diyos nila. I can't understand what excites them about sa maparusahan at masunog ako sa hell-- akala ko ba, loving ang believers? Some of them, wishing me to have cancer or malalalang sakit at bumagsak nang matindi sa buhay para daw i-seek ko ang Diyos nila. Halata talagang vulnerability ang ginagamit nilang key para maniwalang may Diyos ang isang tao, eh. It's all manipulation. Ang dami nilang sinusumpa ako. May mapipilit talagang believers na i-preach sa 'kin ang Gospel or salvation sa kahit ano'ng paraan, kahit magmukha na silang masasamang nilalang.

Lintik kasing viral na video ng sagutan namin ni Ate Joy sa luxstar. Sinasabi ng ibang nag-message na ipagdadasal daw nila ako, as if namang they really meant it or babaguhin ng Diyos na 'yan ang original plan niya para lang sa prayers nila. Ang sabi pa ng iba, akala mo kung sino raw akong matalino dahil feeling ko raw, mas matalino ako kaysa sa Diyos nila. Marami rin nagtanong like kung paano ako naging non-believer, what made me to turn back-- may nag-investigate sa 'kin sa Facebook at nakita niya na naka-tag ako sa ministry posts and even sa page ng former church ko. Ni-pi-pic at vid kasi ang activities namin sa church. Pinag-usapan nila 'yan online. Marami ang curious dahil dati akong devoted, pero I end up being atheist. Sa inis ko, wala akong ni-reply-an at wala rin silang mapapala sa timeline ko dahil private ang posts ko.

The Tale of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon