Pick Me

622 6 2
                                    

Characters:

Bea Gonzales – ay isang 15 year old girl, na pag-aagawan ng magbestfriends na si Derrick at Jake. Siya ay isang transferee sa school na pinupuntahan nila Jhake at Derrick. Siya ay isang mahusay na taekwondo athlete At may kapatid na nagngangalang Barbie.

Jhake Gutierrez –  16 year old, siya ay isang basketball player, at matalik na kaibigan ni Derrick. May kabarkada siya na nagngangalang Kris.  

Derrick Mosquera – 16 year old, ang bestfriend ni Jhake, na isa ring player ng basketball.  Na makikipag-agawan kay Jhake kay Bea.

Barbie Gonzales – ay isang 14 year old girl, na kapatid ni Bea.

Kris Martinez, Joyce Marquez, at Joshua Dela Serna  16, 15, 15 years oldang mga kaibigan at kabarkada nila Derrick at Jhake, na magiging kabarkada rin nila Bea at Barbie.

Lexi Veńegas – ay isang 16 year old na magkakagusto kay Derrick. At magiging kaaway ni Bea.

Derrick’s POV

“Ano ba naman to si Jhake oh? Sabi ko 5:00 pagkatapos ng klase, kanina pa ako naghihintay dito eh.” Sabi ko sa sarili ko, habang nakaupo ako sa isa sa mga upuan doon sa gym.

Kakasimula lang ng school year namin, almost two months palang kami nagsimula pumasok. Pero nag-eensayo na kami agad para sa laban namin sa basketball, laban sa isang school.

Tumayo muna ako galing sa pagkakaupo ko, at nagdribble-dribble muna ako ng bola. Pinayagan kasi muna kami ng coach namin na maglaro ng basketball dito ni Jhake, at makakatulong din naman daw yun para sa pag-eensayo namin para sa laro namin sa susunod.

Napansin kong papunta dito si Coach Reyes. Si Coach Reyes ang coach ng mga athlete sa taekwondo.

“Good afternoon po, Coach” bati ko sa kanya.

“O, good afternoon din sayo, Derrick.” Sabi niya sa akin.

“Ano ginagawa mo dito? Diba kanina pa uwian nyo?” Tanong niya sakin.

“Ah, maglalaro po sana kami dito ni Jhake eh. Tiyaka sabi po ni Coach makakatulong din naman daw po yun sa laban namin sa kabilang school.” Sagot ko.

“Ah, ako kasi may hinihintay akong estudyante eh. Rineready ko siya para sa laban niya sa susunod sa gym na ito, laban dun sa isang estudyante sa isang paaralan” Sabi niya.

"Transferee siya sa school na to. May papakiusap lang ako sa'yo Derrick, pwede mo ban ipasyal-pasyal siya dito sa school bukas?" Tanong niya sakin.

"OK, po coach. Wala naman po akong masyadong gagawin bukas eh." Sabi ko.

Sana lang pagbabae, sana maganda siya. :D

Napatingin siya dun sa pintuan ng gym.

“Oh, nandito na pala siya eh.” Sabi niya.

May babae na pumasok dun sa gym.

Pagkatingin ko sa kanya, natulala ako. Ang ganda niya tol. Anak ba siya ni Aphrodite? Parang na-love at first sight ako dun ah.

Naka-pony-tail yung buhok niya, naka black siya na t-shirt at jogging pants, at naka-converse.

“Good afternoon po Coach. Sorry po na-late ako.” Sabi ng babae.

“OK, lang yun. Wag ka mag-alala. Handa ka na ba?”Tanong niya sa babae.

“Oh, Derrick ito pala si Bea. Bea, si Derrick” Pakilala niya samin.

Inabot niya sakin yung kamay niya. Inabot ko din yung kamay ko, at nagshake-hands kami.

“Hi. Nice to meet you” Sabi ni Bea.

“Um…. H-h-h-hi” Sabi ko. Ano ba yan Derrick? Pull yourself up together, man?

“OK, ka lang?” Tanong niya sakin.

“Oo, O-k-k-k, Ok lang ako” Sagot ko. Ano bay an papuputol-putol pa rin pagsagot ko.

Nginitian niya na lang ako, tapos tinapik ako ni Coach Reyes sa likod.

“Sige, Rick. Una na kami ha” Sabi ni Coach sa akin.

“Um… sige po” Sabi ko.

Sana lang hindi siya na weirdohan sa akin.

Pagkailang minute nakapunta na sila sa kabilang part ng gym.

“Wow” Nasabi ko ng malakas.

“Anong, ‘wow’?” May nagtanong sa akin.

Pagkalingon ko nakita ko si Jake.

“Oh, pre, Ikaw pala. Hindi ko napansin dumating ka na pala.” Sabi ko.

"Eh, pano mo ko mapapansin, eh tulalang-tulala ka diyan" Sabi ni Jhake sa akin.

At naghand-shake kami.

“So, ano nga yung ‘wow’ na yun?” Tanong niya sa akin.

“Anong ‘wow’?” Tanong ko din sa kaniya.

“Yung kanina, napakinggan ko nagsabi ka ng ‘wow’ eh, pagpasok ko dito”

“Ah, wala yun” Sagot ko sa kanya.

“Weh, di nga. Tulalang-tulala ka diyan eh.”

“Wala nga eh” Sabi ko.

Then, I decided to change the subject. Mamaya mabuking niya pa kung bakit ako nag’wow’.

“Basta wala yun, bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sayo ah?” Sabi ko sa kanya.

“Eh, di ba nga umuwi pa ko. Maaga sana ko makakabalik dito, kaso nga lang natraffic kami ni Dad eh” Sagot niya.

“Sabi ko kase sayo, bro, eh. Dapat dun mo nalang ilagay sa locker yung gamit mo eh” Sabi ko sa kanya.

“Oo na, Oo na. Sa susunod dun na ko maglalagay ng gamit ko” Sabi niya.

“Sige. Game na?” Tanong ko sa kanya.

“Game” Sagot ko.

At nagpunta na dun kami sa may gitna ng gym, at nagsimula na kami maglaro.

Sana magkita kami ulit ni Bea sa susunod. Sana lang…

****************************************************************************************************

So, yun na yung first chapter ng story ko. Hope na nagustuhan niyo. :D Pagmagustuhan niyo, susubukan kong gawing masmahaba pa yung susunod na mga chapters.

Pick Me (WRITER'S BLOCK) (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon