DERRICK AND JHAKE'S COMPETITION (part 1)

106 3 0
                                    

PICK ME

DERRICK & JHAKE’S COMPETITION

-DERRICK-

Papunta ko ngayon sa gym, pupuntahan ko kasi si Bea eh. Siyempre si Bea yung pinupuntahan ko dito, alangan naman na si Coach.

Pagdating ko sa gym, nakita ko agad si mokong A.K.A. Jhake. Umupo din ako, one seat apart sa kanya. Kaya ganito yung pwesto namin:

Jhake               Ako

Wow, may black-eye pa rin pala siya ah. Patago-tago pa sa sunglass kita naman. Maasar nga mamaya.

Hindi kami nag-usap hanggang matapos si Bea sa training. Muhkang pagod siya, buti na lang may dala kong tubig at pagkain, para kahit papano matanggal konti yung pagod niya, kaso nga lang si mokong parang may dala rin.

“Hi Bea” - JHAKE & DERRICK

“Hi Jhake, Derrick” - BEA.

“Upo ka dito Bea oh” - JHAKE.

Tinuro niya yung upuan sa kaliwa niya. Pero hindi naman  ako papayag na basta-basta lang na sa kanya lang tatabi si Bea. Kaya sinabi ko:

“Bea, dito ka oh” - DERRICK.

Tinuro ko naman yung upuan sa kanan ko.

“Dito na lang kaya ako uupo” - BEA.

Umupo siya sa gitna namin ni Jhake. Kaya naging ganito yung pwesto namin:

Jhake Bea Ako

OK lang na katabi siya ni mokong, katabi ko rin naman siya eh.

“Bea oh” - JHAKE.

Tapos inabutan niya si Bea ng face towel.

‘Pano ko yun nakalimutan?’ Sabi ko sa isip ko. Tumingin ako kay Jhake, tapos nginisian niya ako.

Loko tong mokong na to ah.

“Thanks” - BEA.

Tapos nagpunas na siya ng pawis niya, kala ni mokong siya lang ah. Kala niya lang.

“Bea? Gutom ka ba?” - DERRICK.

“Oo eh. Kakagutom yung training ni Coach para samin eh. Malapit na daw kasi yung competition namin.” - BEA.

“Eto oh. Binili ko to para sayo” - DERRICK.

Inabutan ko siya ng pagkain. Tiningnan ko si mokong, tapos nginisian ko siya.

1 point for me. Habang kumakain si Bea. Nag-aasaran kami ni Jhake.

Siyempre mga sign lang yung ginagamit namin, alangan naman magsalita kami, mapakinggan pa kami ni Bea eh.

Eto yung asaran namin:

DERRICK = LOSER SIGN

JHAKE = BLEH. :P

Kaso nga lang tiningnan kaming dalawa ni Bea, kaya tumigil kami sa pag-aasaran.

Nginitian lang namin si Bea.

Pagkatapos ni Bea kumain , inabutan naming dalawa ng bote ng tubig si Bea. Tumingin siya sa dalawang bote na hawak namin ni mokong. Kinuha niya yung dalawang bote.

“Dalawa na lang kaya kunin ko. Thanks sa inyong dalawa ha” - BEA.

 “You’re welcome” - DERRICK.

Pick Me (WRITER'S BLOCK) (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon