MAY THE BEST MAN WIN

78 1 0
                                    

MAY THE BEST MAN WIN

-JHAKE-

“Dad, matanong lang. Paano mo linigawan si Mama?” tinanong ko si Dad. Wala kasi kong masyadong alam dun eh. Hehe. Pumayag pa naman na si Bea na ligawan ko siya. Kaso nga lang pati si Derrick pinayagan niya rin eh. Bale, siguro naman may chance pa ko. Hindi pa naman silang dalawa diba?

“Bakit mo natanong? May liligawan ka na ba?” tanong din sakin ni Dad.

“Ah…eh…Opo Dad eh” sagot ko sa kanya. Mukha siyang nasurpresa.

“Wow, binata na talaga tong unico iho ko oh.” Sabi ni Dad sakin. Nginitian ko siya.

“So, ano na Dad, pano mo po linigawan si Mama?” tanong ko sa kanya. Nag-isip siya ng ilang minuto, siguro naman ang tagal-tagal niya na nanligaw kay Mama, kaya kailangan niya pa yun pag-isipan.

“Well, yung ginawa ko nung nanliligaw ako sa mama mo, ay palagi ko siyang hinihintay sa school niya. 1st year college  na kasi ako nun eh, siya 4th year high school pa lang. Tapos pagdating niya naman sa gate ng school may hawak akong kartolina, na nakasulat ‘I Love You’, haha ang cheesy noh. Tapos sinisigurado kong may oras ako para sa kanya araw-araw. Yun, tapos tingnan mo ngayon, effective di ba?” kuwento sakin ni Dad.

“Eh, pano Dad, kung may karibal ka?” tanong ko kay Dad.

“Diyan wala kong alam, bakit may karibal ka ba?”tanong niya sakin.

“Opo, Dad eh. Naalala niyo po ba yung kaibigan niyo po na si Mr. Mosquera, yung anak niya pong si Derrick, yun po yun” sabi ko sa kanya.

“Ah yun, wag kang mag-alala anak, siguradong-sigurado ko, sayo mapupunta kung sino man yung nililigawan mo. Teka, sino nga ba yung liniligawan mo?” tanong niya sakin.

“Ah, si Bea po Dad, transferee po siya sa school” sabi ko sa kanya.

“Hindi ko pa yun kilala ah, pakita mo sakin pahinatid kita sa school bukas ha” sabi ni Dad.

“Sige po Dad. Salamat po sa tulong, Dad ha” sabi ko sa kanya.

Nag-nod siya. Tapos umalis na ko sa upuan ko sa sala. Tapos dumiretso na ko sa kwarto ko. Inisip ko yung mga sinabi ni Dad, yung kung paano niya niligawan si Mama. Kaso nga lang pag  ginaya ko yun, tapos wala man lang akong ibang diskarte, pag malaman naman ni Derrick, baka sabihin niya wala akong originality.

Ano bang magandang gawin? Kakantahan ko ba siya? Gagayahin ko ba yung ginawa ni Dad? O, magpick-up line ako?

Eh, pano kaya kung pagsamahin ko yung tatlo na yun? Haharanahin ko siya, gagayahin ko yung ginawa ni Dad, tapos magpi-pick -up line pa ko. ULTIMATE COMBO na yun oh. Yun na lang gagawin ko.

Mamaya na lang siguro yun, papasok na muna ako sa school, mamaya ma-late pa ko eh.

-DERRICK-

Buti na lang pinayagan na ko ni Bea na manligaw sa kanya, kasi yung mga barkada ko puro na may girlfriend tapos ako wala pa. Baka mamaya mang-asar sila na bading ako  kasi baka pagkamalan nilang wala pa kong naging crush, o wala pa kong gustong ligawan.

Yung haharanahin ko na lang siya, with chocolate pa. Diba ganun naman yung ginagawa mostly ng mga manliligaw?

Sana nga lang magustuhan ni Bea yung ganun, mamaya kasi kakanta-kanta ako diyan, tapos hindi niya naman gusto yung mga ganun. Siguro naman gusto niya yung mga ganun, nakikita ko naman sa school yun eh. Tuwang-tuwa naman yung mga babae pagkinakantahan sila, wagas pa nga sila makangiti eh, abot tenga.

Buti nga rin nakaisip na rin ako, basketball match na kasi namin bukas eh, laban sa kabilang school; baka mawalan na ko nang oras mag-isip para dun. Eh di pangit naman yun, baka nakaisip na si Jhake tapos ako wala pa. Mamaya bawiin na lang ni Bea yung sinabi niya na pwede na kong manligaw sa kanya, ayoko naman nun noh.

Tinanong ko na rin si Dad, ganun lang din naman daw yung ginawa niya eh para kay Mama, kaya ganun na lang din gagawin ko, effective naman kay Mama eh.

Ang problema nga lang anong kanta yung kakantahin ko?

Bala na nga pupunta na nga muna ko sa school, mamaya mahuli pa ko sa class eh. May practice pa naman kami mamaya, baka pagalitan pa ko ni Coach eh.

SA SCHOOL…

-JHAKE-

“Oh, iho, nandiyan ba si Bea? Diba sabi mo sakin ipapakilala mo siya sakin?” tanong sakin ni Dad.

“Hindi ko pa nga alam, Dad kung nandiyan na siya eh. Check ko lang po” sabi ko kay Dad. Linabas ko yung ulo ko sa bintana ng kotse. Linibot ko yung mata ko, tumingin ako banda sa may gate, o sa mga grupo ng estudyante na nakatayo at nagkukwentuhan. Tumingin ako sa likod at harap ng kotse, baka makita ko si Bea.

Ilang Segundo pa, nakita ko na rin siya. Nandun siya nakatayo nagbaba-bye siguro sa parents niya sa sasakyan nila.

Pinasok ko yung ulo ko ulit si kotse. Kinalabit ko si Dad.

“Yun po siya Dad, oh” sabi ko kay Dad, tapos tinuro ko sa kanya si Bea.

“Saan?” tanong sakin ni Dad. Tinuro ko ulit sa kanya si Bea, para makita niya talaga si Bea.

“Ah, yun. Yung naka bag na color violet?” tanong sakin ni Dad. Nag-nod ako sa kanya.

“Opo, Dad” sabi ko sa kanya.

“Good choice, anak ah. I’m impressed” sabi sakin ni Dad, nang nakangiti.

Salamat naman natuwa siya, kala ko kung anong sasabihin ni Dad eh.

“Thanks, Dad” sabi ko sa kanya.

“Sige, Anak. Pumunta ka na dun, mamaya ma-late ka pa sa school eh. Tapos maunahan ka pa ng Derrick na yun” sabi ni Dad.

“Opo, Dad. Bye po” sabi ko. Tumango siya sakin.

Naglakad ako papuntang school, tapos nakita ko si Bea na maraming hawak na libro. Matulungan nga.

“Oh, Bea. Matulungan na kita diyan.” Sabi ko, tapos kinuha ko yung mga libro na hawak-hawak niya.

“OK lang?” tanong niya sakin.

“Siyempre naman, basta ito tandaan mo. Malakas ka sakin. Kahit ilang libro pa pahawak mo sakin, hahawakan ko. Basta para sayo” sabi ko, may kasama pang ngiti.

“Sus, may ganun. Lika na nga, puro ka kalokohan eh” sabi niya sakin. Tapos naglakad na kami papasok ng school campus.

************************

Ito na po yung update ko ngayon. Sorry po kung walang part na nagtanong sila Jhake at Derrick kung pwede manligaw, wala po kasi kong maisip.

J

Ang tagal ko po nag-update,  sorry po dun. Hehe. Wala po kasi akong ideas eh. J Siguro bukas po ako mag-aupdate ulit.

Tapos yung sa story ko pong ‘SUPER ACADEMY’, baka matagalan po yung first chapter nahihirapan po kasi ko mag-isip ng ideas eh. J

******************************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pick Me (WRITER'S BLOCK) (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon