SOCCER - JHAKE -

99 3 1
                                    

-JHAKE-

Saturday...

Ang bilis ng araw no? Saturday na agad. Buti nga yun eh, wala na namang pasok. Hehe. Ganyan talaga ko katamad pagdating sa mga bagay-bagay tungkol sa school.

So, yun na nga naglalakad-lakad ako malapit sa park. Wala naman kasi akong magawa sa bahay eh. Si Dad at si Mama kasi palagi na lang nagtatrabaho.

Kung seswertehin, hindi sila pumupunta sa work ng Sunday. Pero, mostly pumupunta pa rin sila eh. Sanay na naman ako. Boring nga lang sa bahay kasi pati si Ate, nasa college na, tapos nagdodorm pa siya, kaya yun, wala rin siya mostly sa bahay.

Habang naglalakad-lakad, ako biglang may tumamang bola sa ulo ko.

"GAH! ANG SAKIT!" Napasabi ko ng malakas.

Napahiga ako nung tumama yung bola sa ulo ko. Totoo lang ah, ang sakit. Parang bolang bato, haha joke lang. Pero totoo lang ah, ang sakit.

Umupo ako habang hinahawakan ko yung ulo ko.

"Sorry ah, hindi ko sinasadya" May narinig akong nagsabi. Pagkalingon ko, may nakita akong babae, na papunta sa akin.

Hindi ko, masyadong makita yung mukha niya eh, siguro dahil yun sa pagkatama ng bola sa ulo ko.

'Sorry, sorry, hindi ko siya mapapatawad. Muwahahahahahaha!' Sabi ko sa isip ko. Ang sakit kaya, tapos ganun ganun lang yun.

Nung luminaw yung paningin ko. Nakita ko yung itsura ng babae.

'OK, binabawi ko na yung sinabi ko kanina'.

Lumapit siya sakin, tapos sinabi niya:

"Sorry, talaga ha." Sabi niya sa akin.

"Wala yun, pabayaan mo na lang yun. Hindi naman masakit eh" Palusot ko bigla.

Inabot niya sakin yung kamay niya, para tulungan akong tumayo. Inabot ko din yung kamay ko. Tapos tumayo ako.

"Hindi masakit? Napakinggan nga kita kanina, sumigaw ka pa nga na masakit, tapos sasabihin mong hindi masakit? . Haha. Joke lang. Ako pala si Bea" Sabi niya sakin.

"Jhake" Sabi ko, tapos nginitian ko na lang siya.

"Um... sige Jhake, una na ako, ha. May training pa kasi ko eh." Sabi niya sakin. Tapos nagsorry siya ulit.

Nag-nod ako. Tapos umalis na siya.

Nung nakalayo na siya. Sinabi ko:

"Dapat pala dumugo, or nagkasugat man lang yung ulo ko. Para mas matagal ko pang nakausap si Bea. Hay, loko naman kasi tong ulo na to eh, ang tigas"

Sabi ko nang malakas.

*************************************

END

*************************************

Alam kung may pagkashort yung story ngayon guys, pero itatry ko na pahabain pa. :D . Thank you pala sa mga nagvote, nagbasa, at nagcomment. :D P.S. Susubukan kong mag-update agad. :D

*************************************

Pick Me (WRITER'S BLOCK) (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon