(Kean's POV)
6:13pm
"WELCOME TO PALAWAN!!"
Palabas na kami ngayon ng airport. Grabe, nakakapagod.
Dumiretso agad kami sa isang resthouse kung saan tutuloy ang batch namin.
Malaki to noh, tapat lang ng dagat ng ewan.
Malamig din. Nakakapanibago ulit. Pero ang ganda talaga ng view dito. Natapat pa kasi ang room ko sa 3rd floor, kaya kita ko talaga yung mga ilaw sa dagat. Iyong room naman ni Shana, nasa tabi lang ng room ko.
*TokTokTok*
Pumasok ako ulit sa room ko, nasa balcony kasi ako eh.
"Sino yan?"
"Ako to Keyz."
hmm, isa lang natawag sakin nun.
Binuksan ko yung pinto. Pumasok naman agad sila sa kwarto ko.
Si Dave, siya lang yung tumatawag sakin ng Keyz, si Miko, si Jaycee, at Jake. May dala dala silang mga pagkain. May cola drinks pa nga eh. Pasaway talaga. Alam naman nilang bawal eh.
"Bakit??"
Bumalik ulit ako ng balcony, sumunod naman sila.
"Wala lang bro! May problem kasi eh. Usap usap lang."-Jake.
Umupo kami sa upuan na naka-set sa balcony together with a round table. Pure na kahoy pa. Halatang mamahalin. Hmp, dapat lang noh!
"Ang ganda dito noh?"-Jaycee.
"oo nga eh. Balita ko nga aabutin tayo ng 1 week daw."-Dave.
"Talaga? Na-inform ba nila yung mga parents? Naku! Ang sabi pa naman nila 2 days lang."-Jaycee
"Oo nga eh. Pero na-inform naman daw."-Miko.
Haay, 1 week.. after that week... Hayy.
"Ikaw tol, tahimik mo talaga. Minsan nga dumaldal ka naman!"-Jake. Ti-nap nya yung likod ko.
"Wala naman akong dapat idaldal noh."sagot ko. "Ano nga pa lang problema nyo?"
"Ahh, ito kasing si Jaycee, may problema sa babae."-Jake.
Sabi na nga eh. Babae na naman.
"Bakit tol, ano ba yun?"-Dave.
"W-wala! wala yun!!"
BINABASA MO ANG
Peer of Love (Soulmates) First Part [COMPLETE]
Teen Fiction~~ Si Shana Miyuki Rivera... ayy hindi tulad ng ibang babae... Si Kean Lee.. ay hindi lang din ordinaryong lalake, ang landas nila'y pagtatagpuin lang dahil sa isang misyon.. Misyon.. para sa ikabubuhay ng isa. Di man nila ginustong mahulog sa isa't...