(Shana's POV)
"Anong problema mo??"-ako, wala ng katok-katok pa sa pinto. HAHA!
Nakita ko si Kean na nasa kama niya. "Uy!"
Di siya sumasagot. "HOY! "
Lumapit ako sa kanya kasi nakatalukbong siya eh. Ano to?! Pinapunta niya lang ako dito para panuorin siya kung pano matulog?
Umupo ako sa kama. "HOY!!!"- Pagkasabi ko nun, inalis ko yung kumot sa katawan niya. "Uy? Ano namang nangyari sayo jan? Makabaluktot ka parang sinasapian lang?"
Umayos siya ng upo niya..
"Kunin mo nga yung bag na yun." Tinuro niya yung maliit na bag na nasa taas ng table.
Kinuha ko naman tapos hinagis ko sa kanya. "Parang pag-abot lang ng bag di mo pa magawa? Ang laki-laki mo na po kaya!"
"May sakit ako, engot."
"ABA!!! MAKASABI KA NG ENGOT---- WHAT!??? IKAW???"
Hinawakan ko agad yung noo niya. "HALA!! may lagnat ka Kean."
"Kasasabi ko lang."
Ang sungit talaga nito >.<
"Uminom ka na ba ng gamot?"-ako.
"oo. Kanina pa."
"Oh, ano pang problema mo?"
"Wala."
Alam mo! Nakakainis talaga ang mga lalaking nagmemenopause sa mundong ibabaw! Di mo maintindihan ang gusto nilang sabihin!!! Nakakabobo sila >.< Lalo na si Kean!
"Babalik na ko sa room ko. Gagaling ka na din niyan bukas. Yan talaga ang napapala ng sobrang sungit."
Iniwan ko na siya sa kwarto niya. Bahala na siya sa buhay niya noh. Laki laki na niya eh.
*****
(Jaycee's POV)
"Good morning Jaycee!"
"Good morning."
"Good morning Jayz!"
"Good morning."
Paglabas ko ng room ko, puro mga babae agad yung bumubungad sakin.
HAAAAYY. Nakakahawa talaga ang poginess ng yeolboys. Pati ako, nilalapitan na ng mga girls.
BINABASA MO ANG
Peer of Love (Soulmates) First Part [COMPLETE]
Teen Fiction~~ Si Shana Miyuki Rivera... ayy hindi tulad ng ibang babae... Si Kean Lee.. ay hindi lang din ordinaryong lalake, ang landas nila'y pagtatagpuin lang dahil sa isang misyon.. Misyon.. para sa ikabubuhay ng isa. Di man nila ginustong mahulog sa isa't...