**Chapter Twenty-Five** ++A change++

82 0 0
                                    

(Shana's POV)

3 days na din ang nakakalipas.

Gusto ko pa din talagang bumalik doon sa Palawan. 

Balik school na naman kami. Balik sa paghihirap ko >___<

Wala naman kasing nangyari eh.

Remember nyo pa ba na... nag-uusap-usap thingy na kami ni Kean?? After that moment... Wala na. Wala na din namang nangyari. Di na ulit niya ako kinausap. 

"Hey."

Napalingon ako sa likod ko.

"Oh Nico, ikaw pala ^_^"-ako. Umupo siya sa tabi ko. 

Ay, oo nga pala. Nandito kami ngayon sa Ministop. Kumakain lang po ako. Kagagaling ko lang sa school eh. Tambak din dito sa mesa yung mga libro na dapat kong pag-aralan. Nanganganib daw kasi yung grades ko sabi ni Maam Seefhon.

"Anong ginagawa mo dito? Gala ka ah."

"Uy hindi! Nagpapahinga lang ako noh!"

Tinignan niya yung mga libro na nasa harapan namin.

"Ano tong mga to?"-siya.

"Libro."

"Yeah I know... Libro to. =___="

Napangiti ako. Cute niya talaga oh!!

"Di ka ba nagugutom??"-ako. 

"Di pa naman."-siya.

Hmm... "Ang boring."

"oo nga eh."-siya. "Gala tayo."

"Saan naman??"

"Punta tayo sa Condo ko."

"Condo mo???"---"Ano namang gagawin natin doon?"

"Hmm.. maglalaro tayo."-sagot niya.

Ano naman kayang lalaruin namin dun? Unless may matinong mga laruan doon noh. HAHA!

"Ano namang laro??"

"Ewan ko din. Basta, madami namang pwedeng laruin doon eh."

"ahh ganun ba?"ako. "Pwede ba na... umuwi muna ako? Ang dami-dami ko kasing dala-dala eh."

"Wag na! Saglit lang naman tayo noh!! Tutulungan na lang kita na magdala. ^_^"

aahhh??? O-KAY?

Tumango na lang ako. Paglabas namin ng Ministop, inakbayan niya ako.

eeeh? Nakakailang ah.

********

(Kean's POV)

"Miyuki."

Peer of Love (Soulmates) First Part [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon