Laurice.
"Everyone, Lori's friends and their family, classmates, schoolmates, acquaintances, teachers, my wife and I's relatives and friends. Thank you for attending our daughter's special day. Eighteen years ago, the almighty God blessed us with a beautiful angel named Laurice Anne..."
Rinig ko sa monitor na nagsimula nang magspeech sila daddy at mommy. Nasa isang air-conditioned room ako ngayon, mamaya pa ako papalabasin pagkatapos magspeech ng parents ko para sa grand entrance. I'm with my stylists, they're making sure that my hair and make up is not ruined. Rineretouch nila ito from time to time kung kailangan.
Hindi nagtagal ay may pumunta ng coordinator sa room para sabihing tapos nang magspeech ang parents ko at time na para sa grand entrance. Maya-maya ay nadatnan ko nalang ang sarili ko sa harap ng mataas na glass door na may flower ornaments. At dahil transparent iyon ay kita ko kung paano maglingunan sa direksyon ko ang mga bisita, nagmamadali ring pumwesto ang mga photographers sa loob. May nakatayo pa sa harap ng pinto na may walkie-talkie na parang may kausap sa loob.
"Are you ready?" Nakangiting tanong niya sa'kin pagkatapos niyang kausapin ang kung sino man ang nasa loob. Dahan-dahan naman akong napatango bilang sagot sa kaniyang katanungan.
Shit, this is it.
Pagkatapos noon ay may sinabi na naman siya sa kaniyang walkie-talkie pero hindi ko na iyon napansin dahil nakafocus ako sa pagbukas ng pinto. Nakita ko ang paglapit ng dalawang naka black t-shirt na may nakasulat na STAFF sa likod at naka black pants din. The two of them opened the tall glass door for me. Agad na bumungad ang mga boses ng tao at ang music na tumutugtog sa background para sa grand entrance ko.
Dahan-dahan akong humakbang papasok sa venue. Agad na bumungad ang mga flash ng camera ng mga photographers ganon na rin ng mga bisita. Lumingon at kumaway ako sa bawat table na nakikita ko habang naglalakad papunta sa stage. Tila gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa iisang table na malapit sa table ng family ko. They were waving their hands at me and they were mouthing words that I can't seem to comprehend dahil ang daming nag-uusap sa paligid, hindi ako makafocus kaya nginitian ko nalang din sila. And mouthed the words "mamaya na".
"Our very own Laurice Anne Concepcion, everyone. So dazzling, isn't she?!"
Nang makalapit na ako sa stage ay ininstruct ako ng mga staff na maupo sa pink na couch na nasa stage. Matapos ay nagspeech muna ang emcee tungkol sa grand entrance ko, 'di nagtagal ay pumunta na sa gitna ng venue ang grupo ng mga mananayaw na magpeperform ng choreographed waltz sa harap namin.
Usually, 9 pairs ng boy and girl friends dapat ng debutante ang magpeperform ng formal cotillion dance but I only have 4 friends at tsaka hindi sila marunong sumayaw maliban kay Samuel na kasali sa isang dance troupe. Mga kagrupo niya ang magpeperform ngayon, si Samuel daw ang nag arrange ng perfomance na ito pero hindi siya kasali kasi sasayaw pa siya mamaya sa 18 roses. Napatingin ako sa table ng mga kaibigan ko at nakitang pag thumbs up at wink sa'kin ni Samuel. Nagtumbs up din ako sa kaniya at mahinang napatawa. Ang effort ng mga kaibigan ko. Tumulong din silang magdecorate dito sa stage kung saan ako nakapwesto ngayon.
Nang matapos ang cotillion dance ay muling pumunta sa gitna ang emcee, sa harap ng mga bisita at sa harapan ko. Matapos niyang magsalita ay biglang nagdim ang lights. Napatingin ang lahat sa isang malaking projector sa taas na biglang lumiwanag. It should be my pre-debut shoot that took place last month. Ang background song na ginamit doon ay Theme de la leçon particulière by Christian Gaubert.
Matapos ang presentation ay bumalik na ang emcee sa gitna. May partner na siyang lalaking emcee ngayon.
"What a show, Laurice Anne! You looked so gorgeous in there ha? But you look even more gorgeous tonight." Compliment ng male emcee at tsaka napatingin sa'kin habang may hawak-hawak na card.
BINABASA MO ANG
LOVE IS WAR(M).
Teen FictionChildhood enemies and academic rivals, these are the words that perfectly define Laurice Concepcion and Sebastian Alejandre. But as they mature, they began to notice each other's undeniably spectacular qualities they never knew existed in each other...