15

402 61 64
                                    

Laurice.

Lunes ngayon at aligaga ang mga classmates kong mag comply ng mga lacking nila dahil irerelease na ang final grades ngayong Thursday at sa Friday naman irerelease ang overall ranking ng mga students sa buong campus. I always finish my activities or assignments ahead of its deadline kaya kalmado lang ako ngayon though I approached my teachers earlier to inquire if may kulang ako pero wala naman daw, just to make sure. Mukhang sa compliance lang iikot ang buong week na ito. No more new lessons, no more new activities. Graduation is coming in two weeks after all, on May 31st.

Ahhh, time flies. 2 months from now, I'll be a college student already. Hindi ako makapaniwala. I used to be a kindergarten student na palaging hatid sundo nila mommy o daddy sa school pero ngayon, malapit ko ng marating ang finish line. I'll be taking over the reigns of my own life very soon and I can't seem to fathom the freedom and responsibilities that adulting offers at the same time right now. Makakaya ko kaya?

Mag-isa akong pumunta sa cafeteria nang makaramdam ako ng gutom. I didn't eat enough this morning due to lack of appetite because of my period cramps. Kung tamad lang ako ay hindi ko pipiliing pumasok ngayon kasi wala naman na akong gagawin dito pero ang ibang teacher namin ay nagpapa-attendance pa rin sa subjects nila, sayang naman ang makukuha ko sanang points doon kung hindi ako papasok.

"Ang lapit na ng graduation niyo, kayo pa naman ang favorite kong batch. Haaay, mamimiss ko kayo ng mga kaklase mo rito sa canteen." Emotional na sambit ni Aling Martha na bantay rito sa cafeteria sabay abot sa'kin ng isang serving ng chicken curry galing sa oven at isang platong may dalawang rice.

"Lalo ka na Lori, mamimiss kitang kausap. Ang lalim mo kasi mag-isip e, 'yong may sense lahat ng sinasabi, ganon? Naaalala ko sa'yo iyong kabataan ng panganay kong anak na may pamilya na ngayon." Dagdag pa ni Aling Martha.

Walang panahon na hindi niya 'ko sinabihang naalala niya ang anak niya sa'kin pag pumupunta ako rito sa cafeteria tuwing may vacant. Siguro ay minsan nalang sila magkita ng mga anak niya kasi may kaniya-kaniya nang pamilya ang mga ito. Aling Martha are fond of kids kaya malapit siya halos sa lahat ng mga estudyante rito sa school namin.

"Don't worry Aling Martha, malay mo, rito ako magtrabaho sa susunod." Sambit ko habang inilalagay ang mga order ko sa tray.

"Bakit hija? Magteteacher ka pala? Akala ko magnunurse ka?" Naguguluhang tanong naman ni Aling Martha.

"Yep. Pero pag malapit na akong magretire, balak ko munang maging school nurse dito sa alma mater ko." Saad ko naman sa kaniya.

I don't plan to work my whole life so I wouldn't be too old to apply as a school nurse here in my alma mater if ever. Lalo na kung mas mapaaga ang pag-iipon ko. I want to enjoy my life as well at parang nagegets ko naman ang point ni Samuel kung bakit ayaw niyang makulong sa trabaho. I don't want to worry about bills my whole life, kailangan ay magkaroon ako ng passive income katulad ng pagtatayo ng sarili kong business so I wouldn't have to rely on my job alone. Being a nurse is my dream so I'll surely make it happen, but I happen to discover that I have other dreams as well.

These past few days, parang mas lumalala nang lumalala ang sitwasyon sa bahay. Masyado nang nagiging busy sila mommy and daddy at once in a blue moon nalang kami magkaroon ng family bonding. Ang huling beses na nagkasama-sama kami ng kumpleto ay noong debut ko pa. But after that for an unknown reason, I kind of notice that mommy and daddy are slowly getting distant from each other already. Ni hindi na nga sila nagpapansinan kung nakikita nila ang isa't isa sa bahay kasi pagod sila and they want nothing but rest only. Dahil ba iyon sa mga trabaho nila? Hindi ko alam. But now I get why Samuel preferes a soft life rather than a hectic one. I don't want that to happen to my future family so I had to make some change of plans.

LOVE IS WAR(M).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon