19

425 64 62
                                    

Laurice.

Napahinga ako nang malalim habang nakaupo rito sa shotgun seat ng car ni mommy. Nauna na ako rito sa loob dahil may nakalimutan daw siya sa bahay. Nakatingin lang ako sa bahay ngayon. Today is our graduation day, pero hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko.

It seems like my father doesn't really plan to show up anymore, kahit ngayong araw man lang. Kahit sa graduation ko man lang. I even gaslighted myself earlier that maybe, I can forgive him if only he will come home today and explain to us what really happened. Pero wala, iniwan na niya talaga kami ng wala man lang pasabi at mukhang wala na siyang balak bumalik. Kaya ngayon palang, alam ko na sa sarili kong hindi ko na siya mapapatawad kahit kailan. Kinamumuhian ko na siya.

Wala kaming ginawa kundi ang mahalin siya pero bakit ginawa niya sa'min 'to? Ang unfair.

"Let's go, sweety. Hindi pa naman tayo late, 'no?"

Bigla akong natauhan nang mapagtantong nasa driver seat na pala si mommy na siyang kasalukuyang nagseseatbelt ngayon. Saglit na napatingin pa ako sa ribbon na may nakalagay na "parent" na nakapin sa left side ng black blazer niya. Maging ang ribbon na 'yon ay dalawa ang nakalagay sa graduation box ko pero isa lang ang magagamit. Napahinga muna ako ng malalim bago sumagot kay mommy.

"I mean, we'll be almost an hour early if we go there right now, mommy." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

9AM pa kasi ang start ng graduation ceremony pero 7:45 palang ngayon at malapit lang naman ang school. Super early rin ako ginising ni mommy para maayusan na niya ako kaagad. Buti nalang at naka aircon sa bahay at dito sa car kung hindi, kanina pa nalusaw ang make up ko sa init. Alam kong excited lang si mommy para sa'kin kaya hindi nalang ako umangal sa gusto niya. Kung iyon ang makakapagpasaya sa kaniya ay hindi ko hahadlangan 'yon, maliit na bagay lang naman iyon kumpara sa lahat ng mga sakripisyong ibinigay sa'kin ni mommy.

"Pasensya na, anak. I just can't contain my excitement!" Mommy giggled na parang hindi na talaga siya makapaghintay.

"Gusto ko nang makita ng lahat kung gaano kaganda at gaano katalino ang anak ko. Can you blame me?" Nakangiti pang dagdag ni mommy at pinoke ang pisngi ko.

"Mommy naman e, you're flattering me." Medyo nahihiya kong sagot kay mommy. She has always been proud of me naman even before pa, iba lang talaga ang compliment ng isang magulang. It just hits different, nakakataba ng puso.

"But I'm just stating facts lang naman, anak?" Confused na sambit ni mommy. Napapout naman ako habang nakatingin sa kaniya. Pinagmasdan ko siyang ilagay ang isang kamay sa ulo ko at hinaplos-haplos iyon nang marahan.

"Believe me dearest, anyone would be so proud to have a daughter like you." Dagdag pa ni mommy bago niya ituong muli sa daan ang kaniyang paningin at simulang magdrive.

That moment, I felt so lucky to have a mommy who's proud of having me regardless of what I achieve or what I don't. I feel blessed to have a mother who's proud of having who I am, nothing more or less but just me, Laurice Anne. Pero kahit ganoon, hindi ko mapigilang isipin kung magiging proud din kaya si daddy sa'kin kung nandito lang siya ngayon? I guess I'll never know.












Laking pasalamat ni mommy dahil early kaming pumunta sa school dahil hindi pa ganoon karami ang tao. Well, marami-rami na rin naman pero hindi pa ganoon kalala kaya nakahanap pa si mommy ng mapaparkingan within the school premises. Baka kasi kung mamaya pa kami dadating ay wala nang space sa parking lot dito sa school at mahirapan pa si mommyng maghanap ng pwede parkingan sa labas.

Sa loob na kami ng car naghintay hanggang sa mag call time na. I can't help but feel nervous, hindi dahil marami ang tao but because I am not comfortable with my speech that I will be sharing with everyone later. It sounds so plastic and not me. There's no hint of Laurice in it, I bet I would sound like a programmed robot kung ito talaga ang gagamitin ko mamaya.

LOVE IS WAR(M).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon